Chapter Six- The New Girl in Town

1.1K 63 7
                                    

Chapter Six

The New Girl in Town


"MAGPAPA-INOM ako bukas!"

Nagtawanan sila ng barkada niya na sina Rob, John at Rick dahil sa inanunsyo ni Norton habang nag-iinuman sila ng beer sa garden ng bahay nila. Gabi na at natutulog na si Paulina.

"We're not drinking tomorrow," aniya.

"Bakit naman? Libre ko," pamimilit ni Norton.

"Alam kong kaya mong painumin maski ang buong Green Palm pero wala akong balak maglasing. Only this time. 'Di 'yon magawang ehemplo sa anak ko," aniya.

"I have an idea," sabi ni Emily. Katabi nito ang asawang si John. "Let's go to David's place and sing." Nagtanguan ang mga ito. "Si Norton pa rin ang manlilibre, siyempre."

"Okay lang," sabi ni Norton. "Minsan lang maligaw dito si Aldrin kaya lubos-lubusin na natin ang celebration. Isa pa, nagrekomenda siya ng guest sa inn namin eh."

"Guest?" paniniyak ni Rick. Nagkasalubong ang mga kilay nito na parang nakarinig ng latest showbiz scoop. Sa kanilang magbabarkada ay ito ang pinaka-tsismoso. Alam nito ang mga latest na pangyayari sa buhay ng mga taga-roon. Madalas itong napapagalitan ng asawa nito dahil sa pagiging tsismoso. "Babae ba?"

"Oo at maganda," sagot ni Norton na nakangisi. Sa kanilang magbabarkada, si Norton na lang ang single pa.

"Crush mo?" panunukso ni John. Nagtawanan ang iba.

"Anong crush? Ano ako, teenager?"

"Maganda ba talaga?" paniniyak ni Rob. Tumango si Norton. "'Tingin mo magkakagusto 'yon sa'yo?" natatawang tanong ni Rob na ikinatawa rin nila. Norton smirked. Si Norton ang pinakabata sa kanila at hindi naman ito pangit. Wala namang pangit sa barkadahan nila. Medyo nerd nga lang talaga si Norton at torpe pa.

"Ang sakit mo namang magsalita. Gwapo ka ba?"

"Oo naman. Tanungin mo pa si Tabitha," proud na sabi ni Rob. Tabitha is Rob's wife. Sa kanilang lahat, ito ang unang nag-asawa at meron ng tatlong anak na puro mga babae aged ten, seven and five.

"May kasama kang babae nang dumating, Aldrin?" paniniyak ni Emily.

"No. Naki-hitchhike 'yon. Para kasing naglayas eh. Mukhang hindi alam kung saan pupunta kaya dito ko na lang dinala sa Green Palm. Safe siya dito at friendly ang mga tao," paliwanag niya. Everyone stared at him. "What?"

Binalingan ni John si Norton. "Maganda ba talaga?" paniniyak nito.

"Sabi ng maganda eh. Marunong akong tumingin ng maganda sa pangit," asar na sagot ni Norton. "Blonde, blue-eyed and sexy pero gaya nga ng sabi ni Aldrin, medyo malungkutin at 'di masalita. Parang ang laki ng problema eh."

"Magtatagal ba daw siya rito?" curious na ring tanong ni Rick.

"I don't know pero for one week ang binayad niya eh."

"North, baka siya na ang hinihintay mong 'the one'" panunukso ni John.

"Ano ba ang pangalan ng girl na 'yan?" tanong ni Emily. "Dapat makilala natin 'yan ng lubusan kung siya na ang para kay Norton," Emily winked at them.

"Aris Sunday ang pangalan niya."

"Let's invite her tomorrow night," suggestion ni Emily. "Para naman makilala natin siyang mabuti at makapag-unwind siya. Baka depressed 'yong tao at kailangan ng kasama."

Symphonian Curse 7: Mermaid's TearsWhere stories live. Discover now