Chapter 18 - Fiesta !

33.8K 341 13
                                    

Chapter 18 -      Fiesta !

          "Anak.. Gising na." untag ni Alona ..

Nagbukas ang pinto at pupungas pungas na lumabas si Aldrin..

          "Morning Mom.." bati ng binata sabay hikab..

          "Himala.. Late ka na nagising?." tanong ng ina...

Ngumisi lang ang binata..

          "Hmm.. Mukhang alam ko na..Hala sige na.." taboy ni Alona..

Nakangiting pumasok muli si Aldrin at sinimulang ligpitin ang kama nya..

Napansin nya ang cellphone..

Drained na ang battery nito..

Magdamag silang nag usap ni Hannah..

Nagkagulatan pa sila ng malamang alas dos na pala ng madaling araw..

Wala naman silang gaanong napagusapan ng dalaga.. Pero kataka takang ni hindi sya nakaramdam ng pagkabagot..

Ganuon ata talaga kapag gusto mo ang taong kausap mo..

Muling napangisi na parang tanga ang binata at pinilit buksan ang cellphone..

          “Pa text lang isa..” makaawa nya sa cellphone nya..

Napangisi si Aldrin ng bumukas ang phone nya.. Dali dali syang tumipa ng messages at sinend agad sa dalaga..

Eksaktong nasend nya na ay muling namatay ang cellphone nya..

Tumawa ng parang demonyo ang binata..

          “Bwahahaha.. Success !..” sabi nya at chinarge na ang phone nya..

Nag push ups muna nya sya at masiglang tumalon talon papuntang banyo..

Nasa kotse na si Hannah ng tumunog ang phone nya..

Agad nya itong kinuha at napabungisngis sya..

          “Goor Morni..” tanging nabasa nya sa text..

Galing kay Aldrin at malamang na minadali nya lang ang pagtatayp..

Simpleng mensahe ng binata pero halos katumbas na nito laksa laksang kilig..

Alam nyang lowbat din ang phone ng binata dahil sa magdamag nilang pag uusap..

Kwadro Alas - Ace of HeartsWhere stories live. Discover now