Chapter 42 Would you be my Girlfriend?

1.2K 24 0
                                    

Chapter 42 Would you be my Girlfriend?

Sharie Faye Pov:

Ang laki na talaga ang pinagbago ni Ronmart, pumayag siya talagang maging katawa-tawa yung itsura niya dahil sa batang iyon. Pero hindi ko rin malilimutan yung hinalikan niya ako sa pisngi. Ayiiiiiiieh!!! kinikilig ako pag naaalala ko yun.

"Sharie! halika na at magla-lunch na tayo." sigaw sa'kin ni Mhia sa labas. Nasa C.R. kasi ako habang nakaharap sa salamin.

"Oo na! palabas na ko." ano ba naman 'tong si Mhia. Ang lakas talaga ng boses. Pagkalabas ko, agad ko naman siyang pinagalitan, "Ano ka ba?! Hindi mo naman kailangan sumigaw noh!"

" Ikaw naman kasi, ang tagal mong lumabas. Ano bang ginagawa mo sa loob? "

" Syempre nagpapaganda, obvious ba? "

" Ikaw? Nagpapaganda? whahaha! gutom lang yan. Tara na at kumain na tayo, teka nasa'n ba si Sharmaine? "

"Pinatawag pa kasi siya sa Auditorium Room, hintayin na lang natin muna siya."

***tititit titit tititit***

" Mhia yung phone mo nagri-ring "

Agad niya namang itong kinuha sa bulsa niya, nang binasa niya bigla naman siyang nanlumo. " Hoy! ba't ganyan yung itsura mo? may namatay ba? "

" Boba! anong namatay yung pinagsasabi mo? Si Erick, hindi daw makakasama sa'tin maglunch, may practice daw sila at ililibre pa daw sila ng coach nila sa Basketball."

" Ah ganun ba " ayos lang yun siguro, makakasama naman namin si Ronmart eh.

*** tititit titit tititit *** ayos yung ringtone ha, pang 3310.

Agad niya naman tiningnan kung sino nagtext sa kanya. " Oh sino naman yung nagtext? si Erick ba ulit? "

" Hindi, si pinakamamahal mong amo, si Ronmart. "

" Talaga? anong sabi niya? "

" Hindi rin siya makakasabay sa' tin dahil may pinapagawa pa sa kanya yung professor niya, sabihin ko lang daw kay Sharmaine na pasensya na. " Ganun? may special mention pa si Sharmaine sa text niya? ba't ako? hindi niya ba naalala? it's hurt you know.

" Hoy! ba't ganyan yung itsura mo? may namatay ba? "

" Teka, yan yung sinabi ko kanina ha. "

" Ba't kasi naging malungkot ka? may problema ba? "

" Ah wala, wala 'to "

Pagkasabi ko nun, bigla naman siyang ngumiti. " Asus, Joke lang. Hindi niya binanggit yung pangalan ni Sharmaine. Ano ka ba! h'wag mo ngang masyadong siniseryoso yung mga sinasabi ko. " Ah h'wag pala ha,

*** POK! ***

" Aray ko! ba't mo naman ako binatukan? ang panget pa ng tunog nang pagkakabatok mo ha. "

" Ikaw naman kasi eh, magjo-joke ka nga lang tagos pa sa puso. Alangan naman hindi ko seseryosohin. "

" Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya yung nararamdaman mo? Pakipot ka pa kasi, baka maunahan ka diyan ng iba. Sige ka. "

" Eh bakit? Ikaw naman ha, nagpapakipot din. Bakit hindi mo na sagutin si Erick eh mahal ka nun ng taong yun. "

" Ba't ko naman siya sasagutin eh hindi naman siya nanliligaw sa'kin at tsaka gusto ko rin naman siya kaso lang may hinihintay lang ako sa kanya na gawin niya. Kahit hindi na siya manligaw sa'kin ay sasagutin ko na siya.

" Talaga? ano naman yung hinihintay mo sa kanya? "

" Basta, sekreto ko na lang yun. " Ayiiiieh!!! buti pa si Mhia, may Erick na nagmamahal sa kanya. Ako kaya? kailan din kaya ako mamahalin ni Ronmart? malabo yun siguro.

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon