Chapter 26 - Proposal

27.5K 260 4
                                    

Chapter 26 -      Proposal

Nakangiting bumaba si Hannah sa kotse..

          "Thanks Tatay Bart.." pasasalamat nya sa driver na sumundo sa kanya..

Nag text lang sya sa nobyo na nakauwi na sya..

Masaya nyang binuksan ang pinto..

Kahit pa sabihing kagagaling lang nyang probinsya para makita ang abuelo ay kamangha manghang parang isang taon na ang lumipas.. Miss na nya ang Lolo at Lola nya..

Agad nyang tinungo ang sala..

Pero di nag iisa ang lolo nya..

May kasama itong gwapong binata..

Pero hanggang duon na lang.. Dahil committted na sya kay Potpot..

Nakangiting lumapit ang dalaga sa likod ng Lolo nya sabay halik sa pisngi nito..

          "Hi Lolo.." bati ng dalaga..

Nagulat man ay natawa na din ang Lolo ni Hannah..

          "Sus.. Nandyan ka na pala.." tatawa tawang sabi ng Lolo ni Hannah..

Nilundag ng dalaga ang sofa..

Niyakap ang abuelo sabay tingin sa binatang nasa harap nila..

Nakangiti ito sa kanya..

Parang namumukhaan nya ito..

Napataas ang kilay ni Hannah..

          "Ah... Apo.. Di mo na ba sya natatandaan?.." tanong ng Lolo ni Hannah.

Napatingala si Hannah sa Lolo nya sabay iling..

Natawa naman ang binata..

          "Lea.. It's me Stefen.." pakilala ng binata..

Agad napabaling ang tingin ng dalaga sa kaharap..

Napatayo pa sya..

Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang maliit na labi..

          "We?.. Estong?.." tanong ng dalaga.

Natawa na naman ang binata sabay kamot sa tenga..

          "Geez.. Up to now Estong pa rin ang name ko sayo?.. Ang layo naman ng Stefen sa Estong.. Anyway.. Your so pretty.. " puri ni Stefen..

Kwadro Alas - Ace of HeartsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ