Chapter 8 My Dark Knight and my Guardian Angels to the Rescue

1.6K 42 1
                                    

Chapter 8 My Dark Knight and my Guardian Angels to the Rescue

Sharie Faye Pov:

"ITIGIL N'YO YAN!!!", nang narinig ko yang mga salitang 'yan, biglang napansin ko na tumigil na sila sa pagbabato sa'kin. Nakatingin lang ako sa sahig habang nakikita ko yung luha ko na walang tigil sa pagpatak.

Hindi ako makatingin kung sino yung tumulong sa'kin dahil wala na 'kong lakas iangat yung ulo ko para makita s'ya, pero parang may naramdaman ako na may tumutulong sa'kin para makatayo gamit yung kaliwa braso ko.

"Erick??", s'ya pala yung tumulong sa'kin para makatayo. Nakikita ko sa mukha nya na parang naaawa sya sa akin sa kalagayan ko.

Maya-maya ay may nakaramdam naman ako na may humawak sa kanang braso ko, nakita ko na dala nya yung bag ko na sira-sira na, pero nandyan pa rin yung mga gamit ko sa loob.

"Mhia??," kahit malabo yung mata ko dahil sa mga luha ko, alam ko pa rin kung sino dahil medyo malapit lang yung mga mukha nila sa'kin.

"Pasensya ka na Best, hindi kita natulungan," sabi nya sa'kin habang umiiyak s'ya.

"Masaya ako na andito kayo para tulungan ako", tumigil na ako sa pag iiyak dahil alam ko na ligtas na ako, pero ang pinagtataka ko, sino yung nasa harapan ko na nakatalikod sa akin.

Habang tumatagal, naririnig ko na sinisigawan ng lalaking nakatalikod sa akin, yung mga babaeng nambato sa akin, biglang nakaramdam ako na medyo nahihilo na ako at nag dilim na yung paningin ko.

Ronmart June Pov:

"Pre, ang galing mo kanina ha biruin mo yun kayong dalawa lang ang nakakuha ng perfect score sa exam."

"Oo nga, at tsaka bagay kayo ha, isang future valedictorian na babae at isang transferree genius na lalaki, perfect combination, hahaha", pagbibiro nila sa'kin.

"Tumigil nga kayo, lahat naman tayo matataas yung nakuha natin ha."

"Oo nga, pero 1 mistake lang, iba yun kaysa sa nakakuha ka ng perfect score."

"Tssk. ewan ko sa inyo."

Sa pagku-kwentuhan namin sa loob ng Classroom ay biglang sumigaw yung isa naming kaklase galing sa labas.

"Mga tol, merong gulo sa labas!!!"

Nang narinig namin yun, bigla kaming nataranta at dali-dali kaming lumabas ng kwarto, nakita namin mula sa labas na nagkakagulo at pinalilibutan ng mga tao.

Nang malapit na ako, nakita ko yung babae na nakaluhod at pinagbabato ng mga kababaihan na hindi ko naman kilala.

"Parang pamilyar yung babaeng yun ha," hindi ko sya masyadong nakilala dahil tinatakpan nya yung mukha nya gamit ang kamay nya.

"Tol, di ba s'ya yung nakatapon ng pagkain sa'yo kahapon?"

"Dude, oo nga sa yun"

Nang narinig ko yun mula sa mga kasama ko, ewan ko ba kung ano nangyari kung bakit napasigaw ako ng pabigla bigla,

"ITIGIL N'YO YAN!!!", What the ---- bakit andito na ako sa gitna, at tsaka pa ano ako napunta dito?

"Ahhhh... Prince Mart, k-kasi p-pinaghiganti ka lang namin sa--", hindi ko na sila pinatapos at bigla ko na lang nasigawan sila dahil sa galit ko.

"SINONG NAGSABI NA DAPAT N'YO AKONG IPAGHIGANTI!!! AT SINO BA KAYO PARA GAWIN N'YO YUN SA KANYA!!!", ano bang pinagsasabi ko, bigla na lang may lumalabas na salita galing sa bibig ko. Pakshet naman!!!

"P-Pasensya ka na Prince Mart, gusto lang kasi namin maturuan siya ng leksyon eh."

Nakita ko mula sa likod na may tumulong na sa kanya para makatayo, kaibigan nya siguro, mabuti naman. At bigla kong binalik yung tingin ko sa kanila para pagalitan sila ulit .

"AT SA TINGIN N'YO TAMA YUNG GINAGAWA NINYO? HINDI MAN LANG BA KAYO NAAWA SA KANYA??!!!"

Hindi na sila nagsalita, ewan ko ba kung bakit nakapagsalita ako ng ganyan pero sa tingin ko, tama lang yung ginawa ko.

"Sharie??, Sharie!!"

Napatigil na ako sa pagsasalita nang narinig ko mula sa kaibigan nya na parang natataranta.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa kaibigan n'yang lalaki.

"Hinimatay ata s'ya sa pagod, hindi pa siguro ata s'ya nakapagtanghalian eh"

"Sige isakay n'yo na lang s'ya sa kotse ko at ako na ang bahala sa kanya."

Aalis na kami sana pero may pahabol pa ako.....

"PAGSINAKTAN N'YO PA SYA ULIT, HUMANDA KAYO!!"

Umalis na kami at isinakay na namin sya sa kotse.

"Ako na ang bahala sa kanya, salamat sa tulong nyo"

""H'wag mo s'yang pababayaan ha."sabi ng kaibigan nyang lalaki.

"At tsaka mag-ingat kayo".sabi naman ng kaibigan niyang babae.

"Sige".

My Transferree Boyfriend <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon