[5]

5.1K 149 8
                                    


Chapter 5

My heart fluttered. Damn. Parang normal lang talaga kay Riel na magpakilig. Napailing na lamang ako. Napansin kong nahuhulog na yung cold compress kaya tumabi ako sa kanya at hinawakan ito sa mukha niya.

Sumandal ako sa katawan ni Riel upang hindi ako mangawit. Hindi ko namalayan na unti-unti na rin akong inaantok. Makakatulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Inilabas ko ito mula sa bulsa ko at chineck. I can't help but groan when I saw the familiar sender.


From: Unknown Sender

Sorryy! Di ko nainform sayo na hindi pupunta yung drug overlords kasi nalaman nilang pupunta kayo


Napabuntong-hininga ako. Wow, thanks so much for that info, tech-guy.


To: Unknown Sender

Paano nila nalaman?


From: Unknown Sender

Hindi lang naman kayo ang may mga mata at tainga, future FBI agent. Syempre pati sila may mga specialists since napakalaking krimen ang ginagawa nila. I'll try to give u the correct info next time.


To: Unknown Sender

Why are u even helping me?


From: Unknown Sender

That's a secret, princess. Just be thankful I'm willing to be ur eyes and ears. Watch out tho, nasa iyo ang isa sa mga pinahahalagahan ng drug lord. Be careful, ok? Cya.


Nasa akin? Na-realize ko ito nung napatingin ako sa kwarto ko. Si Ramon. His father is one of the dealers. I think trying to get close to him would do me a favor.

Ibinaba ko na ang phone ko sa table. At sumandal ulit sa nakahigang katawan ni Andriel.

I just hope this isn't as crazy as it looks.



I woke up the next day feeling tired. And hungry. And then naamoy ko pa yung nilulutong scrambled eggs ni Andriel. Pagdilat ko ng mata ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa sofa at wala na doon si Riel.

Yep, he's definitely cooking breakfast.

I stretched my arms and yawned. Until I realized something. "O-EHM-GEE, naiwanan ko yung baby ko!" pasigaw kong sabi. Mabilis akong dumiretso sa banyo upang maligo para naman makadiretso na ako sa headquarters.

Kaso nga lang may tao na roon. At nakalimutan niyang mag-lock ng banyo.

"Oh shit!" Di ko maiwasan ang mapamura nang nakita kong naliligo roon si Ramon. What the hell, bakit naliligo pa to rito?!

"Crap! Kumatok ka naman next time, Heaven!" angal niya habang ako ay tumakbo palabas ng banyo.

"Wow ah! Bahay mo? Kahiya naman sayo!" inis kong sabi at padabog na sinarado ang pintuan. Sumilip si Riel na nasa kusina.

"Everything ok?" tanong niya. I gave him a thumbs-up. "Ano nga palang kinapuputok ng butchi mo at ang aga-aga ay sumisigaw ka na?"

"Naiwanan ko yung baby rifle ko sa HQ!" paiyak na sabi ko.

Mismatched [2nd book of Match Made in Hell]Where stories live. Discover now