CHAPTER THIRTY-EIGHT:

6.4K 125 2
                                    

CHAPTER THIRTY-EIGHT

George's

"Do you like it here? tanong niya habang nakasandal ako sa harap niya at nakayakap siya sa akin mula sa likod at pareho kaming nakaupo sa harap ng bonfire na ginawa niya.

"Sobra." nakangiting sagot ko habang kumakain ng naihaw ng marshmallows at hotdog. "Kung pwede nga lang dito nalang tayo tumira eh." sabi ko pa saka ko siya narinig na natawa.

"Talagang gusto mong tumira dito ha." natatawang sabi niya.

"Ang ganda kasi eh. Ang tahimik pa." nakangiting sagot ko naman saka siya sinubuan ng marshmallows.

Ang totoo, ganito talaga ang dream honeymoon ko, not the typical travel abroad type of honeymoon kung hindi simple lang pero kakaiba. Noong sinabi niya sa aking we will spend a week together ng walang iniisip na trabaho, ang akala ko dadalhin niya ako sa ibang bansa katulad ng madalas iinsist sa amin ni Granny at ni tito Leo. Kaya naman sobra ang tuwa ko ng dalhin niya ako dito sa mountain house nila sa Antipolo kung saan kami mananatili ng isang linggo at ieenjoy ang company ng isa't isa. And I was very amazed with the architecture of their house. Hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na may ganoong bahay sa liblib na lugar ng bundok na iyon. At hindi din ako makapaniwala ng sabihin ni Kaede na ang mommy niya ang nagpatayo ng bahay na iyon.

Lalo ko pang ikinatuwa ng pasyalan namin ang iba't ibang tourist spots dito sa Antipolo. Hindi alintana sa akin ang init ng panahon dahil nag-eenjoy ako habang namamasyal kaming dalawa.

"Inaantok ka na ba?" tanong niya matapos kong humikab ng ika-tatlong beses habang nakasandal pa din ako sa kanya. "Gusto mo na bang magpahinga sa loob?"

"Dito muna tayo." nakangiting sagot ko.

Natutuwa kasi ako dahil kitang kita namin ang kabayanan na nagniningning na parang mga christmas lights sa baba ng bundok. Medyo lumalamig na ang paligid pero hindi naman yun alintana sa amin dahil nababawasan ng init na nanggagaling sa apoy ng bonfire ang lamig ng gabi.

"Nakapunta na ba dito sila Darius?" maya-maya ay tanong ko.

"Oo. Noong highschool. Noong nagcutting class kami." natatawang sagot niya kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Nagcucutting class ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo." nakangiting sagot niya. "Dalawang beses lang." aniya kaya natawa ako.

"I can't believe it na marunong ka din palang magcutting classes." natatawang sabi ko. "Ang akala ko noon ikaw yung tipo ng estudyante na hindi nalelate sa klase at hindi umaabsent."

"Dalawang beses lang naman akong nagcutting class nung higgschool." nakangiting sabi niya habang hinahaplos haplos ang buhok ko. "Yung unang beses na nagcutting classes ako ay nung napagalitan ng lolo Morgan mo si Darius dahil binenta niya sa exhibit ng school ang mga pottery pieces na gawa ng lolo niyo. Tapos pumunta sa school si mr. Morgan at hinanap kaming magbabarkada kaya nagsitago kami at napilitan magcutting classes."

"Natakot kayo kay Lolo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo." natatawang sagot niya naman. "Takot na takot kami nun dahil ang siraulong pinsan mong si Thirdy sinabi ba naman na ipapadala daw kami ng lolo niyo sa boy's town dahil pagnanakaw na ding maituturing ang ginawa naming pagbenta sa kinuha niyang pottery pieces mula sa lolo niyo ng walang paalam. Kaya ayun dito namin naisipang pumunta dahil tago ang lugar."

Hindi ko na napigilan ang sobrang pagtawa dahil sa kalokohan nila. Maging siya ay natatawa din habang nagkukwento.

"Nagcommute lang kami nun mula Metro Manila hanggang dito sa Antipolo. Nag-ambagan kami para sa pamasahe papunta dito, ganun din sa pagkain."

KAEDE (Way Back to Your Heart)Where stories live. Discover now