Kabanata 37

2.6K 57 2
                                    

Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakababad dito sa banyo. Kanina pa ako tapos maligo ngunit ayaw kong lumabas. Pinipinal ko ang isipan ko. Hindi ko alam kung paano kukumbinsihin si Abraham na umuwi.

Nanatili pa siya dito sa boarding ng dalawang araw. Friday na ngayon at kailangan kong umuwi ng probinsiya mamayang hapon. Nangangamba ako dahil baka hindi ko siya mapilit na umuwi. Nangako ako sa mga magulang na uuwi ako ngayon. Ayoko namang sabihin kay Abraham na luluwas ako dahil baka sumama pa siya o kaya ay ipilit ang gusto na ihatid ako.

Bumuntong hininga ako at isinabit ang tuwalya sa sampayan. Ng lumabas ay naabutan ko sila ni Mang Daryo na nag uusap sa labas. Umupo ako sa kama at sinuklay ang buhok ko. Bumalik na ang unat kong buhok ngunit nandoon parin iyong kulay.

"What? Paanong napeste ang mga mangga? I-eexport pa 'yon sa Singapore." si Abraham.

"Eh Sir naubusan kasi ng insecticide.  Hindi naka order si Ma'am Hilary dahil nagkasakit ang anak niya nitong nakaraang araw."

"How about her husband? Ang dami nila sa plantasyon!"

"Umuwi ng probinsya nila. Nag away sila ni Ma'am."

"What? He left without me knowing!" napatayo ako ng sumigaw si Abraham. Sumunod ako sa kanila sa labas. Nanatiling nakatalikod si Abraham.

"Si Dad, kailan siya uuwi?"

"Sabi po niya ay next week. Busy daw siya sa Maynila dahil kinukumbinsi siya ng bagong presidente na maging miyembro ng gabinete niya."

"What! Eh bakit hindi niya sinabi saakin? Fuck." napatalon ako sa gulat ng tadyakan niya ang basurahan. Mabilis niya akong liningon.

"Love…" ngumiti ako ng hilaw.

"Uh… gusto niyong pumasok muna?" nanginginig ang labi kong sabi.

"No it's okay. Papaalis narin si Mang Daryo. You done with your module?" tumango ako.

"Okay. Pasok ka muna." anas niya at saka ako tinalikuran. Nginitian ako ng malungkot ni Mang Daryo.

Bumalik ako sa kama  at pinagpatuloy ang pagsusuklay. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit ang daming problema sa business nila. Kung sana wala siya dito at nasa trabaho ang pokus niya.

These past few days ay palaging puyat si Abraham. Lagi siyang may inaasikaso sa laptop niya. Tinanong ko siya kung anong ginagawa at kung may maitutulong pero lagi niya lang iniiba ang usapan.

"Abraham, tulungan kita gusto mo?" tanong ko.

"Thanks but you have to focus on your studies."

"Tapos na ako. Tapos ko na 'yong binigay nila Jules." bumuntong hininga siya at inabot ang telepono.

"Nabobored ka lang, e." tumawa siya ngunit nanatili akong seryoso. "Gamitin mo muna 'yan. Browse the internet, check my accounts. I need to finish this, Magdalene."

Pinaglaruan ko ang Iphone niya. Binuksan ko ang IG account niya. Wala pa siyang bagong post. Nagkalkal na lang ako ng mga images ngunit puro mukha ni Hilary ang nandoon at isa pang babae. Tinanong ko siya kung sino 'yon, ang sabi niya ay Salve daw at kapatid niya.

Noong isang araw ay dinalaw ako nila Jules at Justine. Binigay nila saakin ang mga photo copy ng bago naming lesson. Kailangan ko pa itong aralin dahil may exam kami next week sa subject na ito.

"Ilang araw ba mananatili 'yang boyfriend mo dito?" anas ni Jules.

"Hindi ko alam, Jules."

"Mabuti at pinayagan ng landlady na dumito muna." si Justine.

I'd Rather Where stories live. Discover now