Chapter 32 - Twist

28.1K 278 7
                                    

Chapter 32 -      Twist

( TOYANTZ ! - The Drug Lord )

Alumpihit ang isang babae na buksan ang pinto ng isang sikat na kapehan.

Atras abante sya kung papasok ba sya o hinde..

Saglit pa muna syang nagtago sa tabi..

Muli nyang sinilip ang binatang katagpo na halatang inip na din na naghihintay..

Sumimsim ito ng mamahaling kape .. Inis na binaba ang baso at tinapik tapik ang mesa..

Patingin tingin pa ito sa mamahaling relos..

Huminga ng malalim ang babae..

Kailangan nyang panindigan ang pagpunta..

Oo nga at matagal nya ng hinahanap ang lalaking ito..

Galit sya sa nagawa nito sa pamilya nila..

Sa huli ay muling bumuntong hininga ang babae..

Pilit pinatatag ang loob at pinangibabaw ang galit na nararamdaman..

Determinado hinawakan ang seradura ng salamin na pinto ng mamahaling kapehan at buo ang loob na pumasok..

Palingon lingon ang lalake kaya di kataka takang makita agad sya nito..

Nagsalubong agad ang mga kilay nito at nagtagis ang mga bagang..

         

          "Fuck !.. Your damn late !." singhal ng lalake..

Nagkibit balikat ang babae at kampanteng naupo sa katapat na silya..

Tinitigan nya ang lalaking kaharap..

Gwapo.. Mayaman..

Delikadong kumbinasyon.. Kahit sinong babae ay mahuhulog dito..

Pero saksakan ng sama ang ugali nito..

Tila nahiya ang lalaki sa paraan ng pagtingin ng babae..

Napabaling ang tingin nito sa paligid at lihim na napamura..

          "What you want to order?." tanong ng lalake..

Umiling ang babae ..

Kwadro Alas - Ace of HeartsWhere stories live. Discover now