ISMSTTD (Chapter 14)

4.6K 59 0
                                    

Chapter 14

Emerald’s POV

Shit.

Iyan lang ang masasabi ko sa ngayon. Andromeda just hit me in my stomach and I’m here at the corner , feeling the pain.

“Umpisa pa lang ng laban! Talo na agad?”

“Ibang klase ka Andromeda!”

“Halimaw ka talaga!”

Yeah. She’s a real monster, I admit that. Tumayo ako habang hawak ko ang sikmura kong nasaktan. Tang inis, isang suntok niya lang, tumumba na agad ako.

Ngumisi ang halimaw makaraang ako’y makatayo. “At talagang ang kapal ng mukha mo para tumayo pa! Hindi pa ba sapat? Tara dito! Dadagdagan ko pa yang sakit ng katawan mo!” sabi niya

Humawak ako sa isang lubid ng ring bago tuluyang nakatayo. Kumikirot pa rin ang sikmura ko ngunit mabilis akong umilag sa suntok niyang naglalagablab sa galit.

Ang resulta, hangin ang sumalo sa napakalakas na suntok ng halimaw. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis akong kumilos papunta sa likuran niya upang undayan siya ng tadyak.

Ubod ng lakas ko siyang tinadyakan sa kanyang likod at mabilis na sinundan ng isa pang tadyak sa kanyang ulo. Bumagsak ang halimaw.

“Tanginaaaa! Ang lupet non!”

“Gago! Dyan na ko pupusta!”

“Mga tanga! Hindi basta basta matatalo ng isang baguhan ang halimaw!”

At katulad nga ng sinabi ng isang taga nood, biglang tumayo si Andromeda na parang walang nangyari. Animo’y hindi nasaktan.

“Nangingiliti ka ba? Bwahahaha!” sabi niya

“Fuck you monster! I’m not going to loose over you!” sabi ko

Nanlisik na naman ang mapula niyang mga mata at matulin akong sinugod. Sinuntok niya ako sa aking mukha at sinuntok ko rin siya. Nagpalitan kaming dalawa ng maaalab na suntok. Nalasahan ko na ang kalawang sa aking labi.

Binigyan ko siya ng isang tadyak sa kanyang sikmura dahilan upang siya’y muling tumumba. Naghiyawan muli ang mga tao sa paligid. Pinunasan ko ang nagkalat na dugo sa aking bibig at mukha.

Medyo nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa mga tama ng suntok na pinakawalan ni Andromeda. Damn that woman! She wrecked my face!

Nakasalampak parin siya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagtipa ng mabilis kay Diamond. Naiiyak ako. Alam kong pwede ko ng maging katapusan ito.

Pero habang may lakas akong natitira, lalaban ako. Wala sa isip ko ngayon ang matalo dahil sa matinding pangangailangan ko.

Pagkatapos kong magtipa ng mensahe, ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko. Just so timing coz this monster stood up, again.

“Oh? Nakiliti ka parin ba kaya ka bumagsak? Let’s end this shit. I will win this game, no matter what.”sabi ko

Pinunasan niya ang dugo niya rin sa mukha at masama akong tinignan. Goodness gracious, hindi ba nawawalan ng lakas ang isang ito?

Sumugod muli sa akin si Andromeda, nahuli ako sa pag-iwas kung kaya’t binigyan ako ng isang napakalakas na suntok sa tiyan. Tumilapon ang katawan ko sa gilid. Nanghihina na ang katawan ko. Sobrang wala na akong lakas.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now