7 ~ Don't Fall

228K 5.9K 484
                                    

CHAPTER SEVEN

IBINALANDRA nya sa kama ang cute na babae pero walang preno ang bibig. How dare her tell him na wala syang abs? Everyday ang work out nya at walang palya. Women loves his body at ipapakita nya sa babaeng ito ang sinasabi nitong abs!

"Nakakadami ka na ha." Singhal nito sa kanya habang hinihilot ang wrist nito na palagay nya ay nasaktan sa panghihila nya papasok sa room nya sa hotel na 'yon.

Inumpisahan nya ng tanggalin ang butones ng polo long sleeve na suot nya. Ewan nya na lang kung hindi ito maglaway at manahimik ang bibig. Nakita nya ang pag-angat ng mukha nito sa kanya at ng makita na mahuhubad na ang suot nya ay tuluyan na itong pumatong sa kama at nagtalukbong.

Nakakainsulto ang babaeng ito! Yung iba gustung-gusto ang katawan nya tapos ito tatalukbungan lang sya?

"Aeon, ano ba 'yan huwag ka nga maghubad sa harap ko." Kinakabahan na sabi nito. "Kung naiinitan ka maligo ka o kaya itutok mo ang katawan mo sa aircon, huwag mong ibalandra ang katawan mo sa harap ko kasi hindi ko pinagpapantasyahan ang mga lalaking walang abs."

"Look at me." Utos nya pero hindi sya nito pinansin. "Don't make me wait Miss Salcedo." Marahas na tinanggal nya ang kumot na nakabalot dito ng hindi sya nito sinunod agad. Nakakaubos ng pasensya ang babaeng ito.

"Ma-may abs ka." Para itong tanga habang pinagmamasdan ang magandang katawan nya. "May abs ka nga."

"Stupid." He muttered. Inirapan lang sya nito kaya sa asar nya ay paibabawan nya ito. "I'll let you touch every inch of me then after this ayoko ng makita ka ulit, understand?"

Kung may anong dumaan sa loob ng katawan nya ng maamoy ang pabango ng babae. Kaya mas lalo nyang idinikit ang katawan dito to make sure kung hindi ba nagkakamali ng amoy ang ilong nya.

She smells sweets. Bahagya nya itong tinignan. The woman is simply pretty, makinis ang balat nito at halos nararamdaman nya na ang malambot nitong dibdib sa katawan nya. Ang amoy nito ay nagbibigay ng kakaibang init sa kanya.

"Yung belt mo natutusok ako." Reklamo nito at iniharang ang dalawang kamay sa pagitan nila para kahit papano ay may espasyo ang katawan nila.

He knew this woman! Ito 'yung kumagat sa kanya sa RACE Inc. Ilan buwan na ang nakakalipas. Malalagot talaga ito sa kanya. Umalis lang sya sa ibabaw ng dalaga ng sunud-sunod na ang tunog ng doorbell. Tinignan nya ang wrist watch nya, seven in the evening na ibig sabihin mag-uumpisa na ang event.

Nang maayos nya na ang sarili ay lumabas na sya kasama ang ama na syang nagdodoorbell kanina. Nakasunod lang sa kanila si Xarra. He smirked on his mind. He already found her.

MALALAKI ang hakbang ng lisanin nya ang Hotel kung saan inimbitahan sya ni Charlton sa isang Party. Hindi nya naman akalain na sila Aeon pala ang nagpaparty. Well well well, nameet nya na sa wakas ang binata kaya lang hindi maganda ang una nilang pagkikita pero isa lang ang masasabi nya... Sobrang saya nya dahil hindi sinasadya na naglapat ang labi nila ni Aeon kanina.

"God!" Impit na tili nya at umupo muna sa mga upuan na nasa garden ng hotel. "Did... Did Aeon kissed me?" Pakiramdam nya nag-init ang pisngi nya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Para syang teenager na kinikilig! "Akisidente lang ang kiss na iyon Xarra huwag kang feeler!" Sermon nya sa sarili.

Kukunin nya na sana ang cellphone sa bag nya upang ibalita kay Celine na nagkita na sila ni Aeon pero may pumigil sa braso nya at panggigilalas nya ay hinila sya nito patayo sabay naglakad.

"Hoy ano ba bitiwan mo nga akong lalaki ka." Pinalo nya ang braso ni Aeon, oo si Aeon! "Kanina mo pa ako sinasaktan."

Huminto ito sa isang mamahaling sasakyan at sinulyapan sya pati na ang buo nyang katawan.

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon