Chapter 6 - Piece of Past

41.4K 418 9
                                    

Chapter 6 -          Piece of Past

Napamulat ang dalaga ng unti unting naramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa pisngi nya..

Automatikong napangiti sya ng maalala ang naging panaginip.. Bamagan di malinaw ang mukha ng lalake.. Malinaw sa kanya na tinawag sya nito sa palayaw nyang matagal ng walang gumagamit..

Malinaw pa sa kanyang alaala ang mukha ng dating kababata at ito mismo ang napanaginipan nya.. Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso nya ng marinig sa bibig nito ang dating palayaw..

          "Potpot.." sambit ng dalaga at pilit na inaalala ang mukha ng kababata..

Napasimangot sya ng mag ingay ang alarm clock nya.. Inis na pinalo nya ito at iinot inot na bumangon...

Ayaw nyang sirain ang araw nya dahil naumpisahan na ito ng magandang panaginip..

Nakangiti syang nagpunta sa banyo at nagsimula ng mag ritwal..

Pagbaba ng dalaga ay agad syang nagtungo sa kusina.. This time ay di na sya pumayag na kakarampot lang ang aalmusalin..

          “Yaya.. Sawang sawa na ako sa papaya.. Please kanin naman po...” sabi ng dalaga at walang sabi sabing nagsandok ng kanin..

          “Hannah !.. Andami nyan !.. Naku ang figure mo!..” sigaw ng yaya nya pero wala syang pakealam..

          “Yaya.. Wala akong pake sa figure ko.. Ayaw kong maging sexy pero butas ang sikmura.. Nevah !.” sagot ng dalaga at sarap na sarap sa kanin at itlog..

          "Hay bahala ka nga.." sumusukong sabi ng yaya nya..

          "Saaaraaappp.. " hinimas himas pa ng dalaga ang tyan nya at pinalo sya ng yaya nya..

          “Anu ka bang bata ka.. Manners..” utos ng yaya pero hinalikan lang sya sa pisngi ng dalaga..

          “Bye bye yaya.. See yah later !..” paalam ng dalaga..

Umiling na lang ang yaya nya at nakangiting nagligpit na ng pinagkainan ng alaga..

Paglabas ng dalaga ay agad na tumayo ang driver nila.. Pero inawat sya ng dalaga..

          “Hep !..Jeep..” sabi ng dalaga at muling kumamot ng ulo ang driver..

Paglabas ng dalaga sa magarang subdivision ay agad syang nakasakay sa isang jeep.. Nakangiti pa sya at masaya talaga ang vibes nya sa araw na ito..

          “Manong para.. !.. Wooo.. PAra na oy.. !” sigaw ni Hannah at natatawa na ang mga pasahero sa loob..

Kwadro Alas - Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon