Chapter 24 - Tension

88 2 0
                                    

DAVE's POV

*DingDong

Si Jake na marahil ito. Sinilip ko lang kung sino ang nagdoorbell buti nang makasigurado.

Laking gulat ko ng makita ko si... Bakit ba siya nandito? Pambihira naman o. Dadagdag pa siya s problema ko.

Matawagan na nga si Jake...

"Jake andito si Donna. Asan ka na ba?... Sige! Dalian mo a,  di ko muna siya pagbubuksan." tawag ko sa kanya

Donna! Si Donna ang nasa labas ng unit ko. Parang di niya alintana ang pagpunta dito kahit na may media sa labas.

Napafacepalm nalang ako. Bad timing naman o. Smooth na yung moment namin dito. Bakit ngayon pa!!

"Dave?" Ayan gumising na ang prinsesa ko.

Nag-unat-unat muna siya at tinabing ng dahan-dahan ang kumot. Nagising siya marahil sa ingay ng doorbell.

"May tao ata." Sabi niya habang tumitingin sa pinto.

"A-ano lang. Aah!" Pa-utal-utal kong sabi. Di ko alam ang isasagot ko.

"Bakit di mo binubuksan? Baka si Jake na iyan." Tumayo siya upang buksan sana ito. Agad ko naman siyang hinigit. I need to keep her away from that door.

"Baka nagugutom ka?" umiling lang siya

"Nauuhaw??" umiling pa rin siya

"Baka na..." dapat ko bang sabihin sa kanya ito. Pero don't have choice. "naiihi ka?" nahihiyang sabi ko.

"Parang... Sige buksan mo na ha baka siya na iyon." haaay! narelieve ako dun ha. Paano ko ba siya paaalisin sa condo ko. Dapat ko ng mapaalis habang nandun pa si Alyx sa Restroom.

Nakapagdesisyon nalang ako na pagbuksan siya para paalisin.

Pinihit ko ang door at binuksan ito ng dahan-dahan.

"A-anong-" naputol ang sasabihin ko sana.

"Wow! Bonggang reunion ito ha... Surprise Dave." bungad sa amin ni Syneth. "Na-miss kita." niyakap niya pa ako.

Napanganga naman ako. Ito ba iyong reinforcement na kinakailangan ko? Parang sobra naman ata. Pero nasaan kaya si Jake?

"So rude ha. Hindi mo ba kami papasukin?" wala nalang akong nagawa kundi papasukin sila.

As in, silang tatlo. Si Bem, si Syneth at si Donna.

Nang makapasok naman sila may nagdoorbell ulit. Binuksan ko nalang ang pinto.

Bumungad agad sa akin ang mga kabanda ko. Pumasok na silang tatlo nakipag-high five pa. Grabe na ito. Isa lang ang tinawagan ko pero andito silang lahat.

"So magti-" sabi sana ni Syneth.

"Dave, si Jake na ba iya-" putol din niyang sabi niya at napalitan ng bigla ang gumuhit sa mukha niya.

"Gurl, okay ka lang ba." lumapit agad si Bem at niyakap ito.

Grabe kung makapagsalita a. Parang tinorture ko lang siya dito.

Samantala, ipinaliwanag lang ni Jake ang naging plano nila pero nagbago ito kasi dumating si Donna. Maasahan talaga tong Syneth, bilis makagawa ng plano.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ALYX's POV

May naririnig akong ingay mula sa labas kaya agad-agad din akong lumabas para tignan ito. Si Jake na marahil iyon. Nang makalabas ako, nagulat ako ng sa paglabas ko'y ang bumungad sa akin ay maraming tao sa salas niya.

Music CollidesWhere stories live. Discover now