CHAPTER SEVEN:

8K 190 7
                                    

CHAPTER SEVEN

George's

"Naloloka ka na ba?!" gulat na tanong ni Cheska matapos kong sabihin sa kanila ni Art at Stacie na pumapayag na akong magpakasal kay Kaede.

Napagkasunduan namin ni Kaede na siya ang magsasabi sa mga kabarkada niya at ako naman ang magsasabi kayla Cheska.

"Gusto mo bang batukan kita? Baka nabibigla ka lang." inaasahan ko ng ganito ang magiging reaksyon ni Cheska.

She's my bestfriend at halos parang tunay na magkapatid pa ng turing naming dalawa sa isa't isa. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay dahil kung nasaan siya nandun ako at kung nasaan ako nandun siya. Saksi siya sa lahat ng saya at drama ko sa buhay at ganun din ako sa kanya kaya naman siguradong gulat na gulat siya sa biglaang desisyon kong ito.

"Jusko! Parang Stacie the second pala itong si Bakla eh." komento naman ni Art habang si Stacie natatawa nalang.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, bakla?" mahinahong tanong ni Stacie. Ngumiti naman agad ako saka tumango.

"Sigurado na ako--"

"Georgeina ha?!" biglang sabat ulit ni Cheska na nakapamaywang pa habang nakatayo sa harap ko. "Kasal itong pinag-uusapan natin dito." parang nanay na nagpapangaral na sabi niya. "Hindi yun kanin na kapag sinubo mo at nainitan ka eh pwede mong iluwa!"

Pinigilan kong matawa sa itsura niya habang pinapangaralan ako pero hindi din ako nagtagumpay dahil sabay na naghalakhakan si Art at Stacie kaya naman natigilan si Cheska sa kakadada niya.

"Maloka ako sayo bakla!" mangiyak ngiyak na sabi ni Art kakatawa. "Pang-award yang litanya mo diyan."

"Walanghiya talaga kayo!" sabay hampas ni Cheska kay Art na wala pa ding tigil sa pagtawa. "Nakita niyo ng pinapaintindi ko dito kay bakla ang gusto niyang pasukin tawa pa kayo ng tawa diyan."

"Sorry naman bakla!" natatawang sagot ni Stacie. "Ikaw naman kasi kung makapagbunganga ka diyan eh parang ikaw ang nanay nitong si George!"

"Mga bakla kasal yun!" ayaw magpatalong sabi ni Cheska.

"Alam namin!" natatawang sagot naman nung dalawa.

"Haynaku, bakla I feel you!" sabi pa ni Art. "Ganiyan din ang reaksyon ko nung sinabi sa akin nitong si Stacie na ikakasal sila ni Duane. Aba eh kakikilala lang nila noon, gusto ko din siyang batukan nun..." ngumiti nalang si Stacie. "...pero dahil siya naman na ang nagdesisyon para sa sarili niya support nalang akesh! Basta ang sinabi ko sa sarili ko humanda si Duane kapag sinaktan niya ang bestfriend ko."

Natahimik nalang si Cheska nat parang inaanalisa niya ang sinabi ni Art.

"And besides, mabait naman si Kaede bakla." ani Stacie. "I'm sure he'll takecare of George." sabay hawak nito sa kamay ko. "Ikaw ba George sigurado na sa desisyon mo?"

Tumango agad ako.

"Sigurado na ako mga bakla." nakangiting sabi ko pa.

Tahimik pa din si Cheska kaya naman tumayo na ako at nilapitan siya.

"Baks!" sabay yakap ko sa kanya. "Wala namang magbabago kahit kasal na ako eh."

"Anong wala?!" masungit na tanong nito pero hindi niya naman tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. "Sino na ang katabi kong matulog?" umiiyak na tanong niya kaya naman hindi ko na din napigilang maiyak.

"Bakla..." humihikbing sabi ko.

"Sino na ang kasama kong magmovie marathon kapag hindi ako makatulog ng hatinggabi? Wala ng kakamot sa likod ko para makatulog ako."

KAEDE (Way Back to Your Heart)Where stories live. Discover now