Chapter 2

4 0 0
                                    

Sabay kaming lumaki ni Aishen. Mula pa pagkabata alam ko nang madamot siya, mapili sa pagkain, sobrang sensitive, mapanisi, mapanghalungkat ng pagkakamali at iba pa.

Pero kahit na ganun, may mga katangian siyang nakakapagpalambot ng puso. Mabait siya lalo na sa mga bata, simple mag-ayos, hindi materialistic, maalaga, at higit sa lahat mahal ako.

Oo, mahal niya talaga ako, walang duda. Kaya ipinagdamot niya ako sa ibang tao. Tama, possessive siya. Alam nyo naman na iyong mga posibleng pangyayari diba?

Napakaselosa niya.. Pero okay lang sa'kin yon..
"Bata pa naman kami, magma-mature din siya pagdating ng panahon," saksak ko sa isip ko. "Tutal natagalan ko naman na iyong ganung ugali niya mula pagkabata."

Kaya pagka-graduate namin ng high school, nanligaw ako sa kanya.. Sinagot nya naman ako bago mag-semestral break nuong first year college kami.

Magkaklase kami kahit nung college na. Gusto daw niya lagi kami magkasama.

Kaya parehong eskwelahan, parehong kurso, parehong schedule. Iniisip na rin niya kung saan kami mag-a-apply pagka-graduate namin..

"Babe, gusto ko sabay tayo maga-apply sa company ha.." Sabi niya..

"Eh pano 'pag isa lang sa atin ang natanggap?" Tanong ko.

"Babe, di pwede yon.. Dapat dalawa tayong kunin nila.." Pilit niya.

"Babe, di naman malabong isa lang yung makuha sa atin.." Sagot ko ulit..

"Edi maghahanap tayo ng ibang company^___^ at hindi tayo titigil hangga't di tayo pareho natatanggap" ^,^ ang sweet niya diba? Pagpapaniwala ko sa sarili ko.

Pero habang tumatagal, hindi ko na kayang papaniwalain ang sarili ko. Unti-unti akong nasakal sa pagiging selosa niya.

Alvares ang apelyido ko, Sanchez naman siya. Hindi kami nagkasama sa group dahil alphabetically arrange ang groupings.

"Alvares, patulong naman oh.. Pakihawakan tong dulo ng plastic cover, gugupitin ko." Pakisuyo ni Lopez, kaklase naming babae, kagrupo ko.

Nang malapit na siya sa dulo, di na niya natapos ang paggupit, sinugod siya bigla ni Aishen at inagaw sa kanya ang hawak na gunting..

"Ang kapal ng muka mong makipaglandian sa boyfriend ko!! Baka nakakalimutan mo, nasa kabilang side lang ako ng kwarto!" Sigaw ni Aishen. "Sana naman hinintay mo munang makalabas ako para masolo mo siya!!" Dagdag pa niya habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ko. Desidido siyang kalbuhin ang kaklase namin..

Wala akong nagawa kundi ang ilabas siya ng room at dumiretso sa garden upang pakalmahin siya. Ayaw na ayaw niyang may babaeng nalalapit sa edad namin na humihingi ng tulong ko. At sa tuwing ganun ang nangyayari, mahaba-habang suyuan na naman. Sarado ang tenga niya sa paliwanag. At igigiit niya ang mga bagay na di namin napagkasunduan mula simula.

Nagtiis pa ako, hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral. Tumagal ang relasyon namin ng limang taon na away-bati.

Ayokong mawala siya, mahal ko siya.. Mahalaga ang mga ala-ala namin mula pagkabata, iniingatan ko iyon..

Pero sa tuwing nagkakasama kami, pakiramdam ko sumisikip ang paligid.. Ito na ba ang sinasabi nilang pag mahal mo, sa kanya na lang umiikot ang mundo mo?

Magandang senyales ba ang nararamdaman ko para mapatunayan sa sarili kong mahal ko talaga siya?

ANINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon