Chapter 7 REVENGE

1.7K 33 0
                                    

Chapter 7 REVENGE

Sharie Faye Pov:

"Siya ba yung girl na tinapunan daw ng pagkain yung One of the Popular Guy dun sa Restaurant kahapon?"

"S'ya ba yun, grabi naman sya ang harsh"

"Bakit nya yun ginawa, anong dahilan nya?"

Grabi, pinag chi-chismisan na ako sa buong Campus namin, kahapon lang yun nangyari ang bilis naman kumalat. Atleast naman nakarating na ko sa Classroom ko, hindi ko na kaya talaga marinig yung usap-usapan nila, nakakasakit na kasi eh.

Isinandal ko yung ulo ko sa mesa ng inu upuan ko, ganito talaga ako kapag nalululngkot ako.

"Sharie, totoo ba yung naririnig kong usap-usapan sa labas na tinapunan mo raw ng pagkain si Ronmart June kahapon?"

"Hindi, bali aksidente yung nangyari kahapon. Hindi ko naman talaga sinasadya na matapunan siya ng pagkain eh.

"Oo tama siya, kasama ko siya kahapon kaya aksidente lang talaga yung nangyari." pahabol ni Mhia.

Nagulat ako na andyan na pala si Mhia, hindi ko man lang namalayan.

"Ewan ko lang sa inyong dalawa ha, pero may masama akong kutob eh."

"Eh?? ba't mo naman yun nasabi" habang kinakamot ko yung ulo ko sa pagtataka.

"Basta, maiwan ko na muna kayong dalawa," at pumunta na sya sa iba naming kaklase.

"Mhia, natatakot ako..." Sabi ko kay Mhia, habang nanginginig ako sa takot.

"Ano ka ba Best, huminahon ka nga. Hindi naman sya manghuhula para sabihin sa'yo yan, at kung may lahi nga silang manghuhula, magpapahula ako tungkol sa Lovelife ko." Sabi nya habang nakangiti.

May tupak ba 'tong bestfriend ko, hindi na nga ako mapakali dito tapos nag-iisip pa siya tungkol sa Lovelife nya, sampalin ko kaya 'to para matauhan sya.=_=

"Mhia, seryoso ako anong gagawin ko?"

"H'wag ka ngang praning dyan, andito naman ako hwag kang mag alala, akong bahala sa'yo ipagtatanggol kita sa kanila."

Ewan ko ba kung maging kampanti ako sa sinabi nya. Pero wala na akong magagawa. Bahala na si Dark Knight ko kung anong mangyari sa'kin.

"Sharie, sabay na tayo ulit mag lunch"

"Naku, h'wag na kayo na lang"

"Oo nga tayo na lang, baka kasi makagawa naman s'ya ng kung ano pang hindi kanais-nais katulad kahapon" sambit ng isa nyang kasamahan.

Lunch break na kasi kaya iniyayahan ako ulit ni Mhia na sumabay na sa kanya para maglunch. Ang kaso lang masama yung tingin ng mga kaibigan nya sa'kin lalong lalo na na alam na ng mga kaibigan nya yung nangyari kahapon sa Restaurant.

"Sige Sharie aalis na kami, mag ingat ka," at umalis na sila.

"Sige kayo rin" sabay kaway ko sa kanila.

Pagkalabas ko ng gate, pupunta na sana ako sa pinakamalapit na karenderya para kumain. Pero sa paglalakad ko, parang may naka abang na grupo ng mga kababaihan sa isang sulok ng kalye, parang may hinihintay yata sila, kaya dinaanan ko na lang sila.

"Well well well, andito na pala yung hinihintay natin Girls"

Napatigil ako sa paglalakad nang hinarangan nila yung dinadaanan ko at pinalibutan nila ako. Nilapitan ako ng isa nilang kasamahan at kinuha yung Shoulder bag na dala-dala ko.

"Akin na yan!!"

Nag-agawan kaming dalawa, kaya sa sobrang paghila namin nasira yung bag ko na niregalo lang sa akin.

"UWAAAAAAAAA! Yung bag ko,"

"Kulang pa yan, hindi pa kami nagsisimula eh," sabay tawa nilang lahat.

Tinapon nila yung bag ko sa isang sulok at tinapak tapakan, hinawakan nila yung magkabila kong braso para hindi ako gumalaw.

"Bitawan nyo ako, please.... wala naman akong ginagawa sa inyo ha", habang nangingiyak na ako sa takot, baka kasi anong gagawin nila sa'kin.

"Sa amin wala, pero kay Prince Mart namin, meron kaya magbabayad ka!"

"Hindi ko naman sinasadya yun ha, aksidente yung nangyari walang may kasalanan."

"Aksidente man yun o hindi, may kasalanan ka pa rin, umpisahan nyo na Girls!!"

Pagkasabi nyang yun, binitawan ako ng mga kasamahan niya habang pinapalibutan nila ako, isa-isa sa kanila may hinahawakang pagkain, yung iba juice at yung iba naman bulok na prutas.

"FIRE!!!"

At sabay sabay nila akong binato ng kung anu-ano, tinabunan ko na lang yung mukha ko gamit ang mga palad ng mga kamay ko. Tama sa ulo, sa katawan, sa likod at kung saan saang parte ng katawan ko. Ang sakit-sakit na nga eh, at tsaka ang dumi-dumi na ng katawan ko.

"Tama na please, tumigil na kayo!!!" sigaw ko habang umiiyak na ako sa sakit, hindi ko na alam yung gagawin ko kaya napaluhod na lang ako habang sila naman sige pa rin yung pambabato nila sa'kin.

"Dark Knight ko, kailangan ko yung tulong mo PLEASE...,"bulong ko sa sarili ko habang lumuluhod ako at umiiyak.

"ITIGIL N'YO YAN!!!!!"

My Transferree Boyfriend <3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora