Chapter 2

8 1 0
                                    

Chapter 2

ZIA POV

Habang nag uumagahan kami ni Mommy, bigla siyang tumingin at ngumiti sa'kin.

"Hey! anong nginingiti-ngiti mo huh?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Diba anniversary niyo ngayon?"

"Opo" sagot ko sa kanya. Napakashowbiz talaga netong si mommy.

"I'm happy for both of you, kasi nga diba? After all the challenges na pinagdaanan niyo kayo pa rin and despite of everything happened for the past few years naging matatag kayo para sa isa't-isa."

"Si Mommy talaga napakadrama akala ko tuloy kung ano."

"Masaya lang ako para sa'yo. Alam mo naman na ayokong nakikita kang malungkot. Nag-iisa ka lang kaya wala akong ibang iniisip kung hindi ikaw lang at ang Daddy mo."

"Iloveyou Mom, tama na 'yung drama baka kung saan pa 'to mapunta. Siya nga pala kailan po ang dating ni Daddy?"

"Sa susunod na linggo pa, bakit mo nga pala naitanong?"

"Masyado ko lang pong na miss 'yung pinaka gwapong tatay sa buong mundo."

"May hinihinge ka na naman sa Dad mo kaya ka nagkakaganyan ano?"

"Haha no comment."

"Kilala na kita Zia."

"Nga pala Mom, baka hindi  ako makauwi mamaya may outing kami nila Zion together with his friends sa Batangas. I think 3 days kami doon sa resort nila Zion."

"Nasan si Zion? susunduin ka ba niya?"

"Opo on the way na nga po 'yun baka maya-maya nandyan na po 'yun."

*beep beep*

Okay speaking of the dev*l nandyan na nga.

"Oh! I think it's Zion."

"Sino pa nga ba Mom? si Zion lang naman magsusundo sa'kin."

"Ipababa mo na kay yaya Rosa lahat ng gamit na dadalhin mo."

"Pakitawag na lang po si yaya mommy, lalabasin ko po muna si Zion nasa pintuan lang 'yung mga gamit na dadalhin ko."

"Oh sige, nasaan nga pala si yaya?"

"Baka nasa may kusina po kasi doon ko po siya nakita kanina."

"Yaya Rosa!? pakibaba po 'yung mga gamit ni Zia nasa kwarto niya 'yung nasa may malapit sa door." 

"Opo ma'am Liza."

Nakita kong bumaba galing ng kotse si Zion. Habang papalapit siya sa main door parang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit basta alam ko nakita ko ulit ang pinaka gwapong lalaki sunod sa tatay ko.

"Aba! at talagang nakaporma ka tsong ah! Ano 'to aattend tayo ng binyag?"

"Psst! Zia!" sita ni Mommy sakin habang papalapit kay Zion.

"Hi po tita Liz." bati ni Zion kay Mommy sabay beso.

"Hello hijo, it's nice to see you again. How are you?"

"I'm good tita, how about you po? Nasan nga po pala si tito?"

"I'm also good hijo, ang tito mo nasa U.S pa siya may conference kasi sila doon. Halika upo ka muna alam kong napagod ka sa byahe, magpahinga ka muna."

"Thank you po tita pero hindi na rin po kami magtatagal kasi naghihintay na po kasi 'yung ibang barkada namin sa may Starbucks hindi na kasi sila sumama pa dito kaya huminto na lang po sila doon para magkape."

"Ah? ganoon ba? Sige hijo mag-iingat kayo doon. Alagaan mo si Zia, huwag na huwag mo siyang pababayaan kung hindi lagot ka samin tandaan mo 'yan."

"Mommy?! we're not kids okay? so calm down."

"I know anak pero hindi mo maaalis sa'kin 'yun."

"Opo tita ako na pong bahala kay Zia. Alam niyo naman pong mahal na mahal ko si Zia at hindi ko hahayaang may mangyaring masama po sa kanya."

"Hoy! tumigil nga kayong dalawa akala niyo naman may masamang mangyayari sa'kin."

"Anak mag-iingat kayo doon huh? Tumawag ka kagad sa'kin kapag nakarating na kayo. Zion? maasahan ba kita sa anak ko?"

"Opo tita, ako na pong bahala."

"Uh siya! kung nagmamadali din naman pala kayo sige na bumyahe na kayo para kahit papaano maaga kayong makarating ng Batangas."

"Bye Mom!" sabay beso kay Mommy naiiyak tuloy ako sa pinagsasabi niya napakadrama talaga kahit kailan.

"Bye! oh paano Zion huh? ang anak ko?"

"Opo tita, una na po kami."

"Mag-iingat kayo."

Niyakap ko muna si Mommy bago ako sumakay ng kotse. Mabuti na lang hindi ko nakalimutang dalhin si Mimi 'yung pinakapaborito kong unan malayu-layo pa naman 'yung byahe namin mahigit pa daw sa dalawang oras sabi ni Zion kung galing sa bahay.

Dinaanan na muna namin ang tropa bago kami sabay sabay na umalis ng Quezon City. Its going to be fun! makakapagbakasyon din ako sa wakas!

"Shrek tulog muna ako huh? ang aga mo kasi akong ginising kaya inaantok pa talaga ako."

"Okay baby Barney sleep well."

*Mwuah!*

"Hokage moves ka masyado Barney!"

"Haha iloveyou, bakit may reklamo ka? Baka nakalimutan mong sa'kin ka? kaya kung may gagawin man ako sa'yo wala ka na dun!"

"Uh ganoon ba? Mamaya ka lang!" *evil laugh*

"Hoy! eto naman joke lang naman syempre!"

"Haha walang bawian Barney! humanda ka sa'kin mamaya, akin ka din naman kaya kung may gagawin din ako sa'yo wala ka na dun!"

"Tse! ewan ko sa'yo puro ka kalokohan Zion, mag drive ka na lang dyan muna manong driver paki gising na lang ako mamaya kung nasa resort na tayo huh?"

"Opo madam! masusunod po."

"Good!"

Hindi na ako nagsalita inilagay ko na lang 'yung headset sa tenga ko sabay pikit ng mga mata ko.


The Promise RingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon