Part 6

1 0 3
                                    

"Oooh, may girlfriend ka pala dito eh." Nag-init ang tenga ko sa sinabi ni Agatha. Tinutukoy niya ang babaeng nakapulupot sa braso ko. Problema ba nito??

"Miss, nawawala ka ba?" Tanong ko sa babae.

"Kanina oo, kala ko nawawala ako. Pero ngayon alam ko na kung saan ang tungo ko." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Miss pakitanggal nga yang kamay ko." Magalang na sabi ko sa babae kahit na gusto ko na siyang itulak.

"Hindi mo ba naririnig?" Tanong ng babae at nagkatinginan kami ni Agatha.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Iyong puso ko. Ang lakas ng tibok, kase nagtagpo na sila ng puso mo." Sagot niya habang nakaturo sa dibdib ko sa may puso.

At humagalpak ng tawa si Agatha.

"Miss may problema ka ba? Baka pwede na kaming umalis ng kasama ko." Nakakainis ang babaeng to. May sira ba siya sa ulo.

"Alam mo James, mukang kailangan ka nya. Ako muna babalik dun. Hintayin kita dun." Sabi ni Agatha kaya sinamaan ko siya ng tingin nang paalis na sana siya. Kaya naman tumawa na naman siya ng malakas. "Haha, fine fine. Miss, alis na kami ha. Mukang dun sa banda dun napunta yung puso mo. Puso ko yung naririnig mo, kami magkasama diba?" Kelan ko ba to huling naramdaman? Kinikilig ako.. ^________^

"Haha! Sana nakita mo itsura mo kanina James, ang epic eeh!!!" Hindi parin siya tumitigil sa tawa mula nang makabalik kami dito sa pwesto namin bago siya tinawag nung lalaki kanina.

Kaninang may lumapit na lalaki sa kanya parang may kumurit sa puso ko. Pero siya walang pakialam nung may babaeng parang linta kung kumapit sa akin, tinawanan pa ako.

Nagulat na lang kami at napahinto sa pagkukwentuhan nang marinig namin ang mga kasama naming humihiyaw sa galak.

Sa wakas ay may paparating nang tulong. Marahil ay nakita nila ang apoy mula sa bonfire. Sa wakas makakaalis na kami sa lugar na ito. Sa wakas.

Pero bakit hindi ko magawang matuwa?

Alam ko pala ang dahilan. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Agatha at naramdaman ko ang pagkagikat niya. Pero hindi siya pumiglas.

Dumating ang helicopter at lahat naman kami ay naisakay. Habang nasa himpapawid, hindi ko binitawan ang kamay niya. Idineretso kami sa pinakamalapit na hospital. Dito lang kami nagkahiwalay.

Nang magamot na ang sugat ko ay hinanap ko siya. Nanikip ang dibdib ko nang makita kong papalabas na siya sa ospital at mukang wala siyang balak magpaalam sa akin. Aalis siya nang walang pasabi.

Naalala ko kung gaano kabilis ko pinatakbo ang kotse ko nang malaman kong patay na si Aishen. Pakiramdam ko mas mabilis pa doon ang takbo ko ngayon sa paghabol ko kay Agatha.

Naabutan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niyana parang ayoko nang bitawan. Pero unti-unti siyang pumiglas, parang may tumusok sa pusok ko. At nadagdagan pa yun.. Unti-unting dumadami.

Pero wala pa pala iyon. Kasi parang binasag ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"Alam kong naaalala mo sa akin ang ex-girlfriend mo. Na sa akin mo nakikita yung pinangarap mong katangian sana niya. Pasensya na kung hinayaan kong mahulog ang damdamin mo sa akin. Akala ko makakatulong sa'yo iyon kung sa kahit sandaling panahon maramdaman mong masaya kayong magkasama ng kakambal ko, kahit pangarap lang. Pero mukhang iba ang nangyari. Sinundan kita, kahit di ko alam kung saan ka pupunta. Kasi gusto kong makatulong na gumaan ang nararamdaman mo. Na kahit sa huling pagkakataon, maisip mo na hindi sa hiwalayan ang ending nyo ni Aishen. Na masaya pala kayong naligaw sa isang isla. Hindi ko ito sinasadya. Pero hindi pwede ang gusto mong mangyari. Patawad.

"Pakiusap James, mag-move on ka na, para kay Aishen, para sa yo. Mahal na mahal ka niya. Hindi pwedeng pinalaya ka niya para lang sa wala."

Anino nga siya. Sa maghapon na nakadikit siya sa akin, pagsapit ng gabi, nawala din siyang parang bula sa hangin..

The End..

Theme song: Down Goes Another One by Mcfly.

^___^ ^___ ^ ^___^^____^^___^

A/N

Ang dami ko nang sinimulang story pero ito pa lang ang natapos ko..

Salamat po sa mga nagbasa.. At sana ay may nag-comment at vote din.

Pinag-iisipan ko po.. Ay pinagpaplanuhan pala kung gagawan ko ng book 2, which is POV naman ni Agatha. Short story lang talaga to. Pero kung kahit isa or dalawa lang na magsabing gusto nila ng book 2, pipilitin ko po talagang magsulat.. Pero kung ok na po kayo sa ending ni James, na iniwan na lang siya basta ni Agatha at hindi na siya hinayaang makapagsalita. Basta nag-assume na lang siya na na-fall na sa kanya si James, pero baka assumera lang pala siya. Edi ok, yan na ang ending.

Again, thank you for reading.. Hooe you enjoyed it^_^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANINOWhere stories live. Discover now