Chapter 1

14 1 0
                                    


Chapter 1

Zia POV

*Phone Ringing*

Urgh! kay aga-aga sino na naman bang nilalang 'to?

*Zion Gwapo Calling...*

Shocks! si Zion pala.

*Accept*

"Good morning Ms. Beautiful!" sabay bungad sa'kin ng gwapo kong boyfriend sa telepono.

"Good morning din po Mr. Hunk."

"Eto naman maliit na bagay."

"Kaapaal ng mukha, gumanti lang din naman ako baka sabihin mong unfair ako masyado sa'yo."

"Ilooveyooou Ms. Ganda" nakapaseryoso naman netong lalaking 'to. Ano kayang nakain niya?

"Mahal na mahal din kita."

"Totoo? Ako lang?"

"Oo naman alam mo naman 'yun diba? Tsaka kailan mo narinig na nanglalaki ako aber? kaya ayokong may mga babaeng umaaligid sayo. Alam mo namang may tiwala ako sayo pero sa babaeng nasa paligid mo wala."

"Alam ko naman 'yun kahit naman wala ako sa tabi mo alam mo naman na ikaw lang ang babaeng mahal ko diba?"

"Narinig ko na naman 'yan, tapos ilang buwan lang may maririnig na naman akong girlfriend mo?"

"Eto naman nagbago na nga 'yung tao."

"Okay na po, magdadrama ka na naman pag hindi ako naniwala sayo."

"Mahal mo lang talaga ako kaya ka ganyan sakin."

"Kapal neto, suntukin ko yang pagmumuka mo pag nakita kita."

"Haha! Iloveyou Barney."

"Wow! kailan pa naging Barney ang pangalan ko aber?"

"Ngayon! narinig mo nga diba?"

"Tse! Ihateyou, kumag ka kung ano na naman tinatawag mo sa'kin kung Barney ako edi si Sherk ka."

"Whatever Barney!"

"Shrek! Ew ang pangit"

"Barney!"

"Urgh! ayoko na! nakakapikon ka na talaga."

"Iloveyou Barney pikon, maligo ka na ang bahu-baho mo na sige na bilisan mo at magkikita pa tayo mamaya. Magpaganda ka ha? may ipapakilala ako sa'yo mamaya."

"Nagsalita naman 'yung ilang linggo ng hindi naliligo? Nahiya tuloy bigla 'yung mga kambing sa'yo."

"Walang personalan Barney."

"Haha gotcha! Loser!"

"Sige na maligo ka na, kung di lang kita mahal"

"Bye Shrek! Iloveyou Happy Anniversary"

"Happy Anniversary ayokong magdrama alam mo na naman na mahal na mahal kita. Siya nga pala magdala ka ng extra shirt mo, bra at panty na din."

"Huh? Para saan? hoy! gago ka!"

"Magswi-swimming po kasi tayo, tsaka 3 araw tayo sa Batangas etong babaeng 'to kung anu-ano iniisip mo. Huwag mong sabihin na side A side B ang gagawin mo sa panty at bra mo. Yucks naman!"

"Uh! sabi ko nga. Haha sorry naman."

"Maligo ka na, tatawag ako maya-maya susunduin kita dyan."

"Okay bye!"

*Call ended*

Hays! araw-araw na lang, wala talagang ibang magawa 'tong si Zion kundi mang bwesit. Time flies so fast 4 years na pala kami today. Wala pa rin akong alam bakit bigla siyang nagyaya na mag out-of-town kami ng barkada. Hays! basta I will just enjoy the day. Tapos!

Habang naghahanda ako ng mga gamit na dadalhin ko, naalala ko bigla lahat ng nangyari sa naging relationship namin sa loob ng apat na taon. Hindi man naging kasing perfect ng story ni Cinderella pero atleast may sarili akong fairy tale na maikwekwento ko sa mga magiging anak ko.

Hays! ano ba 'tong pinag-iisip ko! Makaligo na nga lang.  


The Promise RingOnde histórias criam vida. Descubra agora