Love #02

6.9K 74 1
                                    

"You don't need a man to live. Don't be a woman that needs a man,be a woman that a man needs. A woman like you deserves  to be happy. maganda ka naman siguro. Maraming maghahabol diyan. Kailangan galangin mo rin ang sarili mo para galangin ka rin nila."

Hindi ko alam kung bakit, pero tinamaan talaga ako sa sinabi niya.

"Wow ha! kung makasagot ka naman sa sulat parang close tayo ha? Pero sa bagay tama ka. Salamat kasi kahit papaano may sence yung pinagsasasabi mo."

3 months and two weeks.

Ganyan na pala katagal mula nung pinakialaman niya yung sulat ko at pumasok siya sa buhay ko ng walang pasintabi. Hindi ko din alam kung bakit araw araw na kaming nagsusulatan. eh, ni hindi man lang sumagi sa isip namin ang tanungin ang pangalan ng bawat isa.

Ok na din yung ganito.

Na magsilbing misteryo ang lahat ng tungkol sa aming dalawa.

Hapon na. Naisip kong dumalaw kina ate rhia at daddy. Kahit papaano kasi ay nakakamiss din sila.Simula kasi ng bumukod ako ay binigyan ako ni daddy ng pera panimula sa buhay ko.Naghanap ako ng mga sideline at part time jobs upang buhayin ang sarili ko.

"princess pwede ka naman dito. ikaw lang naman ang may ayaw. mas maganda ngang nandito ka para nababantayan ko kayong maigi ng ate mo.", si daddy na nanenermon sakin sa harap ng kainan.

"oo nga princess, para naman mabantayan ko yung prinsesa namin ni daddy." sabat naman ni ate.

"pag iisipan ko na lang po." sagot ko habang nakayuko (labas sa ilong). 

"siya nga pala anak, balita ko uuwi na si third dito."

"Talaga po?" sagot ko, labas sa ilong ulit.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto. dahil special ako kay daddy at ate. may sarili pa rin akong kwarto dito.

"halos anim na taon na din pala, nang huli kong makita yung lalaking yon. hindi naman big deal yon."

                                                                                  ********************

Pag pasok ko sa school, dumeretso agad ako sa room namin.

Tatlong oras lumilipad ang isip. Tatlong oras wala sa sarili.

Pagkatapos ng subject na yun ay pumunta na agad ako sa kabilang room for my next subject. ganon ulit. Lumilipad ang isip. Wala sa sarili.

Lumipas na naman ang isang araw. Papasok ako sa part time job ko. Uuwi. Magpapahinga.

Paglabas ng school.

"oh shit! bakit nga ba nawala sa isip ko?"

Hindi pa naman ako matanda, pero nakalimutan ko talaga tingnan yung sulat sa arm chair palibhasa hindi ako nagawi sa room na iyon. Pag punta ko sa room ay agad kong hinanap yung sulat.

"oh shoot!!! nasan na iyon??bakit nawawala?"

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga siya makita.

"Ahhmmm.. miss eto ba yung hinahanap mo?"

B0ses ng isang lalaki sa lik0d ko. Sa sobrang kaba, hindi agad ako nakaling0n. Hinga muna. Game.. Sabay ling0n sa kung sino man ang nasa lik0d.

L.U.S.TNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ