Kabanata 21

2.6K 69 1
                                    

SPG

"Where have you been? Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Bihis na bihis ka ngayon." agarang tanong ni Abraham ng humiwalay ako.

"Galing akong barangay, fiesta kasi at may sayawan kaya nag ayos ako." sagot ko ng nakangiti.

Nagningning ang mata kong sinuri ang kabuuan niya. Ayoko namang ipakitang tuwang tuwa ako sa pagbalik niya ngunit hindi ko maiwasan! Tatlong araw din siyang nawala at sa pagbalik niya ay kakaiba na ang awra niya.

Kay payapa at saya ng mukha niya at bagets na bagets ang dating niya ngayon. Naka sando siya ng puti na halos bumakat na ang nipple niya at hubog ng katawan niya. Pinatungan niya iyon ng maong na jacket. Kupas na pantalon at naka boots siya ng itim.

Nakakapanibago dahil noong nandito siya ay lagi siyang naka t-shirt. Minsan naman ay pinapahiram siya ni Papa ng damit na pang bukid. Iyong kulay puti na may dalawang butones.

Ngayon, halos malaglag ang panga ko sa itsura niya. Mas lumakas ang dating niya at mas gumwapo. Wow.

"Something's wrong?" kinunutan niya ako ng noo at sumandal sa dingding. Umiling ako.

"Wala naman. Nagulat lang ako at nandito ka na."

"Sinabi ko namang babalikan kita, Magdalene." sumimangot ako. Nagtatampo parin ako sa hindi niya pagtetext saakin.

"Ang alam ko kasi hindi na. Naghintay kasi ako sa text mo pero wala akong natanggap. Nakaka…" tumigil ako. Pakiramdam ko ay ang demanding ko na masyado.

Hindi ko naman siya kasintahan. Hindi niya rin ako liniligawan. Attracted kami sa isa't-isa. Iyon lang. Nagiging clingy na yata ako.

"Nakaka?" sinilip ko ang mukha niya. Mapaglaro ang ngiti niya. Mas lalo lang akong sumimangot.

"Nakakatampo." yumuko ako. Damang dama ko ang pag-iinitan ng pisngi ko ng tumawa siya ng mahina.

"Halika nga dito."

Ako naman ang nagpigil ng ngiti ng hilain niya ako papasok sa kwarto ko. Linock niya ang pinto at umupo sa papag. Tinapik niya ang tabi niya. Umupo ako doon ng hindi makatingin sa kanya.

"You really waited on me?"

"Oo… sabi mo kasi."

"Paano kapag hindi ako bumalik? Maghihintay ka parin?" natigilan ako at hindi agarang nakasagot. Bumuntong hininga siya at hinaplos ang tuhod ko. Napasinghap ako sa ginawa niya.

"Pasensya ka na kung hindi kita natawagan. Naging busy ako sa trabaho at lumuwas ako ng Manila kahapon. Dumiretso ako dito pagkarating sa bahay." tumingin ako sa kanya.

Mukha nga siyang pagod dahil pumupungay ang mata niya. Parang konti na lang ay babagsak  na ang mata niya.

"Ganoon ba? Nag alala kasi ako."

"Talaga?" nginisian niya ako.

"Oo… baka kasi tumirik nanaman sasakyan mo." umiwas ako.

Hindi ko magawang tumingin ng maayos sa kanga. May kung ano kasi akong nakikita sa maganda niyang mata. At ang haplos niya sa tuhod ko na ngayon ay nasa hita ko na. Parang nabubuhay ang bawat ugat sa katawan  ko at nagasitindigan ang mga balahibo ko.

"Magdalene," bulong niya.

"Hmm?" tumingin ako sa kanya.

Hindi ko inasahan na sobrang lapit na niya pala saakin kaya naman nagtama ang ilong namin. Akmang lalayo ako ng higitin niya ang batok ko at bigla na lang akong siniil ng halik. Nanlaki ang mata ko ng mabilis na gumalaw ang labi niya.

I'd Rather Where stories live. Discover now