Love #11

2K 40 0
                                    

"Alam ba ng Prince charming mo yung tungkol sa nagbabalik mong boyfriend?" si Ellie, habang tinutukoy sa Yael.

Hindi ko maiwasang hindi ikwento kay Ellie since sya lang naman yung medyo medyo nakakausap ko.

"Dapat ko pa bang ipaalam sa kanya?"

"Ehh bakit sakin pinaalam mo? Hindi naman tayo mag best friend?" Arayy!! Tinamaan ako dun ah....!

"Mas mukha ka kasing matino kaysa kay Yael.. Hayaan mo na."

Napabuntong hininga si Ellie. At tumitig sakin..

"So anong sagot mo sa tanong nya?"

"Sinabi ko ung totoo. Na nakunan ako, kahit gusto kong buhayin yung batang yun, wala akong magagawa. Kinuha sya sakin. Pinahiram lang sya sakin ng anim na buwan. Siguro kaya nangyari na rin yon para ipagpatuloy ko yung pag aaral ko. Ni hindi alam ni Yael na nabuntis ako. Ang alam nya. Never pa kong nabuntis. Ang alam nya.pareho kaming 4th year. Ang alam nya ok ang lahat sakin. Alam ko naman ding may sarili na syang buhay ngayon. Ayoko na syang idamay sa lahat ng sabit sa buhay ko."

"ahh so, kaya ako ung dinadamay mo?, well. Nasa sayo yan kung ayaw mo sabihin.. Kaso.. Hindi mo rin maiiwasang hindi sila magkita soon. At kung talagang best fried mo si Yael. Dapat ok lng na malaman nya. Kahit hindi detalyado basta malaman lang nya." litanya ni Ellie habang nakahiga kami at pinagmamasdan ang langit. Saan pa ba? .. Sa tambayan namin...

Hindi ako nahiyang ikwento kay Ellie ang tungkol kay Third. Siguro dahil mas madali syang pagkwentuhan kesa kay Yael.

"So.. Dito pala kayo nag tatagpo ng best friend ko." sambit ng isang pamilyar na boses. Sabay kaming napalingon ni Ellie, at napabangon sa pagkakahiga.

" oh? Nasan ung boyfriend mo munting prinsesa?" sambit ni Ellie sa papalapit na si Vanessa.

"ayun. May practice sa swimming. Malapit na yung competition eh. So, close na pala ngayon ang best friend ko sa best friend ng boy friend ko." hindi maitago ni vanessa ang tuwa. Habang si Ellie, namumula sa pagkahiya.

"Sa kasamaang palad, binasted ako ng best friend mo.. Hehehe" pang aasar kong sabi kay Vanessa. Minsan, ang cute din pala ni Ellie kapag nahihiya at naaasar. Hindi mapigilan ni Vanessa ang pagtawa.

"hahaha. So funny. No wonder bakit kayo nagkasundo ni Yael, pareho kayong kwela. Anyways. Me problema ba tong best friend ko bukod sa pag basted nya sayo? Nag pupunta lang naman yan dito kapag may problema eh. At alam kong hindi magsasabi sakin yan. Kaya sayo ako magtatanong Lham"

"wala naman. Ok nmn sya. Sinasamahan lang nya ko aun lang."

"wag mo nang tanungin si Lham. Ok lang ako." bangit ni Ellie sa matalik na kaibigan.

"Gusto ko lang naman kasing malaman kung ok ka. This past few weeks, hindi ka nag paparamdam sakin. And now, i know why.." pangiting pagsambit ni vanessa sa kaibigan. "sya nga pala Lham. Can i ask you something?"

"sige, go ahead.."

Tumingin sa malayo si Vanessa. Huminga ng malalim.

"Naikwento ba ni Yael sayo, kung may nagugustuhan sya sa school nyo?"

Shit.! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko.?

Sa sobrang kaba ko huli ko nang namalayan ang paghawak ni Ellie sa kamay ko.

Bahala na si batman...

"Bakit mo naman natanong? Bihira na rin kasi kami magkita nang kumag na yon lalo na ngayong marami akong raket. Bakit? May nangyari ba?"

"hhhmm wala naman. Dati kasi, madalas nyang naikekwento ung tungkol sa mga nangyayari sa knya sa school nyo. Pero after ng ilang buwan hindi na.. Minsan maaga rin sya pumupumta sa school nyo. Ang naisip ko naman na dahilan..

Kasi dahil sayo.."



Shit..!!! Sabi ko na nga ba ih...

Patay.....

L.U.S.TWhere stories live. Discover now