Chapter 5

6 1 0
                                    

Chapter 5

ZIA POV

Masaya kaming nakarating ng Batangas, medyo distansya din pala 'yung resort nila Zion galing sa sentro.  

"Welcome to Aquatic Beach Resort Sir" bati kay Zion nung nasa may front gate.

Unang pumasok si Zion nagpahangin na muna ako sa labas. Grabe ang laki ng pinagbago ng Resort ang galing naman ni Dada.

"Lika na Mi!" sabay hablot niya sa kamay ko papasok ng resort.

"Welcome to Aquatic Beach Resort Ma'am enjoy your stay!" bati sa'kin ng staff nila.

"Jee? nakarating na ba sila Dale?" tanong ni Zion sa staff niya.

"Hindi pa po sila dumarating Sir."

"Ah okay kapag dumating sila pakisabi nasa huling rest house lang kami ni Zia." 

"Okay po Sir."

"Thank you."

Pagkatapos makipag-usap ni Zion kay doon sa Jee hinawakan niya 'yung kamay ko tapos sabay kumindat sa staff niya.

"Nakita ko 'yun!" sabay kurot ko kay Zion.

"Aray naman! Huwag mong sabihin na nagseselos ka kay Jee?" sabay kiliti niya sa gilid ko.

"Tse! tumahimik ka nga humanda ka mamaya."

"Ahy? ang taray ng prinsesa ko? Haha" 

"Ma'am? ang swerte niyo po dyan kay Sir tsaka huwag na po kayong magalit talagang ganoon lang po talaga 'yan siya. May hinihinge po kasi 'yang pabor saming lahat kaya ang bait-bait." paliwanag ni Jee.

"Kaya naman pala!" sabay kiliti ko sa kanang tagiliran niya.

"Haha nakikiliti ako dyan. Haha Mimi!"

"Ano ka ngayon huh?"

"Halika na nga! ang hyper mo na naman, ikaw'ng bata ka magpahinga ka muna may pupuntahan pa tayo mamaya."

Hinila niya na ako papuntang cottage. Sino kaya mas hyper saming dalawa?

"Dada pwede hinay-hinay naman po sa pagtakbo? Alam mo namang may sakit ako diba?"

"Mi? sorry nakalimutan ko po."

"Sabi ko na nga ba."

"Mi sorry."

"Okay lang ano pa nga bang magagawa ng sorry mo eh nasa tapat na naman tayo ng rest house ."

"Ah water? gusto mo? ipagkukuha kita."

"Magpapahinga na lang ako dito sa labas, maya-maya mawawala din naman 'to."

"Sure ka?" pangungulit niyang tanong sa'kin.

"Opo your highness."

"Sabi mo 'yan huh? sige papasok na muna ako ipagluluto kita ng meryende tapos dalhan nalang natin si Lola sa bahay okay?"

"Okay po, pepperoni pizza 'yung akin Da."

"Alam ko na po."

"Iloveyou Dada, papasok na lang po ako mamaya huh?"

"Opo, pakitingin-tingin na rin sila Dale baka dumating na rin sila. Papasok na ako huh?"

"Wait! 'yung mga gamit natin diba nasa kotse?"

"Pinakuha ko na sa security papunta na rin 'yun dito relax ka lang."

"Sige na magluto ka na dapat 'yung masarap huh?"

"Kiss mo muna ako."

"Eto na po! kung hindi lang kita mahal at kung wala lang pepperoni pizza! Haha"

Lumapit na lang ako sa kanya. Kung hindi lang talaga ako gutom.

*Mwaah! Mwaah! Mwaah!*

"Yes!" biglang sigaw niya tapos humalik sa noo ko.

"Psst! manahimik ka nga! Ang lakas ng boses mo!"

"Haha akin 'tong resort na 'to kaya kung ano mang gawin ko wala na sila doon."

"Yes boss!"

Kinindatan niya lang ako tapos dumeretso na siya sa kusina. Sa lahat ng rest house alam kong ito ang pinaka-abnormal. Hamakin mo kasing laki ng bahay namin sa Bicol hanep sa gamit kompleto.

Matawagan na nga lang si Mommy baka nag-aalala na 'yung matanda sa'kin.

*Ringing*

*Answered*

"Hello Mommy?"

"Zia? ano kamusta ang byahe niyo? Nasa Batangas na ba kayo ni Zion?"

"Yes po tsaka okay lang ang byahe hindi ko masyadong na'enjoy kasi buong trip akong tulog kaya olats! Haha"

"Ang boring naman ni Zion kung ganoon."

"Haha wala siyang magagawa eh sa gusto ko talagang matulog."

"Ikaw talaga Zia kelan ka kaya magmamature ano?

"Mommy naman!"

"Totoo naman. Hays! baby ka pa talaga anak."

"Baby damulag?"

"Haha ikaw lang may sabi niyan hindi ako."

"Nga pala mommy, super ganda na nung Resort you must go here for vacation tayong tatlo ni Dad."

"Really? Sige try to convince your Daddy 'pag uwi niya okay?"

"Okay mom!"

"Sige na enjoy your vacation Sweetie! basta update mo si Mommy sa mga nangyayari okay?"

"Yes momcy."

"Mag-iingat kayo. Iloveyou anak"

"Iloveyoumore Mom. Mag-iingat ka din dyan si baby Max ko huh? huwag mong pababayaan."

"Si yaya Rosa na ang bahala sa alaga mo okay?"

"Good! sige na bye Mom! see you soonest!"

"Bye!"

*Call ended*

The Promise RingWhere stories live. Discover now