Chapter 3

6 0 0
                                    

Lumipas ang panahon, pareho na kaming nagtatrabaho. At tulad ng gusto nya, nasa pareho kaming kunpanya. Akala ko magbabago na sya kapag nasa tamang edad na kami. Gusto na nyang magpakasal kami. Pero paano ko naman siya aalukin ng kasal kung sa tuwing may lalapit sa aking babae inaaway niya ako. Sa tuwing may di ako nagagawa sa mga gusto nya, ipapaalala niya lahat ng mali ko.

Hanggang sa dumating yung araw na hindi ko na siya matiis.. Masyado na akong napapahiya sa mga ginagawa niya. Mahal ko siya, pero mahal ko din ang sarili ko. Gusto ko ding may matira sa dignidad kong unti-unti niyang inuubos sa tuwing inaakusahan niya akong nambababae, sa tuwing punagdiriinan niya ang mga kahinaan ko. Nakipaghiwalay ako sa kanya.

"Magbabago na ako James, please 'wag mo akong iiwan. Di ko kakayanin pag nawala ka." Pagmamakaawa niya sa akin.

Masakit man, tinalikuran ko siya. Sa tuwing ganun ang pangyayari, iyon ang lagi niyang sinasabi. Di ko na mabilang kung gaano karaming beses na niya yung sinabi pero hanggang ngayon wala paring nagbago, mas lalo pang lumala.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, matagal siyang di nagparamadam. Di siya pumasok sa trabaho. Ayoko naman siyang tawagan, ayoko na siyang suyuin, nagsasawa na ako. Ubos na ang pasensya ko. Buo na ang pasya kong hiwalayan siya nang tuluyan, baka sakaling pag nawala ako sa buhay niya, magbago siya. Inayos ko na rin ang resignation letter ko para di na kami magkasama sa trabaho. Sana pagpasok niya, nakaalis na ako.

Pero bago pa man ako makakatok sa pintuan ng boss ko, nakatanggap ako ng tawag mula sa mommy ni Aishen.

"Hello tita." Sinubukan kong maging pormal. Malamang alam na niya ang nangyari sa amin ng anak niya.

"J-james!!!" Umiiyak na tawag niya sa pangalan ko. Dahilan para makaramdam ako ng matinding kaba..

Marahil kauuwi lang ni tita galing sa kanyang business trip..

"Tita, are you ok? What's wrong??" Nag-aalalang tanong ko sa kanya..

"J-james, si A-aishen!!" Humahagulgol paring sagot niya dahilan para lalo pang lumakas ang tambol sa dibdib ko.

"Tita calm down, please.. What happened to Aishen?" Pilit kong pagpapakalma sa kanya kahit wala namang epekto sa kanya yun..

"J-James, ang a-anak ko.. S-si Aishen, two d-days na siya p-patay. Nadatnan k-ko siya sa k-kwarto n-niyang wala nang b-buhay.."

O____O

Nagyelo ang buong katawan ko nang marinig ko yun. At nang tuluyan nang mahanap ko ang sarili ko, nagtatakbo ako palabas ng building, pinaharurot ko ang sasakyan ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta..

Nagising ako sa masamang paniginip na iyon.. Dalawang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon di parin nawawala sa tulog ko ang trahediyang nangyari, ang pagpapakamatay ni Aishen. Si Aishen na kababata ko, nag-iisang babaeng minahal ko ng buo sa kabila ng mga kapintasan niya..

Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang desisyon kong hiwalayan siya. Gusto ko nang kalimutan ang nangyari, pero para siyang anino, laging nakabuntot. Lagi ko parin siyang naaalala sa mga simpleng rutina ng buhay ko. At ang pinagkaiba nila ng anino, siya, kahit wala ng araw, nakabuntot parin sa panaginip ko.

Masyado daw akong stressed ayon sa mga kaibigan ko. Pagkatapos ng pangyayari, nagbabad ako sa trabaho.

"Alam mo James, masyado mong sinisisi yang sarili mo. Learn to let go bro." Si Alex, isa sa mga kaibigan ko.

"Don't start Alex, I'm just fine." Sagot ko. Ayaw na ayaw kong pag-usapan ang pangyayari.. Ewan, allergic ako sa topic na iyon. Hangga't maaari, gusto kong i-focus ang sarili ko sa trabaho, o kahit anong bagay wag ko lang siya maisip.

"Accept it bro, she's gone. And you can't do anything about it. Why don't you give yourself a break?" Napaisip naman ako sa suggestion niya..

Ipinasya kong magbakasyon. At pag sinabi kong bakasyon, yun yung bibiyahe ako sa malayong lugar. Pumili ako ng lugar kung saan di pa namin napuntahan ni Aishen, baka sakaling mawaglit siya sa isip ko.

ANINOWhere stories live. Discover now