Part 5

6 0 1
                                    

Naaliw ako sa nakikita ko. Sinusubuan ni Agatha ang mga bata. Nang mabusog sila, siya naman ang lumamon. Oo, lamon, di kayo nagkamali ng basa.

Naalala ko ang sinabi ni Aishen, na magbabago siya huwag ko lang siyang iwan. Hinding hindi ko siya mapakain ng ihaw na isda, pero ang babaeng kasama ko ngayon, parang ipinagsisigawan pa niyang 'kahit anong iharap nyo sa aken, lamang tiyan lahat yan.'

Sa sandaling panahon na nakasama oo siya, nakakwentuhan, pakiramdam ko habang-buhay ko na siyang kilala. May mga pagkakapareho sila ni Aishen, pero ang pinakagusto ko sa mga iyon, pakiramdam ko, sa lahat ng taong kasama namin sa islang iyon, ako ang pinakagusto niyang kausap.

Ipinaaya kong magpahinga mula sa trabaho para makalimutan ang nakaraan, pero kabaliktaran ang nangyari. Kahit saan ako pumunta nakasunod ang anino ng babaeng minsan kong minahal, iniwan at labis na sinaktan.

At ngayon, kaharap ko ang babaeng kaparehong kapareho niya sa pisikal na anyo, sa ilang katangian, at taglay ang mga katangiang hindi ko nakita kay Aishen.

Hindi mapili sa pagkain, kahit anong pagkain kakainin.

Walang pakialam kahit may babaeng halatang nagpapakita ng motibo sa akin. Sabagay, kasi wala naman kaming relasyon, simpleng magkakilala lang sa isang isla.

Pero sa totoo lang, kung mabibigyan ng pagkakataon gusto oo siyang maging kaibigan. Hindi ako pinagtawanan o sinisi nung kinuwento ko ang mga kapalpakan at pagkakamali ko sa buhay. Kundi matiim lamang siyang nakikinig. Oo, kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Aishen.

Hindi rin niya ipinipilit ang ideya niya nung pinag-uusapan namin kung paano kami makakaalis sa islang iyon. At alam ko, sa kasuluksulukan ng puso ko, meron sa aking ayaw unalis sa islang ito kasama siya.

Gusto ko pa siyang makasama, makausap, at marinig tumawa. Ang mga bagay na iyon ang nagpapaalala sa akin sa mga sinabi sa akin ni Aishen na magbabago na siya wag ko lang siyang iwan.

Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi si Aishen ang kasama ko dito sa isla kundi si Agatha. At kahit kailan, hinding hindi ko na siya makakasama, iyon ang realidad.

Pero sa isang banda, nakikiusap ang puso ko na kahit sa maghapon lang na ito, maramdaman ko man lang na kasama ko siya, kahit biro lang. Iyong hindi anino na puro dilim lang ang nakikita ko.

Inabot kami ng dilim, kaya gumawa kami ng bonfire. Magkausap pa rin kami ni Agatha, nagkukwentuhan ng mga walang kwentang bagay.

Sa maghapong magkausap kami, halos alam na namin ang lahat tungkol sa isa't isa. At dahil dun, kung ano ano na lang ang naiisip namin pag-usapan.

"Eto eto, knock knock." Masigla niyang sabi.

"Who's there?" Sagot ko naman.

"Dina Bonavie." Napakunot ang noo ko.

"Dina Bonavie who?"

"Dina Bonavie my lover! you gotta get with my friends (gotta get with my friends)
Make it last forever friendship never ends,
Dina Bonavie my lover, you have got to give,
Taking is too easy, but that's the way it is." At kumanta siyang parang ewan. At para din akong ewan dahil sa pagsabay ko sa kanya.

"Agatha." Napatigil kami sa tumawag na iyon. Paglingon ko, isa sa mga kasamahan naming lalaki, halos kaedad lang namin. "Pwede ka bang pumunta saglit doon? Mukhang kailangan ng tulong mo."

"Sige sige susunod ako." Nakangiti niyang sagot.

Hindi ko alam kung ako lang to, pero iba ang saya na nararamdaman ko pag magkasama kami at nag-uusap. Pero may kumukurot sa puso ko sa tuwing may umaagaw ng atensiyon niya. Nagiging possessive na ba ako? Sa huli, sinabi kong sasamahan ko na siya.

Pagdating namin sa sinabing 'doon' ng lalaki, nadatnan nakin ang batang mukhang kanina pa iyak ng iyak.

"Kanina pa siya hindi mapatahan." Sabi ng nag-aalaga sa bata.

"Nasaan ang masakit beh?" Malambing na tanong ni Agatha sa bata. Pero tuloy parin sa iyak ang bata. "Nagbawas ma ba siya?"

"Oo eh, at mukang basa."

Pagkasabi nun ng babae ay nagmadaling umalis si Agatha. Kaya sinundan ko siya.

"San ka pupunta?" Tanong ko ng maabutan ko siya.

"Maghahanap ng gamot." Sagot niya.

"San ka maghahanap? Madilim na, delikado."

"Dito lang yun. Nakita ko kaninang umaga." At lumapit siya sa bandang madahon at napangiti ng malawak nang makita ang hinahanap. Pumutol siya ng ilang piraso at nag-aya nang bumalik.

Matapos hugasan ay pinakuluan niya ang halaman na kinuha niya. Tsaang gubat daw ang tawag dun. Tsaka niya ipinainom sa bata yung nagkuluan.

"Hintayin niyo na lang, magiging ok na siya." Sabi niya sa nag-aalaga sa bata.

"Wow ang galing mo naman Agatha." Puri sa kanya nung lalaking nagtawag sa kanya. Kunyari pa ang isang to, gusto lang makausap si Agatha. Palibahasa ako lang ang kinakausap.

"Hindi magaling, natutunan lang." Sagot naman niya. "Tara, balik na tayo dun? Baling niya sa akin kaya napangiti ako at tumango.

Babalik na sana kami nang may biglang pumulupot na kamay sa braso ko..

O____o

ANINOWhere stories live. Discover now