Chapter Fifteen- The Pain and Joy of Waiting

1.3K 65 9
                                    

Chapter Fifteen

The Pain of Waiting


TWO DAYS after nagising si Eli ay iniuwi nila ito sa pansamantala nitong titirahan. It was a house near to where F lives in New York. Kahit papaano ay hindi na ito masungit sa kanila pero medyo ilag pa rin. Si Zee ang pasensyosong nagpapaliwanag dito ng mga bagay-bagay. Kung minsan ay siya ang nakikipag-usap dito. Sad to say, naiilang ito kay Debbie at ayaw makipag-usap. Naaawa sila kay Debbie pero nagiging matatag ang babae.

Naka-wheelchair pa ito at may benda pa ang ulo nang maiuwi nila. Siya, si Zee at Ynez ang kasama nitong umuwi samantalang naghihintay na sa bahay ang iba pa. Nang dumating sila ay agad na tumakbo palapit kay Eli si Zara at yumakap sa ama nito. They were observing Eli's reactions. Na-orient na nila ito tungkol kay Zara at bagamat hindi ito makapaniwala noong una, mukhang unti-unti na namang nitong nai-kondisyon ang sarili sa katotohanang meron na itong anak. Despite that, Eli was still in awe when he saw Zara for the first time after the accident.

"Thanks God you're back," masayang sabi ni Zara.

"Your hair is red," napapantiskuhang sabi ni Eli sa anak saka tiningnan si Debbie na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Then he stared at Zara's beautiful face. "You're pretty."

"I know."

"And I like red," for the first time after the accident, Eli smiled. Kahit sabihin pang nawalan ito ng alaala, hindi naman nawala ang pagiging mabait nito lalo na sa mga bata.


"KUYA."

Binalingan siya ni Eli. Nakiusap si Eli na manatili muna sa garden. Hindi pa rin ito sanay na makita silang malalaki na.

"Yes, Esther?"

She smiled. "You always call me 'Esther'."

"Esther originated from the word 'ishtar' that means 'star' in Persian," paliwanag ni Eli. "Once, there was a jewish woman named Hadassah who lived in Persia with her people. She was chosen as the Persian king's wife and became a queen. She was renamed Esther."

Kahit walang naaalala si Eli, nananatili ang talas ng utak nito. Sigurado siyang kaya nitong bumalik sa trabaho kahit wala itong naaalala sa kasalukuyan.

"I am aware that our names have meanings."

"And Biblical," dagdag nito. "Aside from being a businessman and music enthusiast, our Dad was an aspiring theologian and was always devoted to his faith. Siya ang madalas na nagbabasa ng mga Bible stories sa amin noon ni –" natigilan nito.

"Ni Ate?"

Tumango ito. "And the rest of our siblings. It's just sad na hindi niyo siya naabutan ni S."

"But you stood as our brother and father," aniya. "Naaalala ko pa noong bata pa ako, kapag natatakot akong magpunta ng banyo, ikaw ang sumasama sa akin. Kapag nakakabasag ng mga gamit sina Kuya Elijah at S dahil sa sobrang kalikutan, pinaparusahan mo sila na maglinis ng library o 'di kaya ay ng mga kwarto natin. You were both giving and disciplined. You never forgot to tell us to love each other. Walang moments ng childhood namin ang nakaligtaan mo. Marunong ka ng mga gawaing-bahay dahil ayaw mong iasa ang lahat sa mga katulong lalo na ang pagluluto ng pagkain namin. Kahit nag-aaral ka ay nagagawa mo pa ring gawin ang responsibilidad mo bilang kuya kaya naman..." she was so overwhelmed realizing how blessed she was because she was raised by the Contreras. She was loved by her brothers.

Symphonian Curse 7: Mermaid's TearsWhere stories live. Discover now