CHAPTER TWENTY:

6.5K 134 3
                                    

CHAPTER TWENTY

Kaede's

"Tumawag nga pala ang Aunt Fe mo, Kaede." ani Dad habang sabay sabay kaming naghahapunan.

Maaga kasi kaming nakauwi ni George galing sa kanya kanya naming trabaho kaya nakasabay kaming maghapunan kay Granny at Dad.

"Baka naman daw pwedeng magbakasyon kayo ni George sa San Francisco. They want to meet Georgeina." sabi pa ni Dad kaya napatingin ako kay George na matapos tumangin kay Dad ay napatingin din sa akin pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"Wala pa ho kaming oras para magbakasyon. George is busy with her tapings and photoshoot. Ako naman busy sa site at sa opisina." sagot ko.

"Wala ba kayong planong maghoneymoon?" biglang tanong ni Granny kaya nagkatinginan kami ni George pero ang nakakainis ay agad siyang umiiwas ng tingin.

Ano bang problema niya? Bakit ba parang napapansin kong nitong mga nakaraang araw ay ganun siya sa akin? Nakakapikon na minsan ang ginagawa niyang yun.

"Oo nga naman anak." sabi pa ni Dad. "I can arrange everything for that, kung gusto niyo."

"We are both busy Dad. Saka nalang ho siguro." sagot ko.

"Okay." kibit balikat ni Dad. "Anyway, George," maya-maya sabi ni Dad. "Kaede's cousin, Minah, is requesting an autograph from you."

"Talaga po?" gulat na tanong ni George.

Naaasar talaga ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti ng ganun sa iba pero pagdating sa akin eh parang limitado lagi ang ngiting ibibigay niya di tulad dati.

"Yeah. Tuwang tuwa siya ng malamang ikaw ang asawa ng kuya Kaede niya. Nung una ay hindi siya makapaniwala pero ng ipinakita ko ang picture niyo ni Kaede nung kasal niyo ay aba gusto ng bumisita dito sa Pilipinas." natatawang kwento ni Dad.

"Makulit talaga ang batang iyon." nakangiting sabi naman ni Granny.

"Pwede mo ba siyang bigyan ng kopya ng isa sa mga magazine na ikaw ang cover with your autograph, George?" tanong ni Dad.

"Oo naman po--"

"Like men's magazine?" kunot noong tanong ko. "Hindi ba't masyado pang bata si Minah para magbasa ng mga ganung magazine?"

"Kaede." suway bigla ni Granny kaya napatingin ako kay George na hindi tumitingin sa akin.

"Hindi lang naman sa men's magazine cover si George, Kaede." seryosong sabi ni Dad.

"Magpapahinga na ho ako." sabi ko nalang saka tumayo at nagpaalam aakyat na sa kwarto.

"Huwag mo nalang siyang pansinin, hija." narinig ko nalang na sabi ni Granny kay George habang palabas ako ng dining room. "Baka pagod lamang iyon sa trabaho."

"Okay lang ho." narinig ko namang sagt ni George. "Sanay na ho ako."

Nagshower agad ako at nagbihis pagdating sa kwarto saka ko siya hinintay na umakyat. Makalipas ang isa't kalahating oras na paghihintay bumukas na ang pintuan ng kwarto at pumasok siyang may kausap sa cellphone.

"Kailangan ba talaga yun?" tanong niya sa kausap habang papasok sa walk in closet.

Kunwaring namang nagbabasa ko ng libro habang nakaupo sa kama pero ang totoo pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya sa kausap.

Narinig ko nalang siyang tumawa. Yung tawa niyang magdadalawang linggo ko na yatang hindi naririnig.

"Oo na sige na." narinig ko pang sabi niya pagkatapos tumawa na parang tuwang tuwa siya sa sinasabi ng kausap. "Ilang araw ba?... 3 days sa Laguna?... Kapag yan pinaghandaan ko at hindi ka umuwi dito humanda ka talaga sakin." sabay tawa niya ulit.

KAEDE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon