Chapter 9

3 0 0
                                    


Sheyne's Pov..

hmm, may nararamdaman akong mabigat na bagay sa aking tiyan..di ako makahinga! Gumalaw-galaw ako ng konti pero hindi talaga maalis eh! Buti pang bumangon na lang ako.. kagabi pa tong' kambal nato! Hmp! Gawin ba naman akong unan? Makayakap wagas! *grrmmkk
ay kaloka nagugutom na ako! Makalabas na nga..
-
-
"Oh? Aga mo naman yata magising mahal na prinsesa?" magalang na pagtatanong ni Xcian.. "Paano ba naman kasi yung kapatid kong' kambal ginawa ba naman akong unan?! Di kaya ako makahinga psh."sagot ko rito na para bang' nagsusumbong..

"Hayaan mo na sila mahal na prinsesa namiss ka lang ng dalawang yun! Sa tagal ba naman ng panahon na di kayo nagkakasama.." sambit nito at sabay hila sa upuang katapat ko at doon na-upo..

"Hmm. Matanong ko lang ah? Paano kayo naging magkakilala? Sino unang mong' nakilala sa mga kapatid ko?" wala lang, curious ako eh haha..


"Ang totoo niyan ang unang kong nakilala ay ang Papa mo." Paguumpisa nito..

"Unang beses na pumunta kami dito kasama ang mga kapwa ko bampira ay binatikos kami ng ibang mga tribo lalo na nang malaman nilang gusto nang aking ama na dito na lang manirahan sa Enchantres tribe kung nasaan ang puso ng mundong imortal, sa una okay lang hanggang sa araw-araw may namamatay na ka-uri ko..kun tutuusin wala namang kinalaman ang Enchantres tribe sa pagkaubos ng mga kalahi ko kundi ang Atsahi tribe!." napahinto ito napayuko, alam ko masakit rin para sa kanyaa..nararamdaman ko ang galit nito..

"naging ulila ako, iniwan ako ng ibang mga bampira mag-isa sa bayan na ito dahil kung hindi daw dahil sa aking amang nagpumilit na dito manirahan hindi sana kokonti ang lahi namin.." napabuntong hininga ito...

"at nang malaman ng hari ang papa mo, kinupkop nila ako at pinalaki na parang sakanila..at mtapos ang ilang taon nakilala ko ang kambal.. na naging kapatid ko na, at ikaw mahal na prinsesa isa ka sa mga pinakamagandang biyaya sa aming lahat dahil taglay mo ang purification magic na ipinagkaloob pa ng Goddess ng Enchantres tribe." Tuminginn ito saakin ng diretso..

"Nang mamatay ang Reyna at Hari inatasan nito ang kambal na ilayo ka at ako naman ay nagtago at nagbalik dito sa palasyo namin dahil alam kong di nila ako matutunton..dahil isa ako sa mga nakakaalam ng kapangyarihan mo at nanganganib na madakip ako ng Atsahi's at malaman ang lokasyon mo.. Pasensya mahal na prinsesa wala akong nagawa nung namatay ang Hari at Reyna kung sana namaster ko na lahat ng abilities ko nuon sana naprotektahan ko sila.." malungkot na bigkas nito dsbsy yuko ulit, t-t-eka? Umiiyak siya?

"Ano kaba! Di mo naman kasalanan yun! Saka wag mo akong tawaging mahal na prinsesa, ang haba ih ahaha Sheyne na lang" pagpapagaan ko ng kanyang loob..

"BUNSOOOOOOOOOO!!!" nagitla ako sa lakas ng sigaw ano daw? Sunog?! Shit! Dali-dai akong tumakbo papuntang kwarto, shit .... "ANOOO? SAAAN ANG SUNOG? KUYAAAA XCIANNNN!!!!" naghe-hesterikal kong tanong dito habang humahangos dala ng pagtakbo..

"huh? Sunog? Ahhh hahaha, Bunso sabi ko hindi sunog ahha" tawa ng tawa si Ate habang may pailing-iling pa.. walanghiya!! Ako na nga itong concern!

"Bakit ka ba kasi sumisigaw? May pa-effect ka pang ganun!" iritadong singhal ko dito na di naman matigil sa kakatawa! Tss. "Wala wala haha" baliw!

Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ang mga kibigan ko simula nang maounta kami dito di ko pa sila nakakausap ng maayos.. Isa isa kong binuksan ang pinto nila ngunit ni isa sa mga kwartong iyon ay wala sila.. bigla naman akong kinabahan, muntanga lang? Baka nasa kusina lang mga yun... so habang naglalakad ako papuntang kusina ay para bang lalong bumibigat ang pakiramdam ko lalo na ang nadatnan ko lamang ay si Kuya Xcian... shit!

"Uhm, Kuya Xcian? Nakita mo ba sila Lola? Wala po kasi sila sa kwarto nila ih." Sunod sunod kong tanong dito... "Ah sila ba? Kasama ni Itim bakit?" kasama ni kuya? Bakit kaya? Well at least okay lang sila.. "Ah wala po! Sige.."

--

Alex

Ang daming nangyari, kamusta na kaya ang mahal ko? Psh. Di na kami nagkakausap. Feeling ko nasa ibang bansa lang kami haha, hanggang kalian kaya? Tumayo ako at tiningnan ko ang mga kasama ko si Uno, Dos at Jake... kalian kaya tayo makakabalik sa mundo natin?

"Mabuti naman at gising kana." OH? Nahulog ako sa kama sa sobrang gulat, sabay tingin sakanaya ng masama. "Yung totoo di ka marunong gumamit ng pinto?!" singhal ko dito.

"Marunong, but I don't want use any effort besides alam kong tulog pa kayo it's useless." Walang modo to! Tumayo na ako at naupo sa kama.. "Why are you here? What do you want?" walang kabuhay-buhay kong tanong sakanya.. "Interesting, gisingin mo ang mga kasamahan mo. Hihintayin ko kayo sa labas. I need to wake up the girls." Aba! Siraulo who the hell do he think he is? Psh! Di naman sinagot tanong ko buysit!

"HOY! GISING!" Sigaw ko ng malakas na siya namang paggalaw ni Uno at talukbong ng unan sa mukha.

"HOOOOOY! KAILANGAN NATING LUMABASSSSS!" at nagsitayuan ang mga loko. Napangisi na lamang ako sa aking nakikita haha

Majica AcademyWhere stories live. Discover now