III.

1.9K 116 94
                                    

BAEKHYUN

I'm washing the dishes. When chanyeol called me.

"Baekhyun!"Dali-dali akong lumapit sakanya.

"Yes."I said,nang nakalapit na ako sakanya.

"Here.Go to the market,and buy all of these." Napanganga ako,nang ibigay niya saakin ang listahan,ng lahat na bibilhin ko.

"A-ang dami naman n-nito Chanyeol,pwedeng b-bukas nalang?"I asked.

"Baka nakakalimutan mo.You're my SLAVE."Talagang pinag-diinan niya yung salitang slave.

"A-ah pasensya na,wag k-kang mag-alala hindi ko nakakalimutan na slave mo ako,saglit lang mag-bibihis lang ako."Umakyat ako sa taas,at dali-dali nag-bihis.Bumaba din ako kaagad pagkatapos kong mag-bihis.

"Here's the money."Inabot ko naman yung binigay nya saakin na pera.

"Sige alis na ako."Hindi niya ako pinansin at dumiretso siya sa salas.Nag-kibit balikat nalang ako at lumabas,para pumara ng taxi.

THIRD PERSON'S POV

Sakto lang talaga binigay na pera ni Chanyeol kay Baekhyun,sakto lang ito sakanyang pamasahe papunta at mga nasa listahan na bibilhin ni Baekhyun.Talagang sinadya nya na walang pamasahe si Baekhyun pauwi,para ito'y mag-lakad hanggang sa makauwi.

Baekhyun is checking the list if he missed something.Mukhang may nakalimutan nga ito,he checked the list again, and he forgot the cookies.Pumunta si Baekhyun kung saan nakalagay ang mga cookies. Nasa pinaka-itaas ito,at hindi niya ito kayang abutin,naghahanap siya nang pwedeng tawagin na crew.Pero walang siyang makita,kaya sinubukan niyang abutin ito, he tiptoed para maabot ang cookie jar.

Kunti nalang maabot na niya,kunti nalang talaga,ngunit biglang may kumuha nito at inaabot sakanya.

"S-salamat."Nahihiyang sabi ni Baekhyun doon sa tumulong kumuha ng cookies.

"You're Welcome."Ngumiti ito sakanya.

"Sige alis na ako,thank you ulit." Sabi ni Baekhyun.

Tumango lang yung lalaking tumulong sakanya.

BAEKHYUN

"Sir.4500 po lahat."Napanga-nga ako,dahil 4500 nalang talaga ang natirang pera ko,kapag binayaran ko ito lahat,wala na akong pamasahe pauwi.Kapag pinabawasan ko ang mga pinamili ko baka magalit si Chanyeol.

Wala na akong magagawa,kaya binayaran ko nalang lahat.Hinihintay ko nalang yung mga pinamili ko,dahil binabalot pa nila ito.

Aish.Paano na ito mag-lalakad ako pauwi,mukhang mabigat pa ang mga laman ng mga pinamili ko.Ang layo layo pa naman nitong grocery mula sa bahay nila Chanyeol?

"Sir.Ito na po yung pinamili nyo."Sabi ng crew.

"Thank you."Nang binuhat ko na ang mga pinamili,muntik na akong matumba sa sobrang bigat nito.

Binuhat ko ang mga pinamili ko hanggang sa makalabas ako.Nag pa-hinga ako saglit,at tinuloy ko ang pag lalakad ko.

Wala pa ako sa kalagitnaan ng pag-lalakad ko,nang may bigla humintong kotse sa harapan ko.

ChanBaek: Hurting BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon