Prologue

74 4 0
                                    


Prologue.
*Blag! Nagising ako sa lakas ng pagkakasara ng pinto nakita ko sila Mama na naghahabol ng hininga.

"Mama anong nangyari? Bakit parang pagod na pagod kayo?" Tanong ko .

"Anak alam mo namang mahal na mahal ka namin diba? Kaya makinig ka samin ng Papa mo marami sila at parating na sila kailangan mo ng lumayo dito sumama ka sa kanila"

turo ni Mama sa dalawang taong nakasuot ng itim at puting cloak (Balabal) na di makita ang mga mukha.

"Mama, Papa ano pong ibig niyong sabihin? Di ko po sila kilala."

Sa puntong iyon naguunahan ng pumatak ang mga luha ko.

"Anak. Makinig ka samin ng Mama mo. Sumama ka nalang sakanila mapro-protektahan ka nila. Bilis na kailangan mo nang umalis. Parating na sila. Mahal na Mahal ka namin Anak." sabi ni Papa habang tinutulak ako papunta sa dalawang iyon.

"Anak. Mahal na Mahal ka namin ng Papa mo kaya kailangan naming gawin ito. Paalam anak."

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sakanila bago sumakay sa di ko maipaliwanag na kung anong klaseng hayop ito habang paalis kami nakarinig ako ng isang malakas na pagsabog baba na sana ako ngunit pinigilan ako ng naka-itim

"Mahal na prinsesa  wag!" Sambit niya at hinawakan ako sa aking beywang ng mahigpit upang di ako makaalis.

"AAAAAHHHHHH! WAAAAAG! MAMAAAAAAA PAAAPAAAAAA" sigaw ko kitang-kita ko kung paano lamunin ng pulang usok ang mga magulang ko. Hikbi na lang ang tangi kong nagawa habang pinagmamasdan ang mga magulang ko na pinapatay ng pulang usok na iyon.

"Mamaaa *sob Papaa *sob mahaal na ma--hal ko kay-*sob-o." Sabi ko habang unti-unting nilalamon ng itim ang mga paningin ko-- .

Blackout.

Nagising lamang ako sa tapik ng nakaputing cloak.

"A-ano? Hah? Nasaan ta-yo?" Basag na basag parin ang boses ko dahil sa pagiyak ko.

"Sina Mama at Papa? Nasaan?" Tanong ko habang nagsisimula nanaman akong umiyak.

"Wala na sila..." sagot ng naka itim.

"HINDI! HINDI! LUMAYO KAYO SAKIN! KAILANGAN KO BUMALIK DOON!" Sabi ko habang tinutulak ko yung naka-itim.

"Hindi kana pwede pang bumalik doon prinsesa..Wala na ang Hari at Reyna! Patay na sila. Pinatay sila."  sagot ng naka-puti habang umiiyak din.

"Hindi! Hindi! Nagbibiro lang kayo e.!" Sambit ko habang umiiyak nanaman.

"Ana, may dahilan ang lahat. Patawad kapatid, mahal na mahal kita.." Rinig kong sambit ng naka-puti. Magsasalita pa lamang ako ng biglang umilaw ng puti at sinundan ito ng itim at --*

Blag.

---

Majica AcademyWhere stories live. Discover now