Kabanata 4

2.9K 68 1
                                    

"Hi!" mula sa malalim na pag-iisip ay ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Jonas. Malawak ang ngiti niyang umupo sa tabi ko.

"J-Jonas? Akala ko ba uuwi ka ngayon?" kinakabahan kong tanong.

Nag papanic kong pinunasan ang namuong pawis sa noo ko. Linagay ko ang laylayan ng buhok ko sa balikat at linigpit ang gamit ko. Katatapos lang ng P.E. namin! Sigurado at ang haggard haggard ko na ngayon.

"Mamayang gabi pa ako babalik sa Manila."

"Ah ganoon ba." umiwas ako ng tingin at pinagsiklop ang daliri ko.

Ilang taon na ang nakakaraan pero nagagawa parin niyang palambutin at pagharumentaduin ang katawan ko. Ilang taon man ang lumipas ay nandoon parin ang epekto saakin ni Jonas. Pilitin ko mang pigilan at ikubli ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko magawa.

Napakaunfair diba? Heto ako at umaasa na maibabalik parin ang dati. Hindi siya nangakong babalikan ako pero heto ako at naghihintay parin. Ni hindi ko nga alam kung may nararamdaman parin siya saakin.

Dahil kung meron man ay hindi siya manliligaw sa iba. Ipakilala saakin ang naging kasintahan niya at dalhin dito sa lugar namin. Ang tagal ko na ngang naghihintay sa kanya, eh. At hindi ko alam kung may mahihintay pa ako.

"Tapos na klase ninyo?" tumango ako.

"Oo. Nagpapahinga lang ako bago umuwi." ngumiti ako ng pilit at muling umiwas ng tingin.

Ayokong mabasa niya ang nasa mata at isipan ko. Ayaw kong malaman niyang mahal ko parin siya dahil sa huli ay ako lang ang magiging talunan.

"Ihatid na kita?" umiling ako.

"Huwag na, Jonas! Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Please? Bago ako umuwi ay may gusto pa sana akong sabihin sa'yo." nagsimula akong kabahan.

"Anong sasabihin mo?"

"Tungkol sa nararamdaman ko sa'yo." napasinghap ako. Parang hihimatayin na yata ako sa bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Jonas, wala ka namang dapat na sabihin pa. May girlfriend kana… sapat na ang bagay na 'yon para malaman ko ang nararamdaman mo saakin." Tinagilid ko ang mukha at pinigilan ang pagtulo ng luha ko.

Kung pumunta man siya dito para ipamukha saaking hindi na niya ako mahal ay mas mabuti siguro kong iwan na lang niya ako.

"Nag hiwalay na kami ni Natalia, matagal na, Lena. Bago pa ako bumalik noon sa Manila ay wala na kami." napaawang ang labi ko at mabilis na tumingin sa kanya.

"Hindi porke't nag ka girlfriend na ako ng iba ibig sabihin ay minahal ko na sila. Lena, ikaw ang una kong minahal. At sabi nga nila ay First love never die… naniniwala ako sa kasabihang 'yan dahil hanggang ngayon ay mahal parin kita." kinuha niya ang kamay ko at dinala sa labi niya. Sa sobrang gulat at hinablot ko ang kamay at lumayo sa kanya.

Ano itong sinasabi niya? Matapos ang ilang taon ay ngayon niya lang ito sasabihin?

"Jonas…"

"Sinunod ko ang sinabi ni Papa. Ang lumayo muna, sa isip nila ay dulot lamang ng kapusukan ang nararamdaman ko sa'yo. Sabi nila teenage hormone lang daw iyon at natural lang. Pero sabi ko hindi at totoo kitang mahal. Dahil kung dala lang iyon ng pagiging teenager ay sana hindi na kita mahal ngayon, Lena." tumulo ang butil ng luha sa pisngi ko.

"Lumuwas ako ng Manila at nangako ako sa sarili kong… kapag may napatunayan na ako sa sarili ay babalikan kita. Babalikan ko ang babaeng una at huli kong mamahalin. Lena, I'm sorry dahil ngayon ko lang ito nasabi sa'yo. Baka kasi ipagtabuyan mo ako. Natatakot ako na baka hindi mo na ako mahal. Ngayon handa na akong harapin si Aling Mayet at sabihin sa kanya ang mga plano ko."

I'd Rather Where stories live. Discover now