chapter two... (My Crime)

11.4K 206 26
                                    

Di naglaon naging kaibigan namin yong nerd. Her name is Lynvie, LYN for short.... First year student sa fine art department. Mabait sya at madali kaming naging close.

 Two weeks makaraan ang insidenteng iyon sa canteen hindi na nagpaparamdam si Ruth.

 "Sabay na tayong umuwi Diane" sabi ko nang uwian na.

"Mauna ka na Zia may gagawin pa kami ni Lyn sa newspaper ng University. kaasar nga eh madilim na kung makauwi ako sa bahay" Diane said.

"Ganon ba? Sige mauna na ako"

Tumango lang si Diane. Mga Staff kasi sa Newspaper sina Diane at Lyn kaya mas madalas silang magkasama pag-uwian dahil naiiwan pa sila sa school para magpasa ng kung ano-ano.

 Umuwi na ako.

 Pumasok ako sa isang subdivision at agad naman akong pinapasok ng gwardiya.

 Walang tao sa mansion tanging dalawang katuong lang at gwardiya dahil sina mama at papa nasa Europe don kasi kami nakatira. Pagka-graduate ko siguro susunod na ako at syempre magiging bakasyonan ko naman ang Pilippinas.

 Naghain na sa hapag ang katulong at inaya ko silang kumain. Pinatawag ko na din ang gwardiya sa gate ng mansion para kumain. Sila ang kasabay ko at nakikipagkwentuhan pa ako. Minsan nakikisalo din ako sa kusina pag-kumakain sila don. Sabi nga nila ang bait-bait ko daw. They wer saying that my angelic face suits with my personality and attitude.

 Nang matapos kumain ay iinum na sana ako ng juice but nadulas ang baso.

 Nabasag ang baso.

Kinabahan ako.

 "Sorry po" sabi ko na lang.

"Ayos lang po Miss" sabi ni Manang Laura habang nililinisan yong nabasag ko. 

Mamaya-maya ay may narinig akong parang may nabasag din sa Living room. Tumambad sa akin ang basag na frame kung asan ang picture namin ni Diane. Mas lalo akong kinabahan.

"Diane?" nasabi ko sabay nang pag-ring ng phone ko.

 Agad kong kinuha yon at sinagot.

 "hello" i said.

"Is this Miss Zia Montesero?" tanong nang nasa telepono.

 "Yes, How may I help you?"

Then sa sinabi ng caller nagulantang ako. Nanghihina akong napa-upo sa semento at umagos ang luha sa aking mata.

 "Anong nangyari Miss Zia?" Manang Inday ask.

 "Y-y-....yong mga.....K-k-kaibigan ko po.... nasa ospital... comatose po..." Tuluyan na akong umiyak at napapahikbi. Inalalayan naman nila ako at pumunta kami sa ospital at naroon ang pamilya nila Diane at Lyn.

Kwenento sa akin nang kapatid ni Lyn na si Tina ang nangyari sa ate nya.

 Pauwi na raw sila nang may masalubong daw silang mga tatlong kalalakihan na pinagtatadyakan at pinagsusuntok daw sila. Kinuha daw ang mga gamit nila. Buti na lang daw at nakaresponde ang guard ng university at nadala sila sa ospital ngunit sa kasamaang palad hindi pa rin nagigising ang dalawa nyang kaibigan. Hindi na daw nakita ang tatlong lalaki dahil agad silang nakatakas.

I FALL IN LOVE WITH THE KILLERWhere stories live. Discover now