Part 5: "Liability"

12.7K 114 0
                                    

Mahigit tatlumpung minuto nang nakadikit sa silya ang aking puwet, sa loob ng opisina ni Bakulaw. Nakakawindang. Halos tumigil sa pag-ikot ang kokote ko kanina, nahilo at parang huminto sa pag-absorb ng mga ideya. Hindi ako makapaniwala, na ang kaharap ko ngayon ay manager ng isang sikat na fastfood chain sa bansa. Sumirko tuloy ang imagination ko kung paano naging manager ang taong 'to. I mean, nasa hitsura at amoy naman niya ang pagiging boss, pero sa kilos at sa kaniyang pinapakita, malabo. Parang sinabi mo na rin na maraming bituin kapag alas-dose ng tanghali.

"Charlie Montero." pagbasa ko ng mahina sa malaking name plate na nakapatong sa mesa niya. "Branch Manager."

Sinulyapan ko siya kung tatapunan man lang niya ako ng tingin, pero nabigo ako. Abala siyang sumusulat, ni hindi man lang ata siya humihinga.

"Aalis na ako. Kanina pa ako dito na walang ginagawa, ni hindi ko alam kung bakit ba nandito ako." pagtayo ko mula sa pagkaka-upo. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?"

Hindi siya umimik. Nakapako parin ang tingin sa mga tambak na papel na sinusulatan niya.

"Sige, nice meeting you nalang Mr. Charlie. Salamat sa libre mo sa---"

"UPO!" bulagsak niya bigla ng utos. Napa-halik ulit tuloy ang puwet ko sa silya. Gulantang at ang bilis ng pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinunod, hindi ko rin maintindian kung bakit kinabahan ako bigla. Hindi rin ako iyong tipong basta-basta nalang nakakaramdam ng takot o kaba. Pero kaka-iba ang tagpong 'to. Ramdam ko ang bigat ng pagka-authority sa utos niyang iyon. Iyong tipong hindi kana mag-iisip ng iba pang bagay, ang sumunod lang ang sisiksik bigla sa utak mo.

Lumipas pa ang ilang minuto. Same scenario. May kung anong sinisiyasat siya sa mga dokumentong pinagpipiyestahan ng kaniyang mga mata, habang ako ay namemorize ko na ang bawat detalye sa loob ng maliit niyang opisina. Maski ang bilang ng mga langgam na nagsstroll sa sahig at ding-ding.

"Ibaba mo yan, masyadong memorable yan." pagsita niya sa akin nang damputin ko ang isang pigurin ng leon na may laki ng katulad sa hinlalaki ko.

"Naiinip na ako. Anong oras mo ba ako pauuwiin?"

Wala itong muling imik.

"Ano ba?! Nakaka-inis ka na ah! Kung tungkol 'to sa kanina, fine babayaran ko! Wala nga lang akong pera sa ngayon! Pero babayaran talaga kita, huwag kang mag-alala."

Tahimik ang paligid, maliban sa ugong ng aircon. Wala parin itong kibo. Nararamdaman ko ang unti-unting pagrebolusyon ng aking dugo. Ilang sandali pa, sigurado, sasabog na ako sa pagkahighblood.

"Nakakapikon ka na ah!" padabog kong tungo sa pintuan.

"Five thousand ang total ng bill mo." napatingin ako sa kaniya. Inalis niya ang nakasukbit na salamin sa kaniyang tenga bago muli 'tong nagpatuloy. "Grabe, ganon kaba talaga kalakas kumain?"

"Ano?! Five thou-"

"Correction." pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. Ngumisi siya. "Lamon na pala iyon, hindi kain."

Nagsimula na namang pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagsalabong na ang mga kilay ko. Tuluyan nang dumilim ang paningin ko, nagtatalo ang init ng ulo at pagkamahinaon sa loob ng aking utak. "Hoy! Ikaw na Bakulaw ka, kung sa tingin mo ay sasantuhin kita dahil sa manager ka, nagkakamali ka! Kung ihampas ko kaya ang compyuter na iyan sa ulo mo?!"

Pumito siya. Wala na, nabura na ang salitang magpakahinaon sa diksiyonaryo ko. "Aba talagang sinusubukan mo akong Bakulaw ka ah!"

"Yung sim? Bibilhin ko na."

Natauhan bigla ang isip ko sa realidad. Naalala ko nga pala, yung bug na sim ko ang puno't dulo at dahilan kung bakit ako naririto ngayon.

"Nasaan na? Babayaran ko na." paglapag ng kaniyang palad sa hangin. "Saka, pakibaba mo yang lampshade na yan, mahal yan."

Napatingin ako sa buhat-buhat ko, bigla tuloy nakaramdam ng pangangawit ang aking kamay dahil sa bigat ng lampshade na ipupukol ko sana sa kaniya. Napagtanto ko na nawala nanaman ako sa aking sarili.

"About dun, pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina, nagbago na ang isip ko. Hindi ko na ibebenta." pagsisinungaling ko, dahil sa una palang ay wala na akong balak ibenta sa kaniya yung sim.

"Ganon ba. Wala ka talagang isang salita. Pasalamat ka at napaniwala mo akong babae ka, kung hindi..."

"Kung hindi ano?!" panlilisik ng aking mga mata, isa pa sa mga kinasusuklaman ko ay yung pinagbabantaan ako ng masama. Tiyak, magsasalpukan ang galit at asiwa sa akin.

Sinibat niya ako ng tingin. Matagal. Mga isa o dalawang minuto kaming nagtitigan. Animo'y nagpapaligsahan kaming dalawa, ang unang kumurap ay talo.

"Wala. You can go now." kabig niya bigla ng tingin. Sinuot muli ang salamin at dinikit ulit ang titig sa mga makakapal na papel sa ibabaw ng kaniyang mesa. "But don't forget. May utang ka sa akin ng limang libo. Huwag kang mag-iisip na magpalit ng number, matra-trace at matra-trace parin kita."

"Sura nito." pagbukas ko sa pinto.

"And one more thing." pag-awat niya sa akin sa paglabas. "Babae ka nga ba talaga? Kasi sa palagay ko transgender ka, tama ba ako?"

Hindi ko sigurado kung anong tumama sa kaniya, basta ang alam ko, tama nga siya, may kung anong bagay akong nadampot at ibinato sa kaniya. Sumirit ang dugo sa kung saan. Sapul ang noo niya.

+++

Araw ng miyerkules.

Limang araw mula nang magkita kami ni bakulaw. Tinuluyan ko ng palitan ang account ko sa community site na kinabibilangan ko. Paano ba naman, simula nang maganap ang insidente sa restaurant, minu-minuto akong minumulto ng paniningil ni Bakulaw. Gigising ako ng isang umaga na may 100 plus akong message mula sa kaniya. Pare-parehong mensahe ng paniningil. kesyo, "Kuya, yung 5,000, kailangan ko na. Saka kana magpa-opera ng para sa babae dapat." o kaya naman, "Iyung 5,000 Kuya! Huwag mo akong dahanin sa pananahimik mo! Baklang mukhang lalake!" at ng, "Siguro ginamit mo yung 5,000 para pang retoke ng ari ano?!" Tuloy, sampung keyboard na ang nasira ko dahil sa init ng aking ulo.

Naka-ipon narin ako ng limang libong piso para pambayad sa kaniya, pagkatapos kong magpa-alipin sa puyat sa pagbabantay ng computer shop sa may kanto namin tuwing madaling araw.

"Hello, Chikka?" Tanong ko sa kabilang linya. "Puwede mo ba ako daanan bukas? May papadala akong pera sayo para sa boss mo. Kung okay lang, please?"

"Te-teka, Lyka." dinig kong tila pagtaranta ni Chikka sa cellphone. "Nandito si Sir, kaka-usapin ka daw niya."

"Huh?" pagkunot ng aking noo. "huwag mo bibigay sa kaniya Chikka!"

"HELLO?! KUYA!" mabigat na boses sa kabilang linya. "IYONG FIVE THOUSAND KO?! KAILANGAN KO NA IYAN NGAYON MISMO! PUNTAHAN MO AKO SA OFFICE MAMAYANG 6 PM! SHARP!"

"Padadala ko nalang bukas kay Chikka. Busy ako ngayon." palusot ko, kahit na pangungulangot lang ata ang gagawin ko buong maghapon.

"HINDI PUWEDE! KAILANGAN IKAW MISMO ANG PUMUNTA DITO! DAHIL MAY PIPIRMAHAN KA, OKAY?!"

"May magagawa pa ba ako?" buntong-hininga ko.

"6 PM SHARP. HERE IN MY OFFICE, OKAY?!"

"Okay." nangangalambot kong pagtugon.

"Oh, one more thing." biglang nagbago ang volume ng boses niya. Naging mahinaon. Naalala ko tuloy bigla yung mga panahong kasama ko siya sa loob ng Starbucks, tahimik lamang siya. "Conscious ka ba sa katawan mo?"

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko, tinatantiya kung nilalait na nanaman ba niya ako.

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Don't worry, answerable ng yes or no lang yan, hindi na recquired ng essay kung bakit yes or no ang pinili mo."

"Nang-aasar ka ba?! Hindi nakakatuwa!" hinintay ko ang sagot niya, pero tahimik lang sa kabilang linya. "Hindi naman ako conscious sa katawan ko, okay? So sige na, maya nalang 6. Bye."

Hinagis ko ang cellphone ko sa kama, kasunod nito ay ang paghitsa ko sa aking katawan sa malambot na kutson. Pipikit ko na sana ang mga mata ko para umidlip saglit nang mapadako ako ng tingin sa orasang nakasabit sa ding-ding. Shit! 5:47 PM na pala!


Kuya, pa-BUG naman po, please?Where stories live. Discover now