XIII.

1.4K 94 14
                                    

BAEKHYUN

Nasa harap na ako ng bahay ni Chanyeol.Nanginig ang aking kamay at tuhod. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at humingang malalim. Tsaka ako pumasok.

Nadatnan ko si Chanyeol na nanonood ng TV sa sala. Naka pambahay na ito hindi na katulad kanina ng umalis ako naka office attire pa siya.

Nakatalikod siya saakin, kaya hindi niya alam na dumating na ako. Dahan-dahan akong naglakad paakyat sa kwarto.

"Where do you think you're going?" Nagulat ako ng magsalita si Chanyeol. Paano niya nalaman na nandito na ako? Nakatalikod pa kaya siya saakin.

"A-ano C-chanyeol." Nauutal na sabi ko dahil sa nerbyos.

"You're late!" Sigaw niya, na nag pagulat saakin. Humarap na siya saakin na nanlilisik ang mata.

"S-sorry, hindi k-ko kasi namalayan yung oras."

"I'm hungry! Cook now!"  Napanganga ako sa sinabi niya.

"A-ano gusto mong lutuin ko?" Tanong ko.

"Subukan mong lutuin yung libro." Sabi niya at inirapan ako.

W-what?

Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa kusina. Habang nagluluto ako.

Medyo napaisip ako. Bakit kanina hindi ako masyadong pinagalitan ni Chanyeol o sinaktan man lang?

Datirati kapag nakagawa lang ako ng mali na maliit na bagay. Sisigaw-sigawan na niya ako, sasaktan niya ako. Pero ngayon hindi naman masyadong ganun yung ginawa niya.

Tsaka sino ba yung Ms. Sorn? Masyado bang importante yung pag-uusapan nila, para paalisin ako?

Aish! Kasalanan ni Ms. Sorn kung bakit ako pinaalis at napagalitan ni Chanyeol eh.
Teka, bakit ko ba sinisisi si Ms. Sorn?

Nang matapos ako magluto. Hinanda ko na yung lamesa para makakain na si Chanyeol.

Nang maihain ko na ang lahat. Tatawagin ko na sana siya nang nakita kong nakaupo na siya, at handa ng kumain.

Aalis na sana ako para umakyat sa kwarto ko para magbihis, nang bigla niya akong tinawag.

"Where are you going?" Tanong niya saakin.

"Sa kwarto."

"Hindi mo ako sa--- aish, nevermind." Napakunot nalang ako sa sinabi ni Chanyeol.

Pag akyat ko sa kwarto ko. Nag shower ako at nagbihis na. Tsaka ko lang naramdaman yung gutom ko ng tapos ko na magbihis. Siguro tapos naman ng kumain si Chanyeol.

Bumaba na nga ako para kumain. Nadatnan ko si Chanyeol sa salas nanonood na ng TV.

Pumunta na ako sa kusina at kumain. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na yung pinagkainan namin ni Chanyeol.

Habang naghuhugas ako bigla akong tinawag ni Chanyeol.

"Baekhyun! Kuhanan mo ako ng beer sa ref, dalhin mo dito!"

Dali-dali kong pinunasan ang kamay ko. At kumuha ng can beer sa ref. Tsaka binigay ito kay Chanyeol.

Bumalik ako sa paghuhugas. Nang  matapos kong maghugas. Tinawag na naman ako ni Chanyeol. Kuhan ko daw siya ulit ng beer.

Kumuha ako ng limang can na beer. At inilagay sa center table na nasa harap ni Chanyeol.

Magpapakalasing nanaman ba siya?

"Ano tinatanga mo diyan? Nagulat ako sa pag sigaw  ni Chanyeol.

" A-ano, w-wala p-pasensya na." Agad akong tumalikod at pumasok sa kwarto.

ChanBaek: Hurting BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon