ISMSTTD (Chapter 12)

4.9K 63 1
                                    

Chapter 12

Emerald’s POV

When I heard that dad needs to undergo operation, it’s the offer that first comes to my mind.

Hindi ko na inisip pa kung pagiging serial killer ang magiging trabaho ko.

This time, I have to be selfish to save my father’s life.

Walang lingon akong muling lumabas ng hospital. Hindi ko na rin binanggit pa kay mommy ang tungkol dito.

Dahil ayaw ko siyang mag-alala sa akin.

Saglit akong napatigil sa paglalakad. Nandito ako ngayon sa tapat ng mga sakayan ng pampasaherong jeep.

Kinuha ko ang puting tarheta ng papel mula sa bulsa ng pantalon ko. Pinagmasdan ko ito.

 

Kumunot ang noo ko makaraang mabasa ko ang pangalan ng aking hahanapin sa aking pupuntahan.

Lord Master.

 

 

 

Tss! Sino naman kaya ito? May paganyan ganyan pa siyang nalalaman. Napailing tuloy ang ulo ko.

Ha! Lord Master? Sino ba siya para tawaging lord ang sarili niya? Tsss.

Muli kong ibinalik ang papel sa bulsa ko makaraang alam ko na kung saan ako pupunta.

Pumara ako ng jeep.

It’s a good thing na puno yung nasakyan kong jeep. Hindi kasi ako makakabayad, wala akong pera. Pakapalan na ng mukha ito, magwa-123 muna ako.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now