Kabanata 2

3.5K 75 3
                                    

"Naku! Salamat sa Diyos at nakauwi kayo ng maayos." salubong saamin ni Mama nang makarating sa bahay. Nagmano ako sa kanya.

"Paano naman kasi at bumuhos ang malakas na ulan, Mayet. 'Yan tuloy at ginabi kami." anas naman ni Papa.

"Mabuti at nagtext itong si Lena, kanina pa ako nag-aalala." hinagod ko ang likuran ni Mama ng nagsimula siyang magpanic. Pati si Papa ay pinakalma siya. Sa sobrang pag-aalala ay baka atakihin nanaman siya ng sakit niya.

"Mayet, umupo ka muna. Ayos kami ng anak mo. Wala ka ng dapat pang ipag-alala." umupo naman si Mama. Inabutan ko siya ng tubig na mabilis naman niyang inubos.

"Ma… baka atakihin ka."

Unti unti ay bumagal na ang paghinga ni Mama. Nakahinga ako ng maluwag. Kapag inatake siya ay hindi namin siya kaagad madadala sa ospital ngayong napakalakas ang ulan na parang mabubutas na ang yero namin sa bawat patak ng ulan.

"Ay siya ng pala at may kasama kami. Halika dito, iho." tumabi ako, pumwesto ako sa likuran ni Mama at Papa.

Tinignan ko ang estrangherong nadaanan sa bundok. Salamat naman at may pantaas na siya. Ang buhok niya ay gulo-gulo parin. Hindi lang man niya inabalang ayusin ito. Nang dumako saakin ang tingin niya ay tumikhim ako.

"Magandang gabi po." magiliw niyang bati. Tumayo si Mama at sinuri siya.

"Magandang gabi rin, iho. Anong pangalan mo?"

"Abraham Elliu Nolasco Ortega." nagkatinginan si Mama at Papa.

Ako naman ay umiwas ng tingin ng muli niya akong tinignan. Pinigilan ko ang pagtawa ng marinig ang pangalan niya. Hindi naman pangit pangalan niya. Sa katunayan ay ang ganda nga! Ang Abraham ay galing sa bibliya, siguro ay maka diyos siya. Nakakatawa lang talaga at kinompleto niya talaga.

"Nadaanan namin siya ni Lena sa bundok. Nasiraan ng sasakyan, eh sara na halos lahat ng marerentahang tulugan sa nadaanang bayan kaya isinama ko muna siya." napatango si Mama.

"Ganoon ba. Walang problema saakin, Julio. Lena,"

"Po?" hinarap ako ni Mama.

"Samahan mo ang bisita sa banyo at makapagbihis. Basang basa siya. Ikaw rin ay mag bihis at baka mag kasakit ka pa." tumango lang ako. Muli niyang hinarap si Abraham.

"Sumama ka muna sa kanya, iho at ihahanda ko ang tulugan mo."

"Sige po. Salamat." tumango si Mama at dumiretso sa kusina. Sumunod si Papa sa kanya. Kami na lang ang naiwan dito sa sala.

Nasa balikat niya ang maliit na bag. Ginala niya ang paningin sa bahay. Maliit lang naman kasi ang bahay namin. Gawa sa kawayan, ang kalahati nito ay gawa sa semento. May tatlo kaming kwarto. Isa kay Papa at Mama, isa saakin at 'yong isa naman ay pinasadya talaga para sa mga bisita.

Kumunot ang noo ko ng kumunot din ang noo niya. Saan kaya nanggaling ang isang 'to at anong sadya niya dito saamin?

"Saan ang banyo?" halos tumalon ako sa gulat ng mag salita siya. Ang lalim ng boses niya!

"Ah, do-doon! Sumunod ka na lang saakin." tinalikuran ko na siya.

Ramdam ko naman ang bawat yabag niya sa likuran ko. Kinagat ko ang ibabang labi at huminga ng malalim. Bakit kaya ganoon ang boses niya? Parang galit pero mukhang hindi naman. Iyon nga lang at seryoso ang mukha niya. Parang problemado.

"Dito ang banyo. May sabon at shampoo diyan kung maliligo ka. Diyan ka narin magpalit kapag natapos kana. Baka hindi pa ayos ang tulugan mo." binuksan ko ang pintuan ng banyo.

I'd Rather Where stories live. Discover now