1 ~ Xarra & Aeon

360K 7.2K 375
                                    

CHAPTER ONE

"AYOKO daddy, ayoko." Mariin na tanggi nya sa gusto ng ama. "Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko kailanman inisip na mahalin." Akala nya sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganitong bagay pati pala sa tunay na buhay ay totoong nangyayari ang arrange marriage.

Kungbaga sa isang kwento masyado ng gasgas ang plot ng ganitong uri ng istorya, nasa manunulat na lang iyon kung paano maaabot ang happy ending ang ganitong tema na kwento. Pero hindi kathang isip lamang ang nangyayari sa kanya kundi totoong buhay na sya ang bida.

"Xarra, listen, mabait na tao si Austin sana bigyan mo sya ng chance na makilala ka."

Umiling sya. May pakiramdam kasi sya na hindi maganda ang intensyon sa kanya ng Austin na iyon at kailangan nya mag-isip ng paraan para matigil na ang kahibangang ito.

"For the first time dad susuwayin ko kayo, I'm sorry." Nakayuko na iniwan nya ang ama sa study room nito at dumeretso sa silid ng mga ito kung nasaan ang mommy nya.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto at naglakad ng walang ingay patungo sa kama kung saan natutulog na ang mommy Vhia nya.

"Mom," Marahan nyang hinaplos ang buhok nito. "I'm sorry, hindi ko kaya ang sinasabi ni daddy. Pinalaki nyo akong mabuting anak pero hindi po ibig sabihin no'n ay hahayaan ko ang sarili ko na magpadikta sa kung ano man ang gusto nyo o ni dad. May sariling buhay na ako mommy at gusto ko po na mabuhay ng malaya. Malaya na gawin ang gusto ko at piliin ang taong gusto kong makasama habang buhay." Hinalikan nya ang noo nito.

"I love you mom, I love dad also pero hindi ko po gagawin ang gusto nya. Ayoko mommy, ayokong makulong sa isang relasyon na walang pagmamahalan." Mahinang sabi nya at nagpasya ng magtungo sa kanyang silid.

Hindi nya maintindihan ang ama kung bakit gusto pa sya ipakasal kay Austin kung gayong maayos naman ang pamumuhay nila. Maganda ang takbo ng negosyo nila. Usually kasi kaya may arrange marriage ay gustong pag-isahin ng dalawang pamilya ang mga kayamanan ng mga ito upang lalong yumabong. Iyon ba ang gusto ng daddy nya at Austin na mangyari?

Kinuha nya ang kanyang cellphone na nasa ilalim ng unan nya and dialed her bestfriend's number. Nakakailang ring pa lang ay nasagot na agad iyon.

"Celine?" Aniya. "Did I disturb you?"

"Yes and yes! Hindi mo ba alam na nagpapahinga ako? I am just finished washing my clothes Xarra and here you are disturbing me. You know I don't really—."

"Stop!" Pigil nya sa kung ano pa man ang drama na sasabihin nito sa kanya. "I need your help."

"Kung paglalabahin mo ako ng damit mo its a no-no my dear best friend I am dead tired and right now I need to rest my mind and my oh so sexy body, so—."

Pinatay nya na lang ang tawag. Minsan talaga hindi nya maintindihan kung bakit nakatagal sya sa kaibigan nyang iyon. May sira yata sa pag-iisip si Celine madalas kasi itong magbaliw-baliwan. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone nya and the caller is none other than but Celine herself.

"Oh?" Kunyari ay galit sya.

"Ang rude mo din talaga ano? Patayan daw ba ako?"

"Ang daldal mo kasi hindi ka nakakatulong sa problema."

"Ano ba 'yang problema mo Xarra? Mukhang seryoso 'yan ha."

Humiga sya sa kama nya habang ang mga mata ay nasa kisame. She do have a problem, a very big one.

"I told you before about Austin, right?"

"Yeah that Austin guy. What about him?"

"Daddy wants Austin to be my future husband but—."

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon