Chapter 6

2 1 0
                                    

Chapter 6


ZIA POV

"Here's your order ma'am" sabay sabi ni Zion na papalapit samin nila Sarah.

"Wow! nangangalimuyak 'yung bango ng pizza! hanep ka talaga pre." singit ni Joshua na biglang pumasok ng rest house.

"Hoy! umayos ka Josh hindi 'yan sa'yo kay Zia 'yan." pagmamayabang ni Zion.

"Ahy grabe si Zia lang talaga meron niyan? Ang unfair naman yata." sabay sigaw ni Dale na kalalabas lang ng banyo.

"Mga ulol! hindi lang makapag hintay? Nasa kitchen pa kasi 'yung inyo kaya pwede huwag masyadong mareklamo?" sagot ni Zion sa kanila.

"Ah! 'yun naman pala Josh, meron naman tayong share nasa kusina lang." pabirong sabi ni Dale habang naglalakad palapit kay Joshua.

"Oh? ano pang tinutunganga niyo dyan? kunin niyo na 'yung pizza kung gusto niyong kumain. Huwag kayong mag donya-donyahan dito self service ang lahat dito maliban lang sa girlfriend ko." patawang sabi ni Zion sa mga barkada niya.

"Dada talaga." sabat ko sa kanila.

"Haha hindi po nila kasi ako katulong no? tsaka ikaw nga lang naman talaga 'yung paglulutuan ko eh naisip kong dadating sila baka wala kang makain. Napaka generous mo pa naman."

"Hindi maganda 'yung madamot. Sabi nga diba? The more you give, the more you receive tsaka hindi ko naman mauubos 'to."

"Kahit na, ayokong may kahati ka sa lahat ng bagay." hirit ni Zion sabay kindat sa'kin.

"Tse! kumain ka na gutom lang 'yan." 

Pagkatapos naming magmeryenda umalis silang lahat kami na lang ni Zion ang naiwan sa rest house.

"Da? may sariling rest house ba sila?" 

"Wala po bakit mo naitanong? may balak ka sa'kin mamayang gabi ano?"

"Huy! maghunos-dili ka nga Zion! nagtatanong lang 'yung tao. Isa pa talaga Mr. Fuentes malilintikan ka na talaga sa'kin."

"Di lang mabiro? Haha. Wala silang rest house kasi naisip ko kasya naman tayo kasi ang laki ng rest house na 'to may 5 kwarto. Pinasadya ko talaga 'tong gawin kasi alam kong mangyayari talagang magsama-sama tayong lahat kaya pinalakihan ko na talaga." 

"Eh kung ganoon saan papunta 'yung mga kumag na 'yun? Hindi nga man lang nagpaalam bigla na lang nagsilayas."

"Baka mag-iikot lang sa resort."

"Sabagay!"

"Magpahinga ka muna dito may aasikasuhin lang muna ako sa bahay." 

"Sama na ako gusto kong makita si Lola."

"Mamaya na lang okay? may kukunin lang ako tapos babalik din ako kaagad."

"Sige na nga mamaya na lang ako bibisita kay Lola."

"Mag ipon ka muna ng energy mo baka hindi mo kayanin 'yung pupuntahan natin mamaya."

"Talagang nacu-curious na talaga ako dyan sa surprise mo huh? Siguraduhin mong magugustuhan ko talaga 'yan at kung hindi malilintikan ka talaga."

"Natakot naman ako sa sinabi mo. Haha"

"Tse! sige na matutulog na muna ako sa kwarto. Pakigising na lang ako kung may kailangan ka okay?"

"Yes Ms. Ferrer masusunod po."

Hindi na ako nagpumilit pang sumama sa bahay nila Zion baka naman kasi natutulog pa 'yun si Lola. Ano nga ba kasi 'yung surprise na sinasabi niya? Maliban sa pagkahilig ko sa mga bag ano pa kayang surprise 'yung sinasabi niya?

Pumasok na ako ng kwarto.

*Shock*

Oh no! Ang daming ballons sa room tapos ang daming pictures namin sa wall. May biglang nag play na music tapos napatingin ako sa bandang kanan malapit sa dresser may white screen tapos nakaslide show lahat ng pictures namin together pati 'yung mga epic na video namin sa bahay.

Di ko namamalayang tumutulo na 'yung luha ko sa sobrang saya. Hindi ko inakala na meron siyang mga pakulo ngayon akala ko lang talaga mamasyal lang kami kasi 'yun lang naman 'yung usual na ginawa namin kapag may mga special occasion.

Para na akong timang dito sa kwarto ang lakas ng tawa ko habang pinapanood 'yung video namin tapos 'yung luha patuloy na nagsisilabasan. Hindi ko maintindihan 'yung saktong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ang saya-saya ko talaga kaya wala sa mga iniisip ko  na kaya niyang gawin 'tong mga bagay na 'to.

Habang pinagmamasdan ko lahat ng mga pictures namin sa may wall biglang may yumakap sa'kin galing sa likuran ko.

"Nagustuhan mo ba?" bulong-bulong ni Zion habang nakayakap sa'kin.

Nagpunas na muna ako ng luha ko bago ko siya niharap. Pagharap ko nakita ko silang lahat pati si Lola na nasa pintuan na naka wheel chair.

Mas lalo akong naiyak hindi ko na alam kung paano ako magre-react sa lahat ng nakita ko. So meaning to say alam nilang lahat talaga ang plano ni Zion pati si Lola.

"Mi? ayaw mo ba? ang pangit ba?" sabay abot sa'kin ng isang bouquet ng puting rosas. 

"No-op-e sa katunayan nga hindi ko maipaliwanag 'yung saya na nararamdaman ko." nauutal kong sagot kay Zion.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit tsaka bumulong ng "I love you Mr. Fuentes."

"Hindi ko marinig ano sinabi mo?"

"I loooove yoooou! ano narinig mo na ba?" to the highest level na 'yung sigaw ko bahala na si batman sa ginawa ko.

"I love you more than anything Mimi. I know I'm not a perfect boy friend but I want you to know that I'll do anything to make you happy to be the best one for you."

Mas lalo pa akong naiyak sa sinabi niya. Alam kong hindi siya perfect, may mga nagawa siyang kasalanan noon pero pinatunayan niya sa'kin na tama ang ginawa kong pagpapatawad sa kanya.

"Thank you. I'm so speechless at this very moment all I can say is Thank you and Iloveyou beyond words Dada."

Sumisikip na 'yung dibdib ko, nahihirapan na akong huminga kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit na mahigpit. Alam kong masama para sa isang katulad ko ang maging masayang-masaya pero minsan lang mangyari sa buhay ko ang mga pagkakataong ito. Ayoko namang sirain 'yung lahat ng pinaghandaan nila ng ilang linggo. 

Narinig kong naghihiyawan silang lahat tapos may biglang pumutok akala ko kung ano na confete lang pala. Maya-maya biglang nag change 'yung music.

{Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago  ...}

"Ssh! 'wag ka ng umiyak akala ko ba masaya ka bakit ka umiiyak?" sabay tanong ni Zion habang akap-akap ako sa bewang.

{Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko ..}

"Bakit lahat ba ng tumatawa masaya?"

"Eto na naman si Ms. Pilosopa."

"Tears of Joy lang po." 

{Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin ooooooh
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko...}

"Parang ayoko na tuloy matapos 'tong araw na 'to." bulong ko kay Zion.

"Huwag ka mag-alala, sisikapin kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo. Gusto kong suklian lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ginawa mo para lang maitaguyod 'tong relasyong 'to."

"Kahit hindi mo na gawin ramdam na ramdam ko naman 'yung pagmamahal mo. Alam mong hindi ako materialistic na pagkatao 'yung maramdaman ko lang na mahal mo ako sapat na 'yun."

"Kaya kita mahal na mahal kasi ibang-iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Thank you for giving me another chance to love you again."

"Mahal na Mahal ng Mahal kita Dada."

Wala na akong ibang natandaan matapos noon maliban sa paghalik niya sa mga labi ko ng malumanay.

"Mas Mahal na Mahal ng Mahal kita Mimi." bulong ni Zion sabay dampi ulit ng mga labi namin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Promise RingWhere stories live. Discover now