Chapter Twelve- A Secret to Keep

1.3K 58 7
                                    

Chapter Twelve

A Secret to Keep


UMAGA na nang makauwi si Star sa bahay ng kakambal niya. Pagod siya pero mas nakakapagod na isipin na wala pa ring malay ang Kuya Eli nila. Nang umalis siya sa ospital ay nakabalik na si Zee kasama sina Debbie at Ynez.

Buong gabi siya tila naging referee nina F at Ethan. Daig pa ng bata ang mga ito. Kung anu-ano ang pinagde-debatihan. Pareho pang ayaw magpatalo sa diskusyon. Sad to say, pareho tila abugado ang tindi ng defensive style ng dalawa. Ayaw na niyang maiwan ulit sa ospital na ang mga ito ang kasama. Kamuntik na siyang maasar dahil kinulit siya ng mga ito kung saan siya galing sa nakalipas na isang linggo. Siyempre, hindi niya sinabi dahil baka ano ang isipin ng mga ito tungkol kay Aldrin.

Malaki ang kasalanan niya sa lalaki. Nalimutan niya kasi ito. Sa dami at bilis ng mga nangyari kahapon ay nalimutan na niya ang kasama.

"Good morning," bati niya kina S at Pro na mukhang siya ang hinihintay. Pansamantala niyang isinantabi kahapon ang isyu ng paglalayas niya dahil na nga sa sitwasyon at dahil nakiusap si S na huwag munang pag-usapan ang mga iyon. Ngayon ay gusto niyang mas maliwanagan. After all, someone advised her to listen to her twin-brother's explaination.

Naupo siya sa couch.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ni S. Nakaupo ito sa katapat na sofa katabi ang asawang si Pro. Sa nangyari kay Eli, wala ng saysay na magalit pa sa mga ito.

"Nagtatampo, hindi galit."

S sighed. "It's my fault. I'm sorry."

"Paano mo naging kasalanan na ampon tayo?"

"Star, mahirap ipaliwanag."

"I am patient. I will listen. Ipaliwanag mong mabuti."

Tumingin si S kay Pro. Pro gave him a signal to go on. "Walang nagsabi sa akin isa man sa mga kuya natin na ampon tayo."

"So paano mo nalaman? Nagpa-DNA test ka?" usisa niya.

"Kung magpapa-DNA test tayo, sure akong lalabas pa rin na kadugo natin sila."

"Are you telling me na kamag-anak natin sila?"

"Yes."

"Sandali, paano mo nalaman na kamag-anak natin sila kung 'di ka naman pala nag-undergo ng DNA test? Ano 'yon? Hinulaan mo?" naguguluhan niyang tanong. S looked uneasy. Pakiramdam niya ay mas malala pa sa inaasahan niya ang kanyang mga malalaman.

"Wag kang magugulat," sabi nito. Kumunot ang noo niya. S raised his right fist in front of him. When he opened his hand, red flames instantly covered his hand. She was too shocked and afraid that she stood and retreated away from him.

"What did you do?" sindak na sindak niyang sigaw. The fire vanished. Hindi nasunog ang kamay ni S. Ni walang amoy na nasusunog na laman. "Was that a magic trick?"

"It's not a magic trick, Star. It's an ability I inherited as a First Born."

"First Born?"

"Sa Symphonian Clan, karamihan sa mga panganay na anak ay may naiibang kakayahan. Isa na ako roon."

"Panganay? Panganay ka?"

"Yeah. That means hindi tayo Contreras."

"Okay, panganay ka at hindi tayo Contreras pero paano ka nakakasigurong kambal nga tayo?" nagdududa at mapait niyang tanong.

S smiled bitterly. "Wala akong proweba maliban sa pakiramdam na kapatid kita sa puso kung hindi man sa dugo gaya ng ideyang kapatid ko lahat ng Contreras."

Symphonian Curse 7: Mermaid's TearsWhere stories live. Discover now