Chapter 18 - Masakit din pala!

107 3 0
                                    

ALYX's POV

"I love you! Dream of me." natulala ako. .

Buti nalang nakapagsalita pa ako.

"Asa!" untag ko sa kanya habang isinara ko na agad ang pinto.

Dali-dali ko talagang isinara ang pinto upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.

Nakasandal parin ako sa pinto ng ilang sandali habang ngingiti-ngiti.

Kinilig ako! For the first time inamin ko sa sarili ko na kinilig ako sa sinabi niya. Mahal ko na ba siya? I need ti confirm this feeling.. Pero paano??

Natulog nalang akong may tanong sa sarili ko.

Kinaumagahan.

May kumakanta. Sino ba yan at nang mabigwasan ko agad. Ang ingay!

"Aaaah!" sigaw ko.

Parang familiar ang kumakanta at ang kanta. Dun ko lang narealize na ringtone ko pala yun.

Agad kong hinanap ang cellphone ko. Kapa! Kapa! Kapa! Ayun.

"Hello!" Sagot ko sa tumatawag kahit wala akong kaalam-alam kung sino ito. Sabayan mo pa ng hikab. Halata na talagang nang-iistorbo itong kausap ko.

Kung tutuosin pwede akong matagal magbabad sa kama. Istorbo talaga itong tumawag. GRRRRRR

Nailayo ko agad ang cellphone ko ng may magsalita. Ay hindi, may sumigaw sa kabilang linya. Nagising tuloy ang tulog ko pang diwa.

"Hoi! Wala ka bang planong gumising ha?" sigaw nito

Sa tono pa lang nang pagsasalita nito alam ko na kung sino ito.

Si Ran.

"Bakit ba? Ang aga mo naman yata mambulabog ha?" galit kong saad sa kanya.

"Maaga pa ba? 11 am na ho.. Bakit ba ang tagal mong nagising? Nakakapanibago ka!" takang tanong niya. "Pasalamat ka at wala tayong pasok ngayon."

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga at agad na hinanap ang alarm clock ko para sigurohing hindi ako niloloko ng babaeng ito. At tama nga siya.

Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. Kagabi na nandito siya. Kinikilig na naman ako.

"Humihinga ka pa ba diyan?" untag niya ng maramdaman niyang hindi na ako kumikibo.

"Aai! Hindi na! Momo tong kausap mo... Kaya nga! WALA tayong pasok kaya malaya akong makakatulog at gumising anumang oras." Galit ko pang saad sa kanya.

"Aba! Aba! Ipapaalala ko lang po sa iyo na may LAKAD tayo ngayon." aniya

Hala! Nakalimutan ko. Dapat 10 am magkikita kami ngayon sa Mall ng Tita ko. Isang oras na akong late. Tiyak isang libong sermon ang aabutin ko kay Mariz nito ayaw pa man din nun ng naghihintay ng matagal.

"Naka-" naputol naman ang sasabihin ko ng marinig ang isang boses at sigurado akong boses iyon ni... Mariz!

"Ano ba darating pa ba siya?" Halatang naiinis na siya. Ayan na! iniimagine ko na ang maladragon niyang mukha.

"Nawala sa isip ko sorry na. Hehe" pakumbaba kong sabi. "Mauna nalang kayo mag-ikut-ikot pupuntahan ko na lang kayo diyan at iti-treat ko kayo ng lunch." dagdag ko pa.

"Sabi mo ah. Oh! Girls treat daw tayo ni Lyx ng lunch dahil sa late siya nagising." sabi niya.

"Bye na!" Agad ko naman ibinaba ang cellphone ko at pumunta agad ng bathroom.

Pagkalipas ng 30 minutes ng pagligo at pag-ayos lang. Nag-ayos lang ako ng kaunti. Ayoko malate na naman. Tatalakan na naman ako ng mga yun.

Nag-drive agad ako papuntang mall ngayon. 15 minutes lang away ang mall na iyon kaya mas madali ang pagpunta ko dun.

Music CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon