Chapter 28

297K 6.2K 217
                                    


          PAGKATAPOS ng mga nakakagulantang na rebelasyon ay nagtungo si Reghie kasama ang kanyang ama at si Camellia — na kanyang tunay na ina pala — sa mas pribadong lugar para makapag-usap ng masinsinan — sa bahay ni Camellia. Isinalaysay ni Camellia ang lahat-lahat na nangyari noon. Nakumpirma nitong dalawang buwan na itong nagdadalang tao. Takot na takot ito, lalo na't wala ng sagot si Enrique sa mga telegrama nito. Apat na buwan na ang tiyan ni Camellia nang magpasyang tumigil ng pag-aaral bago pa man mapuna ng lahat ang paglaki ng tiyan nito.

Minsan ay nakikibalita si Camellia kay Almira tungkol kay Enrique. Binilin nito kay Almira na kung makakausap si Enrique kung maaari sanang patawagan siya kay Enrique dahil may mahalaga itong sasabihin. Binigyan ni Camellia si Almira ng numero kung saan siya puwedeng matawagan. Pero kahit isang tawag ay wala itong natanggap mula sa kasintahan. Ang kaibigang si Nathalia — Matthew's mother — ang tumulong dito na kasalukyang nakatira noon sa probinsiya. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Si Camellia ay piniling mag-aral sa Maynila dahil ang kursong nais nito ay hindi available sa nag-iisang unibersidad sa probinsiyang kinalakhan nito. Matanda ng sampung taon si Nathalia kay Camellia at parang magkapatid kung magturingan ang dalawa.

Ang mga magulang ni Camellia ay parehong nasa Chicago at doon nagtatrabaho. Ang buong akala ng mga magulang nito ay nagsusunog ito ng kilay, pero lingid sa kaalaman ng mga magulang nito ay nagdadalang tao na si Camellia. Bumalik si Camellia sa probinsiya at ipinaalam nito sa tiyahin — na siyang guardian niya — ang kanyang kalagayan. Matinding sermon ang nakuha niya mula sa tiyahin. Ang tiyahin ni Camellia ang nagpasya na hindi nito maaaring ipaalam sa mga magulang ang kalagayan dahil baka ikamatay pa ng tatay niya sa oras na malaman iyon, o baka raw pilitin si Camellia na ipalaglag ang bata na lubhang ikinabahala ni Camellia lalo't alam nito kung gaano rin pinapahalagaan ng ama ang kanilang pangalan. Nagrenta ng isang maliit ngunit komportableng silid sa kalapit na bayan si Camellia ayon sa kagustuhan ng tiyahin nito. Kailangan daw itago ang pagbubuntis nito. Si Nathalia ang naging katuwang ni Camellia.

Ang tiyahin naman nito ay wala naman gaanong pakialam sa dalaga. Ang pakialam lang ng tiyahin ay ang pumapasok na pera sa tuwing anihan ng niyugan nila at isa marahil iyon sa dahilan kaya ayaw nitong ipaalam ang kalagayan niya sa kanyang magulang dahil paniguradong mawawalan ito ng kabuhayan. Regular itong tumatawag sa magulang para ipaalam na nasa maayos na kalagayan si Camellia hanggang sa manganak ito. Sinubukan rin ni Camellia na tawagan si Enrique pero hindi nito matiyempuhan kahit isang beses man lang ang katipan hanggang sa nagsawa na lang si Camellia at hanggang sumapit ang araw ng panganganak nito. Ang sama ng loob ni Camellia kay Enrique noon. Pakiramdam ni Camellia ay kinalimutan na talaga siya nito.

Until Camellia received a long distance call from her mother, informing her that her father was in the hospital due of sudden heart attack. Pinapupunta siya ng ina sa Chicago. Dalawang buwan pa lang mula nang manganak si Camellia. Nagpasya si Camellia na magtungo kay Enrique kahit masamang-masama ang loob nito sa utos ng sariling tiyahin. Dapat daw ay kay Enrique iwan ang bata pansamantala dahil hindi raw kakayanin ng tiyahin na alagaan ang anak nito, at hindi rin naman gusto ni Camellia na iwan sa tiyahin ang bata dahil alam nitong pabaya ang tiyahin. Mahilig magsugal at mismong sariling anak ay hindi kayang alagaan. Pero bigo si Camellia na makita si Enrique. Sakto naman na nadatnan nito si Almira sa bahay nila Enrique noon. Inalok ni Almira na iwan sa kanya ang bata at agad daw nitong ipapaalam kay Enrique ang kalagayan niya na pinaniwalaan naman ni Camellia.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon