Love #07

2.7K 36 0
                                    

Panibagong araw..
sana naman may magandang mangyari ngayon.....

Dalawang araw nang nakalipas simula ng huli kong nakita si Yael...  hindi ko rin siya tinatawagan o tinetext...

siguro mabuti na rin to para masanay na din akong iwasan siyang muli...

Ayoko lang na masanay na naman akong palagi siyang nasa tabi ko katulad ng dati..

"Lovely?"  tawag sa di kalayuan.. agad ko siyang nilingon....

sabi ko na nga ba siya yun....

"Sabi ko naman sayo... Lham ang itawag mo sakin... hayy nako Ellie"
sabay ngiti at lapit sakin... eto yung pangalawang beses kong nakita si Ellie dito sa campus.. 

"kamusta ang klase?" pagtatanong nya sakin..

"hhhmmmm.. ok lang naman.. eto mag lalunch na...ikaw? diba hapon pa klase mo?"

"pinasa ko kasi yung project ko kaya maaga ako pumasok.. tamang tama gutom na rin ako san ba tayo mag la'lunch?"

"hmmm kahit saan"

Pumunta kami sa isang mall na malapit sa school at doon kami kumain... eto yung unang pagkakataong nakasama ko ng matagal si Ellie... Masiyahin at makulit.. Parehong pareho sila ng ugali ni Yael...
Kaya siguro mabilis kong nakasundo itong kumag na to.. hindi siya mahirap pakisamahan.. Marami siyang kwento..
Parehong pareho talaga sila ni Yael...

"So independent ka pala?.. Ang galing ha sa itsura mong yan di halata sayong nagtatrabaho ka... mukha ka kasi talagang anak mayaman eh.."

"hahahaha yan din yung sinabi ng boss ko kaya nag alangan siyang tangapin ako.. gusto ko lang makaranas ng hirap habang bata pa ko para pag tanda ko alam ko na yung pakiramdam."

"hmm sa bagay...tama ka... "

"ikaw? hindi ka pa nag kukwento sakin. kanina mo pa ko tinatanong... now it's your turn."

"Hhhhmmm.. san ba ako magsisimula?... galing ako sa isang mahirap na pamilya kaya maaga pa lang mulat na ko sa pagbabanat ng buto. Ako na kasi yung tumayong magulang sa mga kapatid ko. mahina kasi yung katawan ni nanay. at yung panganay namin maagang nag asawa at nagpakalayu layo... Bata pa lang ako nun nung iniwan kami ni tatay.. kaya wala akong choice kundi mag trabaho.. Hanggang sa namasukan akong hardinero sa isang mayamang pamilya.. Mababait yung amo ko. Sila yung dahilan kung bakit nakatungtong ako ng college.. Sabay kaming nag aral at pumasok sa iisahang eskwelahan. I mean kami nung anak ng amo ko... itinuring nya akong best friend kasi simula pagkabata kaming dalawa na yung magkasama.... itinuring ko siyang prinsesa.  palagi akong nasa tabi nya.. hindi ko siya pinabayaan.. ganoon ko siya minahal.. Tinulungan ko siyang mapalapit sa taong gusto niya.. kasi alam kong doon siya sasaya...
Palagi kaming nagpupunta dun sa lugar kung saan tayo unang nagkita.. pakiramdam nya kasi ang layo layo namin sa mundo kapag tinatanaw namin yung kalsada mula doon sa kinauupuan namin.. kaya sa tuwing malungkot kami doon kami nagpupunta.. Hanggang sa ako na lang mag isa ang nagpupunta doon.. marami kasing mga bagay ang biglaang nagbabago nang di mo namamalayan.."

"oo tama ka.... napansin ko parehas tayo ng kwento... "
sabay inom at tingin sa malayo.

"Lham may problema ba?" pagtatanong nya sakin sa biglaan kong pagka balisa... bigla ko kasing naalala si yael..
"hmm wala naman"

matapos naming kumain ay bumalik na kami sa school para sa next subject ko.
at hanggang ngayon, tinitiis ko pa rin ang iwasan si Yael... bahala na....
inihatid ako ni ellie sa klase ko bago sya umalis....

panibagong klase na naman...

***********************************

Katulad ng palagian kong ginagawa... kinig ng konti... tulala... tingin sa blackboard...
pasalamat na lang ako at pumapasa ako...

matapos ang ilang oras sa klase... uwian na.. makakapag pahinga ako...

"Lham....." boses galing sa likod... malamang si ellie ulit..
"ellie wala kang pasok?" sabay lingon sa likod..
"sinong Ellie?"
"Y..yael? anong ginagawa mo dito?"
kapag sineswerte ka nga naman oh...

"dalawang araw mo na kasing hindi sinasagot yung mga tawag at text ko... hindi rin kita nakikita.. dumadaan ako sa apartment mo kaso palaging walang tao... Iniiwasan mo ba ako? Sino yung Ellie? boyfriend mo? kaya ka ba umiiwas?"

"ahhh yun ba? busy lang ako sa trabaho tsaka kila daddy ako umuuwi ngayon... at si Ellie.. ano...."

"Lham? huy.. tapos na klase mo?" si Ellie na biglang sumulpot kung saan...
"E...Elijah?"
"Yael?"  huh? meron ba kong hindi nalalaman?

"a..anong ginagawa mo dito? ba...bakit kilala mo si lham?"
"diba dapat ako yung nagtatanong sayo nyan? anong ginagawa mo dito sa school namin?.. saka recently lang kami nagkakilala ni lham.. magka kilala din pala kayo.."
"te..teka anong meron?" singit ko sa usapan ng unexpected friendship nila...

"si Yeal kasi yung boyfriend ng bestfriend ko..."

"si....si Vanesa?"   bakit ang liit ng mundo namin?

"huh? kilala mo siya?"
"classmate ko siya nung high school.."
"ibig sabihin sa iisang school lang tayo nag aral? wow ang galing ha..." nakangiting sabi sabay tingin sa orasan niya...."hala malelate na ko sige una na ko... bye lham bye yael.."
sa pag alis ni Ellie kitang kita sa mukha ni yael ang pagka gulat...
"yael may problema ba?"

"h..huh? ah wala.. nagulat lang ako na mag kakilala pala kayo.."

"ah..oo... naalala mo yung kinwento ko sayong lalaki... sya yong... ang liit talaga ng mundo...."

"mag ingat ka sa lalaking yun... hindi mo siya kilala.." nanginginig at balisang bigkas ni yael... eto yung unang beses na nakita ko siyang natakot... hindi ko alam kung bakit... at kung anong meron kay ellie para mag ingat ako...

"bakit? mabait naman siya ha?"

"basta! makinig ka sakin... hindi mo siya kilala...." mahigpit na hinawakan ni yael ang balikat ko... at sa unang pagkakataon.. ngayon ko lang siya nakitang ganito...

"ano ba? bitawan mo nga ako.. ano bang problema mo?"

bigla nya akong binitawan at dali daling umalis

***************

Hindi ko talaga alam kung anong meron si Ellie pare magkaganon si Yael...

hayyy.. bahala na nga si batman... ang mahalaga nakauwi na ko.....

pagkabukas ko ng pintuan, laking gulat ko ng may nakita akong maleta sa salas.... kay daddy kaya yon o kay ate...

"princess, oh buti naman at nakauwi kana..." masayang bungad sakin ni ate. habang ako nagtataka pa rin kung bakit may maleta dun..

"ate aalis ka ba? o si daddy? bakit may maleta jan?"

"Lham... Princess... nandyan ka na pala.. kanina pa kita hinihintay.." isang pamilyar na boses sa di kalayuan... hindi ako pwedeng magkamali...   

alam kong siya yon........

marahan kong nilingon yung tunawag sakin...

ang lakas ng tibok ng puso ko....

anong gagawin ko?

"Thi...Third........"

sabi ko na nga ba eh...

hindi ako pwedeng magkamali...

siya nga....

L.U.S.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon