EPILOGUE

305 7 2
                                    

All rights reserved.
Copyright © 2015 by chureitonct.


•••




Sampung taon na nakalipas at masasabi kong kuntento na ako sa meron ako ngayon.

10 years ago, after magpropose sa akin ni Hiro actually parehas kami nagpropose sa isa't isa. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yun.

Mabalik tayo, after niya magpropose sa akin after 3 months kinasal din kami. Di na namin pinaabot ng next year. Sa totoo lang mas naunahan pa namin sina Janella at Jherome ikasal kasi kinasal sila ay after 2 months ng kasal namin.

Speaking of them, may anak na sila. Isang napakacute na babae ang kanilang anak, ang pangalan ay Samantha. Hindi ko lang alam kung may balak pa silang sundan si Sam.

Sina Nessy at Nirvana naman may dalawa na silang anak, and actually Nirvana is pregnant again! Masipag ang dalawa. Parehas lalaki ang anak nila, their names are John and Jim at yung pinagbubuntis ni Nirvana di pa alam ang gender.

Travis and his girlfriend, Mary, broke up 5 years ago. Hindi nakakapaniwala ang dahilan ng break up nila. Dahil yung babae ang nagloko. Pero Travis is happy now with his family.

Sina Hannah and Ron? Staying strong actually kinasal na sila pero wala pa silang anak gusto raw muna nilang enjoyin ang isa't isa.

While Sasha and Gelo are happy now with their own family. Lastly, you won't believe this.

Sina Feliza at Jay ang nagkatuluyan! Naging mag-on sila pero on and off ang relationship nila, aso't pusa ang dalawang yun eh. Pero yun kinasal din sila at may isa silang anak na babae.

Madaming magagandang nangyari sa aming lahat. Wala ng problema. Si DJ, nakapasa siya sa isang University sa may France and it was 100% scholarship. We are so proud of him kaya full support kami na 'dun na siya magtapos. This year ay graduation na niya kaya pupunta kami sa France for that. Habang si Camella ay nag-aaral pa rin at si Lexi ay nagtatrabaho na.

Si Ares? Wala na akong balita sa kanya after nung wedding namin. Basta ang alam ko masaya na siya ngayon.

At kung tinatanong niyo ako if kamusta ang buhay ko?

"Mommy! Help! Daddy at Kuya told me that they'll eat me!" Pagsumbong sa akin ng isang batang babae na napakacute.

Agad naman siyang sumampa sa akin at yumakap sa leeg ko.

Lumapit na rin sa pwesto namin sina Hiro at si Dale Jasper. "Kayo talaga! Inaaway niyo na naman 'to." Yumuko naman silang dalawa.

Humarap naman sa kanila si Penelope at bumelat. Natawa na lang ako sa inasal niya.

I'm happy with my family right now. May dalawa na kaming anak isang lalaki at isang babae. Ang panganay ko na si Dale Jasper Reyes at ang bunso kong si Penelope Reyes. Tanda ko pa na nagalit si bunso dahil bakit daw isa lang pangalan niya pero ang kuya niya ay dalawa. Hayst.

"Love, ang cute kasi ng prinsesa natin ang sarap kagatin." Natawa na lang ako sa kanya.

Lalong napakapit sa akin si Penelope jusko ang batang 'to! Ang higpit eh.

Nagtawanan na lang kaming tatlo.

"Hey Princess, don't be scared we are just joking!" Napangiti na lang ako sinabi ng aking panganay.

Chasing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon