Chapter 3

30 1 0
                                    

.-----
"Makinig po kayo sa amin......"

"Ano bang ibig niyong sabihin?"

"Kami po ay naparito para kunin na ang mahal na prinsesa"

"Ano bang prinsesa pinagsasabi mo iho? Mukhang maling bahay napasukan mo. Wrong number ka iho este wrong house pala"

"Hindi po. Si sheyne po ang apo niyo po ang prinsesang tinutukoy namin... Kailangan na namin siya kunin habang hindi pa lumalabas ang kanyang kapangyarihan"

"...."

Naka-drugs yata tong' dalawang to e! Sabog nako mga bata nga naman ngayon.

"Lola?"

"Ay nako mga bata kayo! Ano bang kapangyarihan pinagsasabi niyo? May pa-prinse-prinsesa pa kayong sinasabi, aba'y kung niloloko niyo lang ako halina't sa baba ng makauwi na kayo. Masyado ng gabi."

"Hindi ho kami nagbibiro, lahat ng sinabi naman totoo. Ang kinikilala niyong apo ay ang prinsesa at susunod na reyna ng mundo ng mga immortal."

"Kayong dalawa! Ginagalit niyo ako.. Ngayon naman mundo mundo ng immortal pwede ba tigilan niyo ako at tumataas ang altapresyon ko."

At nagbulungan na ang dalawa, Mga bastos!

"Kahit ano namang paliwanag ko ah di niyo paniniwalaan hawakan niyo ang kamay ko. Ipapakita ko sainyo ang buong pangyayari."

Nagdalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba o ano. Pero hinawakan ko parin...

Napadpad kami sa isang lugar. Hindi ko alam ang lugar na ito pero napakaganda ng bahay ay mali isa itong kaharian pero bakit umuusok? Pulang usok na tila kinakain ang kastilyo. A-anong nangyayari?

"Mahal na prinsesa wag!"

Parinig kong sigaw. Kailangan ko puntahan yun parang kilala ko kung sino yun.

"AAAAAHHHHHH! WAAAAAG! MAMAAAAAAA PAAAPAAAAAA"

Habang palapit ako palakas ng palakas ang naririnig ko.

"Mamaaa *sob Papaa *sob mahaal na ma--hal ko kay-*sob-o."

Isang munting iyak ng babae ang narinig ko, malapit na ako. Pero pagdating ko dun biglang nawala.

Binabalot ako ng puti usok anong nangyayari?

Nang biglang nasa harap ko na ngayon ang tatlong taong may kasamang bata na mahimbing na natutulog pero di ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa natatakpan ito mg buhok niya.

Jusko asan na ba ako? Gubat parin naman ito. Asan na yung dalawang batang iyon! Paano ako nakaalis sa kwarto ko...

"A-ano? Hah? Nasaan ta-yo?"

Gising na siya at rinig na rinig ko sa boses niyang umiyak siya.. Ang b-b-boses niya. A-ang a-apo k-ko. Siya ang batang ito. Lumapit pa ako upang makita ang mukha niya. J-jusko S-sheyne a-apo i-ikaw n-nga!

Majica AcademyWhere stories live. Discover now