ISMSTTD (Chapter 40)

2.2K 46 8
                                    

Chapter 40

Third Person’s POV

“What?!” iritadong tanong ni Lady Lilith sa nakatitig na si Lord Master

Imbes na sumagot, ngumisi lamang ang huli. Itinirik ni Lady Lilith ang kanyang mata at tumalikod na sa lalaki.

“Get in now Lady Lilith, we’ll be late.” Wika ni Lord Master sa nakatalikod na si Lady Lilith

“You go first. I’ll drop by to Diamond.” Tipid na sagot nito

Akala ni Lady Lilith ay naintindihan siya ng kausap niya kaya nagulat siya ng hatakin siya paharap ni Lord Master sa kanya. Dahil malakas ang pagkakahablot sa kanya, hindi sinasadyang napasubsob si Lady Lilith sa matikas at matigas na dibdib ni Lord Master.

“Oh shit!” mahinang usal ni Lady Lilith

Tila natigilan at nawala si Lady Lilith sa sarili niya nang dahil sa nangyari. Pakiramdam niya, huminto panandali ang pag galaw ng mundo niya. Hindi niya maintindihan ang sariling nararamdaman.  Tila may kumikiliti sa kanyang pakiramdam nung pagkakataong iyon.

“We can stay like this the whole night if you want too.”

Bigla namang nag-init ang pisngi ni Lady Lilith at dali daling humiwalay sa pagkakasubsob ng mukha niya sa matigas na dibdib ni Lord Master. Para syang napasong napahiwalay dito.

“U-Umalis ka na nga! Sinabi nang mauna kana dun eh!” sabi niyang hindi makatingin ng diretso kay Lord Master

Imbes na umalis, nanatili lang doon si Lord Master na nakatayo habang nakatitig parin sa nakayukong Lady Lilith. “I’ll go with you. Get in.”

Hindi makapaniwalang napa angat ng ulo si Lady Lilith at napatingin din kay Lord Master. “Weh?” ang tanging nasabi nalang ng dalaga

Hindi na sumagot pa si Lord Master, tumalikod na ito at sumakay na sa loob ng sasakyan. Naiwan namang naiinis si Lady Lilith. Hindi siya makapaniwalang nagsusungit na naman ang lalaki sa kanya.

“Tss! Bipolar talaga!” inis nitong turan

*Beep!*

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now