20

184 9 0
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2015 by chureitonct.


•••




Pagkatapos sabihan ni Elisse si Janella na pumunta na sila sa airport. Buti na lang at kasama niya ang tatlong itlog at agad niya itong nilapitan.

"Hoy mga lalaki!! Tara na sa kotse, may pipigilan tayo sa airport!!" Sigaw ni Janella dun sa tatlong lalaki na walang kamalay malay sa nangyayari.

"Aba lintek! Si Hiro aalis na, ayaw niyo pang tumayo diyan?" Nas-stress na si Janella dun sa tatlo.

Nagulat naman yung tatlo at agad na tumayo at sumakay na silang apat sa kotse at agad yun pinaandar.

Nang makarating sila sa may airport buti na lang at pinapasok sila dahil malakas ang connection ni Jherome.

"Kuya, kapag may babaeng dumating at ang pangalan ay Elisse Lopez papasukin mo ha?" Paghahabilin ni Jherome dun sa guard.

Tumango naman ito kaya pumasok na silang apat sa loob. Naghiwa-hiwalay silang apat para mas madali nilang hanapin si Hiro.

Hindi nila hahayaang umalis na lang ito at iwan si Elisse. Kasi parang nangyayari na naman yung dati. Tatakasan nila yung sakit nilang nararamdaman.

Pagod na rin sila kakaintindi sa naging love story ng dalawa ang dami na nilang pinagdaanan pa. Ngayon at single na si Elisse tsaka pa 'tong si Hiro aalis.

Hanap lang sila ng hanap pero wala silang makitang Hiro. Nagtagpo na ulit yung apat.

"Nakita niyo ba?" Tanong ni Janella.

Umiling ang tatlo. Pero biglang may nakita si Nessy. "Si Hiro yun diba?"

Lumingon naman sila sa tinuturo nito at agad nagsitakbuhan nang makitang si Hiro nga ito. Akala nila ay nakaalis na ito.

"Hiro!!"

Nagulat naman si Hiro at parang napansin niya na parang pamilyar yung boses. Boses ito ni Nessy. Lumingon ito at nakita niya yung apat niyang kaibigan na hinihingal sa harap niya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Hiro sa kanila.

Ang alam niya kasi na si Ares at ang pamilya niya lang ang nakakaalam na aalis siya. Tapos 'yung letter na iniwan niya kay Elisse, sinabi niya sa Mama niya na bukas ito ibigay.

"Bwiset ka, pare! 'Di ka man lang nagsabi na aalis ka!" Sigaw sa kanya ni Jherome.

"Alam ko kasing pipigilan niyo ako." Mahinang sabi ni Hiro.

"Tanga ka ba, pare?" Tanong ni Jay. Nagbulungan naman yung apat kaya nagtaka si Hiro.

Nagulat siya nang bigla siyang hinawakan nina Nessy, Jay at Jherome habang si Janella naman ay parang may hinahanap. "Syempre pipigilan ka talaga namin." Dagdag pa ni Jay.

Pinipilit niyang makawala sa hawak ng mga kaibigan niya dahil malapit na tawagin ang flight niya.

"Calling the flight....." At di siya nagkamali tinawag na nga ang flight niya.

"Hoy mga kupal, pakawalan niyo na ako! Kailangan kong umalis." Pero hindi ito pinansin nung tatlo at mas hinigpitan ang paghahawak dito.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon