ISMSTTD (Chapter 26)

4.1K 47 5
                                    

Chapter 26

Emerald’s POV

Nangatal ang buong katawan ko sa bombang gumagana ngayon sa harapan ko. Ito pala yung sinasabi nila na gustuhin mo mang kumilos at umpisahang tumakbo, mistulang nakadikit at na rugby kana sa kinatatayuan mo.

Hindi ko rin magawang sumigaw dahil hindi ko magawang maibuka ang bibig ko para humingi ng tulong. Nandito lang ako. Nakatayo. Nakatulala. Nanlalaki ang mga mata.

10 seconds…

Nangilid ang luha ko. Ito na ba ang katapusan ko? Will this be the ending of my life?  I cant scream. I cant move.

5 seconds…

Ipinikit ko na ang mata ko at tinanggap na ang mangyayari sa akin. Wala na akong lakas para ipagpatuloy pa itong laban. Tinatanggap ko na ang----

*blag*

Naramdaman kong yumakap sa akin ang mga bisig na matigas. Naglanding ang mukha ko sa malapad na dibdib niya. Hindi ko na kailangan pang magtanong sa sarili ko kung sino ang taong ito. Sa paraan palang ng pagkabog ng puso ko…alam na alam ko na kung sino ito.

“Damn!”

Pahiga kaming sumalampak sa malamig na semento. Pareho kaming nakahiga sa semento habang yakap yakap niya ako. Ipinababa niya ang isa niyang bisig para sumalo sa naka cast kong braso.  Nararamdaman ko ang matigas na bagay sa kanyang tiyan. Ang biyak niyon at ang init ng kanyang katawan. Ramdam na ramdam ko rin ang hininga niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Lalong naghuhumiyaw ang pagkabog ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko ito gusto.

*plok*

Kitang-kita ko ang pagsabog ng bomba. Nagsabog ng…..confetti. Napatingin ako ng marahas sa akala kong tatapos na sa buhay ko. Langhiya, na prank ako!

Nagtaas ako ng tingin. Nadako ang tingin ko sa mukha niya. Si Lord Master. Huli na dahil nakatitig na pala siya sa akin. Kumunot ang noo ko sa paraan ng kanyang panunuri at pagtingin sa akin…parang may iba.

“What happened to the strong and brave lady that I’ve known? You will just accept that stupid bomb to blow up your head?! Where’s your fucking guts now Lady  Lilith?!”

Nagbaba ako ng tingin dahil masyado akong tinamaan sa mga sinabi niya. Tama siya. Bakit bigla nalang akong naduwag ngayon? Masakit ang kanyang sinabi pero lubusan akong natauhan sa lahat ng masasakit na salitang binitawan niya.

“I know. You don’t need to say that into my face.”

Hindi ko alam pero naging emosyonal na naman ako. Napatango ako ng ulo habang nakayakap parin siya sa akin. Narinig ko ang mahabang pagbuntong hininga niya.

“You are not weak Lady Lilith. You’re just scared.”

Malamig ang tono ng boses niya pero ramdam na ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Ito na nga ba talaga ang sinasabi ni Enchant na pagbabago ni Lord Master? Unti-unti niya akong inalalayan patayo. Naglahad siya ng kamay sa akin dahil nauna siyang nakatayo. Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko.

“Just hold my hand. You are safe.”

I don’t know why pero sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Napakasarap sa pakiramdam na masabihan ka ng isang assurance na ligtas ka sa kanya. Sa isang taong mistulang bato ang puso at yelo ang pagkatao. Hahayaan ko na ang sarili ko sa pag iisip na may iba pang kahulugan ang sinabi niyang iyon sa akin. Bahala na. Tinanggap ko ang kamay niya para makatayo na ako. Taliwas sa inaasahan ko, mainit ang kanyang palad. Kasalungat sa malamig niyang aura. Ramdam ko parin ang bahagyang panghihina ng tuhod ko dahil sa insidente kanina.

I Sold Myself To The DevilWhere stories live. Discover now