06

282 9 0
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2015 by chureitonct.


•••



Nakatayo ako ngayon sa harap ng office ni Hiro. I don't know why kung bakit 'di pa ako pumapasok, siguro dahil sa nangyari kagabi.

Huminga naman ako ng malalim tsaka ko binuksan ang pintuan. Pagpasok ko, nakita ko siya dun na nakayuko at may sinusulat.

"Oh Mae, bakit? May naghahanap ba sa akin?" Sabi nito habang may sinusulat siya.

Di niya ata alam na ako ang pumasok. Kaya umubo ako, nakita ko namang napatingala siya dun at nagulat siya.

"Uhm, sorry sa abala." Dahan dahan naman akonb lumapit sa table niya. "Dala ko na pala yung ibang mga papeles na kailangan ng pirma mo." Sabay irap ko.

Napangiti naman siya dun. May something sa ngiti niya.

"Upo ka, love." Napataas ang isang kilay ko dun.

"Love?" Masungit kong tanong sa kanya.

Natawa naman siya ng mahina. "Yes, starting now 'yan na ang tawag ko sayo and it's better if you're going to call me that as well." Napangisi naman siya dun kaya inirapan ko siya at umupo sa harap niya.

Nilapag ko naman sa lamesa niya ang papel na pipirmahan niya. Kinuha naman niya yun at binasa.

"There's this paper that tells that we're still business partners hangga't 'di pa nawawala ang business ko." Napatingin naman siya sa akin.

"Iba pa 'to sa pinapirma mo sa akin last time?" I nodded.

"Well, yeah." I gritted my teeth. "Actually I talk with my lawyer and he told me to do this." Natawa naman siya at napatango.

"Good thing you have a lawyer." Sabi nito at bahagyang niluwagan ang necktie niya. "So may balak kang itapos ang business mo?"

Malungkot naman akong ngumiti. "It depends."

Napatango naman siya at tsaka pinirmahan yung mga papeles. Pagkatapos, kinuha ko naman yun at tumayo agad. I want to get out of here, ugh.

"Thank you. Sige, aalis na ako." 'Di ko na siya inantay magsalita at tumalikod agad ako.

Bubuksan ko pa lang sana 'yung pinto nang may humawak sa kamay ko kaya agad akong napaharap.

Tinanggal ko naman agad yung pagkakahawak niya. Napalunok naman ako kasi ang lapit niya masyado.

"M-may sasabihin ka ba?" Nauutal kong tanong. Damn it, Elisse!

Ngumisi lang siya sa akin at humakbang palapit. Kaya napaatras naman ako.

"Remember what I said last night?"

Napaatras na naman ako nang humakbang siya ulit. Hanggang sa napasandal na ako sa pinto. Nilagay niya yung kamay niya sa gilid ko kaya di na ako makakaalis.

"I mean it Ms. Lopez."

'Di ko na alam ang sasabihin ko, parang nawalan ako ng lakas para magsalita.

"Gagawin ko ang lahat para mapa sa akin ka ulit." Napalunok naman ako. "I don't fucking care kung may masasaktan basta makuha kita."

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon