19 ~ Baby Dress

293K 6.2K 131
                                    

CHAPTER NINETEEN

GINAWA niya talaga ang lahat huwag lang pansinin si Aeon. Hindi kasi talaga nito sinabi sa kanya kung anoman ang pinag-usapan nito at ng daddy niya kahit anong pilit niya. Naiinis siya sa ideyang may itinatago ito sa kanya. Umayos siya mula sa pagkakaupo sa napakalambot na sofa sa sala habang nagbabasa ng romance pocketbook.

"Stop sulking like this Xarra, I will tell you everything kapag okey na pero sa ngayon huwag muna." Patuloy lang siya sa pagbabasa, si Aeon naman ay kanina pa nasa tabi niya at pinapaliwanagan siya pero kanina niya pa din ito dinideadma.

Hindi niya alam kung dala lang ba ng pagbubuntis niya kung bakit trip na trip niyang naririnig ang boses nito at nakikita ang frustration sa mukha nito. Bihira kasi talagang magpakita ng emosyon ang isang 'to.

"Wala ka naman kasi talagang tiwala sa'kin kaya ayaw mong sabihin ang napag-usapan niyo ni dad."

"That's the point. That conversation is between me and your father. Sa aming dalawa lang."

"At hindi ako kasali?"

"Yes," At doon na nagngitngit ng husto ang kalooban niya. "Xarra, hey!" Anito ng layasan niya at pumanhik sa silid nila.

Maya-maya lang ay naramdaman niya ang paglubog ng kama na hinihigaan niya na nagsasabing may tumabi sa kanya. Nakatalikod siya sa gawi nito. Hinaplos nito ang braso niya at hinalik-halikan ang leeg paikot sa batok niya. Kinagat niya ang loob ng pisngi niya ng gumapang ang kamay nito sa loob ng blouse niya at huminto sa tummy niya.

"I told you not to wear short shorts." Nang-aakit na bulong nito habang padampi-dampi ang labi nito sa balat niya. She needs to control herself. Tukso si Aeon! Tukso!

"I want to sleep, don't disturb me." Pagdadahilan niya upang lumayo ito sa kanya at matigil ang pag-iinit ng katawan niya.

"Matutulog ka ulit? Kagigising mo lang."

"Ah... Eh..." Speechless!

"Why don't we go shop? And buy baby-"

"Baby dress?" Humarap siya dito at hindi sinasadya na nagtama ang labi nila pero pareho nilang binalewala iyon. "Are we going to buy our baby's dress?" She asked excitedly.

"Yes and your dresses too. Shall we go?" Tumango-tango siya habang malawak na nakangiti. "Change your clothes." Tumingin ito sa naka-expose na hita niya dahil sa sobrang iksing cotton shorts na suot niya. "I won't allow you to go outside with that shorts." Itinuro pa nito ang suot niya.

"I'll change na."

"Good." Kumuha siya ng peach summer dress sa walk in closet nila ni Aeon at walang sabi-sabing hinubad niya ang suot niyang spaghetti strap sando and short shorts knowing na pinapanood siya nito. "Such a tease." Lihim siyang ngumiti sa turan nito.

She tied her hair in a neat bun and put a lip gloss on her lips para naman hindi siya magmukhang katulong ni Aeon, na kahit nakapang bahay lang ay halatang-halata ang pagiging bilyonaryo.

"Kahit kailan ba hindi mo naranasan maghirap?" Hindi napigilan na tanong niya ng humarap siya dito.

"Maghirap? What do you mean?"

"Yung tipo na sa maliit na bahay ka titira, matutulog ka ng walang air con at sasakay sa mga pampublikong sasakyan. Yung wala kang pera."

"So far hindi pa naman. If ever na mangyari man ang bagay na iyan na alam ko naman na imposibleng maghirap kami, I think I can still earn money with my own, hindi ako magugutom."

"At paano ang gagawin mo kung sakali?" Lumapit ito sa kanya sabay inakbayan siya at lumabas sila ng silid.

"Do I really need to answer that?"

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon