Chapter 14 New Person

1.4K 25 0
                                    

Chapter 14 New Person

Pagkatapos naming bumili sa canteen, pabalik na sana kami ng room namin para doon na lang namin kainin kaya lang habang naglalakad na kami pabalik ay may narinig kaming boses na tumatawag sa'min kaya napatigil kami pansamantala.

"Miss, teka hintay!" sabi niya habang tumatakbo siya papalapit sa amin.

"Yes, may I help you?" sabi ko habang may pagtataka, hindi namin siya kasi kilala pero pamilyar lang yung mukha niya.

"Miss, di ba sa iyo 'tong panyo na ito?", sabay inabot sa'kin yung panyo.

"Oo, sa'kin nga yan" at kinuha ko naman sa kanya. "Naku maraming salamat, saan mo ito nakita?"

"Naiwan mo kasi yan doon sa Restaurant na pinagkainan ninyo, kaso hindi ko kayo mahanap para maisauli sa'yo yan kaya medyo natagalan, pero nagkataon naman na nakita ko kayo."

"Ah ganun ba."

"Teka, 'di ba taga Alpha Section ka?" pagtatakang tanong ni Mhia.

"Oo, panu mo nalaman?" sabi niya habang kinakamot niya yung ulo niya.

"Nakikita kasi kita paminsan minsan doon sa Restaurant tuwing lunch eh, kasama mo yung iba mong kaklase at medyo nalaman ko rin na kaklase mo rin yung mga kaklase ng F6 kaya napa-isip ko na taga Alpha Section ka." Ah yun pala kung bakit pamilyar din siya sa'kin. Wait kung taga-Alpha Section siya ibig sabihin kilala niya si Ronmart, ay hindi lang pala kilala, kaklase niya pa.

"Kung taga Alpha Section ka, ibig sabihin kaklase mo rin si Ronmart di ba? Kamusta na siya?"

"Ah oo, mabuti naman siya, tahimik lang kung minsan. Bakit mo naitanong? Kilala mo din ba siya?" pagtatakang tanong niya.

Parang nahihiya akong sabihin sa kanya, kilala ko nga siya pero hindi naman kami ganun ka close. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko pa yun tinanong. "Uhmm, ka-kasi malaki lang utang na loob ko sa kanya, yun lang...hahaha" nag fake smile ako sa kanya.

"Ahh.... p-pwede ko bang matanong kung ano yung pangalan mo miss?"

"Ako?" malamang ako ang tinanong at hindi si Mhia eh, "Syempre naman, I'm Sharie and this is my bestfriend Rhea, taga Ace Section kami nice to meet you" sabi ko at nag shake hands kaming dalawa pati na rin si Mhia sa kanya.

"Taga Ace section kayo?" bingi ata toh, "Ibig sabihin Star Section din kayo?" bakit gusto mo ikaw lang???

"Yup, eh ikaw anong pangalan mo?"

"Maximo Tadids, Max for short na lang." Sabi niya na naka smile sa'kin.

"Ah okay, sige Max aalis na kami,salamat ulit sa pagsa-uli ng panyo ko ha, Bye." Nag wave na ako sa kanya at nag wave na din siya sa'kin.

Pagpasok namin sa room namin, pinag usapan kaagad namin ni Mhia tungkol dun kay Max.

"Sharie, anong tingin mo dun kay Max?"

"Well, mukha naman siyang mabait, at matalino din siya siguro kaya nga magkaklase sila ni Ronmart di ba?"

"Teka teka teka, kanina mo pa yang bukambibig yung pangalan ni Ronmart ha, magtapat ka nga sa'kin Sharie, may gusto ka ba sa kanya?"

"Ano ka ba Mhia, ba't mo naman naitanong yan?"

"Alam mo kasi, mula nang tinulungan ka niya nung nasa panganib ka pa, palagi na lang siya yung bukambibig mo. Pagnakikita mo naman siya, palagi ka na lang tulala at pagnarinig mo yung pangalan niya, palagi ka na lang natataranta. Ewan ko ba kung nasa katinuan ka pa o sadyang baliw ka lang talaga sa kanya?"

Wow, ayos yung sinabi ni Mhia ha, nag investigate talaga siya para ma corner niya ako. Ano kaya yung sasabihin ko, hindi na ako pwedeng magsinungalin sa kanya, total naman bestfriend ko siya kaya hindi dapat ako naglilihim sa kanya. "Uhmm... Oo Mhia, may gusto nga ako sa kanya."

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" grabi, sumigaw talaga siya na parang sobrang kinikilig, nasira ata yung eardrum ko sa kasisigaw niya ha.

"H'wag ka ngang sumigaw, baka may makarinig sa'tin."pabulong na sabi ko sa kanya.

"Eh ano ngayon kong marinig nila? Marami naman siguro yung nagkakagusto sa kanya noh at isa ka na dun. Ewan ko lang kung magugustuhan ka rin niya."

Wow ha! Napaka supportive niya talaga!!! Imbis na tulungan niya ako para magustuhan ako ni Ronmart pero siya pa nagsabi sa'kin na parang wala akong pag-asa.What a BESTFRIEND!!!

Oras na ng uwian, nagpaalam na si Mhia para umuwi, at ako naman nagpa-iwan muna kasi hinihintay ko pa si Erick, sabay kami palaging umuuwi kasi nga magkakapitbahay lang kami.

"Uy Sharie, ba't di ka pa umuuwi?"

"Ah ikaw pala Max, may hinihintay pa kasi akong kaibigan eh."

"Ganun ba, Uhmm Sharie pwede ko bang mahingi yung number mo?"

"Bakit?"

"K-kasi gusto kita maging katxtmate, okay lang ba sa'yo?"

"Okay lang," mabait naman siya eh at tsaka utang na loob ko sa kanya sa pagsauli niya ng panyo ko.

"Maraming salamat Sharie ha, sige mauna na ako, ingat ka" nagpaalam na siya at sumakay na sa kotse niya. Iba talaga pagmayaman ka.

Maya-maya ay dumating na din si Erick at nakita niya siguro yung pag-uusap namin ni Max kanina.

"Sino yun? Boyfriend mo ba yun?"

"Hindi noh! Si Max yun, bago kong kaibigan."

"Bagong kaibigan mo yun? Wheeeee........? parang parami nang parami yung kaibigan mo ha, sino nga ba yung isa? Parang nakalimutan ko yata yung pangalan niya."

"Sino? Si Mhia?"

"Oo, si Mhia nga. Hindi mo pa yun pinakilala sa'kin ha."

"Ha? Akala ko ba nagkita na kayo noon pa?"(Remember na nasa panganib ako, si Erick at si Mhia yung tumulong sa'kin para makatayo, ibig sabihin nagkita na sila.)

"Nakalimutan ko kasi yung mukha niya eh, at tsaka matagal na yun."

"Oh sige ganito na lang, pagnakita kita na kasama ko si Mhia, ipakilala kita sa kanya, okay ba yun?"

"Okay sige. Tara uwi na tayo."

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon